Chapter 28

7K 221 48
                                    

~*~

"Oh! Anak naman wala kang pasabi samin ng daddy mo, sa kapatid mo lang ka nagsabi eh alam mo namang kahit kelan hindi yun dadaldal eh!"

"Sinadya ko talaga mom saka....Ohh, Hikira my baby..." bulalas nito at lumapit sa anak namin medyo nasa unahan ako nila mommy kaya hindi niya pa ako nahaharap



"Sumugod kanina si Franshezcka dito kasi ayaw tumahan ni Hikira mukhang miss na miss kana niya, ayan nakatulog."



Pigil hininga akong gumalaw para sumibat sa mga oras na yun kaso sa isang iglap napansin niya na ako gawa para matuyo ang lalamunan ko at umatras ang dila ko sa kaba.



"Smith."


Grabeng ang kabog ng puso ko halos lumuwa ito at mahimatay ako kaso OA na masyado at hindi na makatotohanan kaya......Shut up na lang.




"P-Psyche! You're here na p-pala.." utal-utal na sambit ko at hinarap siya, hawak-hawak niya na ang anak naming tulog at diretso at walang ekspresyon ang mata nito





"Why? Disappoint? Gusto mong matagal ako dun sa Davao?" taas kilay na sagot nito




Agad kumunot ang noo ko at hinead to foot siya. "Excuse me? May sinabi ba ako Mr.Siaverde?" iritang tanong ko, napatingin to sa ibang lugar at ngumisi




"Halata sa ekspresyon mo, Mrs.Siaverde."




Napanganga na lang ako sa sinabi niya ngi si mommy pabalik-balik ang tingin saaming dalawa dahil naguguluhan. Sinundan ko ng tingin ang paglabas niya..



"Mom i need to go.. Iuuwi ko na si Hikira sa bahay namin, and.. You." sabay ruro saakin, "Bahala ka kung sasabay ka sakin o hindi basta iuuwi ko na si Hikira."



"Pero Psyche! Dito kana magdinner kayo ng asawa------




"Thanks but no thanks mom, busog na ako...Kumain kami sa restaurant ni Pinky pagkalapag na pagkalapag ng eroplano sa airport."




Nanlamig ako ng sobra halos maging yelo ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa sinabi niya, mukhang wala siyang pake sa mararamdaman ko bilang asawa niya.



"Pinky? Yung partner mo sa project sa Davao? Tapos na ang contact niyo ah?" litong tanong ni mom ngumisi naman ang damuho





"So? Contract lang naman yun ah..Pwede naman kaming maging close right?" ngising sagot niya




Sumimangot naman si mommy.



"Hindi ko gusto ang aura ng babaeng yun parang konting kibot na lang maluluslos na ang tela ng damit niya at mahubaran siya. Halos ibalandra niya na ang suso niya sa mamayanan tsk..tsk! Ang tukso....Ewan na lang......."





Napailing si Mommy habang sinasabi iyon tila natuwa ang kalahating part sakin pero nabwisit ang kalahati ng sumimangot naman si Psyche.




"Don't judge the book by its cover mom, maybe fashion niya talaga yun saka.....Ang ganda naman talaga ng katawan niya eh kaya anong ikakahiya niya right?" ngising sagot nito





Umabot sa tuktok ang pagkairita ko gawa para hindi ko mapigilang sumabat sa usapan nilang dalawa, Oo hindi ako bobo. Hindi ako nagtatanga-tangahan at manhid dito, alam kong pinaparinggan ako ng hayop na ito! Ang kapal ng mukha? Parang walang ginawang kababalaghan sakin?!!





"Really? Masarap ba siya Psyche?? O mas magaling??" panghahamon ko, napanganga naman si mommy sa inasal ko, sabagay sinong hindi magugulat. Bigla-biglang sasali tas ang laswa pa ng sinabi tsk, asan naba ang class ko?! Hindi ko na makapa!






Natigilan si Psyche at parang binabasa ang utak ko na akala mo mababasa niya talaga tsk!





"Paano kung sinabi kong Oo? Anong gagawin mo? Huh Smith?" ngising saad niya





Hindi ko pinahalatang nagulat ako o nainis, hindi ako nagpakita ng reaksyon. Dahan-dahan ko siyang nginisihan at hinead to foot.






"Sus yun lang ba? Hinahamon mo ba ako Psyche Hikiro? tss....." natatawang bulalas ko, kinunutan ako nito ng noo parang hindi na ge-gets ang gusto kong iparating.








"Gusto mo ngayon na? Annulment Papers? Sige ba, ako pa kukuha ng sarili mong abogado, ano game?" seryoso at malamig na sambit ko, natigilan ito at napanganga at unti-unting namutla.





Wag hinahamon ang isang Franshezcka Fritz Smith.




Dahil kahit mahal kitang hayop ka bibitawan kita! Ano ako Tanga??!

She's The Famous Maldita Queen 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon