Chapter 12

7.4K 181 7
                                    

Madalian ang UD para tapos agad! XD

~*~

"Sure ka Psyche? Baka magulo ka lang ni Hikira dun alam mo naman yan iyakin."


Ngumiti to sakin at inayos ang coat na suot niya tinulungan ko naman siyang ayusin ang tie niya.


"It's okay sweety, pinadala ko naman kay Butler ang crib niya saka never naging waste ng time ko si Hikira saka ayokong magulo ka, girl bonding niyo yun nila Alesa."


Agad akong umirap at tumawa, "Okay then, wag mo lang papapasukin sa Officr mo yung Aswang na Pinky------


"Sweety i can't do that, alam mo namang tinatapos nami------



"Fine.Fine Grr.."



Tumawa lang ito at niyakap ako kaya gumanti din ako sakaniya, "Bye na...Magba-bye kana kay Baby aalis na kami."



Agad akong tumango at pumunta sa kwarto ni Hikira na kanina ko pa naayusan, Isasama kasi siya ng gwapo niyang daddy sa office nato at okay lang yun sakin para hindi siya landiin ng Aswang na yun. May usapan kasi kami nila Alesa na magda-date kami kasama si Gardo at ang asawa nito kaya gumora na ako sa tagal ba naming hindi nagkita? Oo nakakadiring isipin pero na-miss ko sila.





"Baby? Wag makulit sa office okay? Wag masyadong iyakin.." sabi ko dito ngumiti naman ito at tumawa, ang cute talaga!




"Ocya? Baka mamaya pa ako aalis Psyche magpapahatid na lang ako sa driver natin, ingay kayo ni Baby."



"Okay, we will. Ikaw din? Text me okay?"



Agad akong tumango at kiniss siya ganun din kay Hikira, at ngayon hinatid ko na sila sa maindoor ng bahay magpapahatid din kasi si Psyche sa driver namin dahil hindi siya pwedeng magdrive kasi kasama niya si Hikira tsk..





Nang makaalis na sila naligo naman ako agad at nag-ayos nagsuot lang ako ng floral pink dress na tinernohan ko ng Flower Crown na usong-uso ngayon. Sinuot ko lang ang adidas ko na plain white, wala kasi ako sa mood mag killer heels ngayon.





**BabababanananananaBababa~~




"Ano?"



[Ganda ng bungad! Gaga ka asan kana ba?! Kanina pa kami nakatunganga dito sa Starbucks!]



Agad kong nilayo sa tenga ko ang phone na hawak ko. Anlakas kasi makasigaw nitong sugpo nato!



"Maka Gaga?! Di marunong rumespeto sa nakaka-ganda? Chi. Papunta na ako maghintay kayo!"





[Nandito na si Gardy at si Via! Talak ng talak si Sun at Ata, kesyo anta----




"Sabi ko papunta na ako maghintay kayo Bye!"



Agad kong inend call at patakbo g bumaba sa sala, At dahil sa pagmamadali ko halos ma slide pa ako kaya agad akong pinayuhan ni Manang.



"Mag-ingat ka Maam! naku...."



"Ay sareh! Kasalanan ko naman----I mean ugh! Wala bye!"



Tch, bumabalik nanaman ang pagiging Harsh ko eh bawal nato. Agad akong sumakay sa sasakyan ko, at dahil wala pa ang driver namin hindi ko na siya hinintay at minaneho ang sasakyan ko. Nag-drive lang ako at inaaliw ang sarili ko sa tanawin. Ngayon na lang ako naka drive simula ng mabuntis ako, err.Nakaka-miss pala.





At nang maalala ko na hindi ako nakapag-text kay Psyche agad kong kinulikot ang cellphone ko at lipat-lipat ang paningin ko sa daan at sa phone ko.




Me:
Hey.. OTW na ako sa kitaan namin, :) I wish, you're here.





At agad ko sinend at nanlaki ang mata ko dahil may sumalubong saking kotse gawa para mapa-preno ako ng sobrang bilis.





"DAMN IT!" sigaw ko sa gigil at agarang bumaba sa kotse ko, agad namang bumaba ang nasa loob at lalaki iyon na akala mo pupunta sa beach ng gantong panahon.






"KUNG GUSTO MONG MAGPAKAMATAY WAG KANG MANDAMAY!" inis na sigaw ko at agad pumasok aa sasakyan ko





"H-Hey sorry miss hindi ko sinas----




"Sinasadya your ass!" bulalas ko at mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko. Nagka goosebump ako dun huh, tsk!






"Aba dumating kapa!"




Agad kong inirapan si Ata at agad umupo sa tabi niya, na sense siguro nila na badtrip ako.




"Anyare teh? biyernesanto at ang feslak ah?" -Sun





"May sira ulong lalaki na gustong magpakamatay at muntik pa akong madamay!"




Agad silang humagalpak nahiya tuloy ako sa bunganga nila kita kasi ang ngala-ngala nila pati tonsil.





"Sus! Wag kang matakot masamang damo ka teh di ka kaagad mamatay!" Sapaw ni Alesa agad ko siyang inirapan at binalingan si Gardo





"Gardo! Order mo ko, Caramel Cocoa Cluster Frappuccino. Eto oh, 1K keep the change." ngising abot ko kay Gardo






"Kakainsulto to! ichura mo, Ilibre pa kita ng tatlo tss! Ako na bibili, isumbat mo pa sakin yang change mo."




Agad akong humalakhak hahahhaha! Lumaki kasi ang ilong nito nyhahahahahh. Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa magsalita si Alesa na kanina pa tahimik.





"G-Guys? Ano...Sasabihin ko na yung gusto kong sabihin kanina nung hinihintay natin si Fran,"




Agad tumaas sa ere ang kilay ko, pa suspense pa si Gaga. Daming alam.




"Sige! Gora!" sigaw pa ni Via






"Pupunta ako sa Japan bukas na bukas, magtra-trabaho na ako dun."




Agad bumagsak ang panga ko, w-what?!




"Are you kidding?! Paano si Drake?!" bulalas ko




Ngumisi ito ng mapait, "Guys..Never naging kami siguro may something pero hindi official saka nag-away kami last week kaya wala na kaming communication, saka....Gusto ko muna dun sa Japan kasi nandun ang ate ko."




Naiinis kong hinila ang buhok niya, "Chusera to maghahanap ka lang ng Hapon dun eh! Mukha mo, tssk! kelan ka babalik?!"




Ngumiwi ito "Ah I d-dunno?"




At ayun kinulit na namin siya hanggang sa mag-ikot-ikot na kami sa buong mall hanggang sa napagod. Sila lang naman ang nag-enjoy sa kalokohan nila, Boy hunting kasi ang mga loka-loka. Loyal ako eh.




At sa huli napagpasyahan naming magsi-uwian na dahil 7:30 na din sa gabi kaya agad akong nagmaneho pabalik sa bahay. Hindi ko na tinext si Psyche dahil alam kong pauwi na rin siya ngayon at namimiss ko na ang baby ko.





Naabutan ko ang bahay na mukhang tahimim, wala pa si Psyche?




"Manang? Manang!" sigaw ko kaso mukhang wala sila dito sa sala, eh si Butler? Yung guard lang ang nakita ko kaso busy sa panonood. Agad kong iniling ang ulo ko at dumiretso sa kwarto namin.




Magpapalit na sana ako ng damit ng makarinig ako ng hagikgik, bigla akong kinabahan at dahan-dahang tinanggal ang sapatos ko at binuksan ko ang pintuan ng kwarto ni Hikira at lumuwa ang mata ko sa nakita ko.





"What...T-The Eff?!"

She's The Famous Maldita Queen 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon