Chapter 42

6.7K 194 17
                                    

~*~

Lumipas ang isang linggo na iba ang timpla ko, lagi akong nagsusuka at good thing hindi yun napapansin ni Psyche dahil minsan nasa Cr siya at ako naman tatakbo sa CR sa main house at doon duduwal. Minsan naman nasa kusina siya at nage-excuse akong magc-cr kahit hindi naman talaga. Inshort wala siyang alam sa nararamdaman ko dahil hindi ko sinasabi.




At oo may mga conclusion na nabubuo sa isip ko sa loob ng 1 week na iyon. At...Iba talaga ang timpla ko at iniisip ko na baka buntis ako kaya nagpasya akong pumunta sa mall sa watson para bumili ng pregnancy test.





"Hey sweety are you sure ayaw mong sumama sa Company?" tanong ni Psyche kaya agad akong umiling. No....Bawal niyang malaman!






"A-Ah hindi isasama ko lang si Hikira sa mall, ya know? Girl bonding..." sagot ko, tumango-tango naman ito habang nakangisi kaya kinabahan ako, a-alam niya ba?





Pinilig ko ang ulo ko at pinilit kainin ang nasa harapan ko. Sht! wala talaga silang amor sakin! Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin kay Psyche, ngumunguya ito habang nakatitig sakin.



"Ayaw mo ng ulam? Diba favorite mo yan?? Sinigang na hipon?"




Agad akong ngumiwi, ayokong kumain ng hipon. Parang nandidiri ako kasi naalala ko si Alesa, i can't eat her relatives guys!






"Ayoko na nyan, naalala ko si Alesa..Tsk!" sagot ko na lang, Damn it! I knew it buntis talaga ako. God!





Sige nga paanong hindi ako mabubuntis?? Nung nasa Cali kami sa loob ng isang linggo jugjugan kada umaga then sa gabi tas yung umuwi kami, umabot kami ng umaga sige nga??? Gosh! Ano kaya itsura ng anak namin? baka lima ang ulo nito tas apat ang kamay.







Nanliit ang mata ni Psyche habang nakanguso eto nanaman ang kabog sa dibdib ko, nanlaki ang mata ko ng biglang bumaluktot ang loob ng katawan ko nasusuka ako!





"A-Ah Psyche! T-Tatae lang muna ako!"




Agad kong tinakbo ang layo ng CR sa sala at ni lock iyon at agad na sumuka sa inidoro. O fvck!






"God..I-I'm pregnant!" bulalas ko




**

"Mommy? What po gawin natin here?"




Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Hikira, ganito ba ako magsalita noon? nakakadiri at nakaka-irita pala?




"Hikira maybe kailangan mo ng ayusin yang pananalita mo. Masyadong....Pang alien eh."




Pinanliitan naman ako ng mata ni Hikira gawa para matawa ako.. God kamukhang-kamukha niya talaga si Psyche. Agad kong nilakad ang Watson at agad na bumili tatlong pregnancy test. Bumili din ako ng tubig at nilaklak iyon.




"Mommy ano binili mo watson?" napa ngiwi ako, ampangit ng language ng anak ko gosh!





"Ah...Wala princess, pampaganda lang..." sagot ko at nilagok ito





"Princess punta muna tayo sa restroom okay? Sama ka sakin sa loob?"




Nanlaki ang mata niyo at tumango natawa naman ako, ano kayang iniisip nito? hayst...Diretso lang kami sa CR at agad akong pumasok sa isang cubicle isinama ko na rin si Hikira. Wala pa naman tong alam sa gagawin ko eh, pagkaihi ko agad akong nagpatak doon at 3 minutes kong pinikit ang mata ko.





"Mommy? Ano yan...Oh God? are you crazy mom?!" gulat na sigaw ni Hikira, agad kong tinakpan ang bibig niya. Jusko ang ingay ng anak ko!





"Sshh...Hikira! Nagwiwiwi lang si mommy!" bulalas ko at dahan-dahan tinaas ang PT, halos mahimatay ako....Dalawang guhit!





Inulit ko iyon ng dalawang beses kaya talak ng talak si Hikira kesyo kadiri daw ako! Pero.....Hindi ko inintindi iyon, buntis ako... Juntis! Dalawang guhit sa tatlong PT. Oh God! I'm gonna kill you Psyche Hikiro!





Umuwi kami ni Hikira na tulog siya napagod siguro. Kaya agad ko siyang nilagay sa kwarto niya, pagkatapos nun lutang ako habang nakahawak ako sa tyan ko. Ilang weeks na kaya to? Oh baka buwan na?? God! Nababaliw na ako!





"Hi Sweety!"




Halos mapatalon ako sa gulat ng pumasok si Psyche sa kwarto, kumunot naman ang noo nito habang nakatingin sa kamay kong nakapatong sa tyan ko kaya agad ko itong inalis.





"P-Psyche ang aga mo naman ata!" utal na sambit ko at tumayo para tulungan siya magtanggal ng necktie






"Yeah...Napaaga dahil wala namang hassle sa Kompanya.."





Tumango-tango na lang ako habang hindi makatingin ng diretso sa mata niya. Ayokong aminin sakaniya ngayon na juntis na ako! malapit na ang birthday niya at doon ko sasabihin. Hayst!





Nagulat ako ng itinaas niya ang tee shirt ko at hinaplos ang tyan ko habang nakakunot ang noo. What the?!




"Sweety...Are you pregnant?"

She's The Famous Maldita Queen 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon