Chapter 1: Her Ex Now Her Maid

38.9K 706 56
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

"An EX should stay an EX. They're the example of false love and explanation of why you deserve better!" - Jack Jones TV

❖❖❖

                       TAHIMIK na nakaupo ang mag-asawang Sandoval sa balcony habang inaantay nila ang kanilang nag-iisang babaeng anak. Nagbabasa ng magazine si Alvino samantalang hindi inaalis ni Althea ang mga mata sa mahabang daanan ng sasakyan na gawa sa cobblestones.

Sa edad na limampu't-lima, hindi parin kumukupas ang gandang taglay nito na hanggang ngayon kinaiinggitan parin ng karamihan. Sa taas nitong five-nine, isa sa pinakatanyag na modelo noong kapanahunan nito kaya naman hindi siya tinigilan ng babaerong si Alvino Sandoval, isang businessman hanggang sa nahulog ito at sila'y nagpakasal sa edad niyang twenty five samantalang twenty-one palang nun ang ginang. 

At biniyayaan sila ng tatlong anak, na si Ezekiel Sandoval ang panganay - edad 33 - na ngayon ang bagong CEO ng Sandoval Enterprises, sumunod naman si Phillip Sandoval - edad 30 - na siyang VP ng sariling nilang kompanya at ang kaisa-isang babae at bunso ng Sandoval. Si Chinny ay turning twenty-six.

Ngumiti ng malapad si Mrs. Sandoval ng makita nito ang pulang BMW ni Chinny na pumasok sa mahabang driveway nila. Mula sa kinauupuan nilang balcony, tanaw din nila ang mahabang driveway na napapalibutan ng arecia palm.

Nasa ikalawang palapag sila. Terrace ito sa taas at kita ang buong harapan ng mansyon, ang malawak na garden na well-maintained ng kanyang hardinero at lush green grass around the area. Nagkalat din ang  mga magagandang bushes na binili pa ng ginang na Sandoval sa ibang bansa.

Pinanood ni Althea ang anak nito na mukhang hindi maipinta ang mukha. Inignora lang din nito ang inis na nakapagkit sa maganda at maamo nitong mukha. Kung may taas sana itong 5'9, pwedeng-pwede itong maging international model, tulad niya, ngunit alam din nito na hindi papayag ang anak nitong maging modelo. Mas gusto nitong magbabad sa harap ng computer at magbasa, o manood ng Viki drama.

"Let's meet her," excited na bulalas ni Althea at ngumiti naman ang asawa nitong si Alvino na kanina nakaupo sa isang balcony armchair at nagbabasa ng newspaper habang nagkakape.

"You deal with her," paalala ni Alvino sa asawa na ikinatango naman ng ginang at parehong bumaba ang mga ito para salubungin ang kanilang bunsong anak.

                 NAIINIS na ipinarada ni Chinny ang kotse nito sa harap ng mansyon ng mga magulang niya. Dapat sana kasama niya ang mga kaibigan ngayon upang maglaboy sa mall. Kahapon lang siyang kasama nila dahil tinawag siya upang magdinner kasama ng mga kapatid nito, kaya hindi naman ito nakatanggi dahil nagtatampo narin ang ina nito.

Alam din niya, minsan, ginagamit ng mommy nito ang mga kapatid upang wala siyang kawala at kailangan pumunta ito dahil andun lahat sila. Kung akala niya nakawala na ito sa pagkokontrol ng mga magulang niya, iyon ay malaking pagkakamali.

Simula ng nakatapos siya, hindi na ito tumira sa kanila. At kahit nung nag-aaral palang siya ng abogasya, nagtrabaho na ito para pantustos sa tuition nito every semester though hindi parin tumigil ang mga magulang nitong tumulong. At pagkatapos na pagkatapos nito ng abogasya, nagtrabaho ito as a personal secretary ng isa sa pinakamaimpluwensyang tao sa buong Asya, o tamang sabihin sa buong mundo, ang NCM Holdings. 

Kahit anong pagtutol ng mga magulang niya, hindi siya nagpatinag. Simula ng iwan siya ng damuhong si Latsis at bigla nalang nawala sa eksena bago ng kanilang itinakdang kasal, hindi na siya ang dating masunuring prinsesa ng Sandoval. Biglang nagkasungay ito at nag-umpisang suwayin ang mga utos ng mga magulang.

Maid For Her BRS3 (Unedited)Where stories live. Discover now