Chapter 9: Territorial

15.7K 479 21
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

 ❖❖❖

                  "I know, hindi ka naniniwala, Chinny, but at least give me a chance?" umupo ng tuwid si Markos saka nito hinaplos ng masuyo ang malambot na pisngi ni Chinny. Pigil na pigil nitong wag abutin ng kanyang mga labi ang labi nito. Wala paring imik si Chinny at lalong lumaki ang kaba niya. Never pa siyang naging madrama na tulad nito. Hindi siya ang taong nanliligaw o nagsasabi ng saloobin. 

Pero hindi na tulad ng dati si Chinny. Hindi na siya patay na patay sa kanya. Ibang Chinny na itong kaharap niya at hindi niya alam kung papanong ligawan ito, bawiin ang puso nitong dating kanya. 

"Tempest was just a part of my past. Whatever na narinig mo, I didn't try to rectify it dahil kilala ko siyang eskandalosa. I already lost your parent's trust, at ayaw kong pati ang respeto nila sa pagkakaibigan ng mga magulang natin, mawala pa. Please, believe me," mahinang usal ni Markos. 

Gandang-ganda siya rito. Parang manika itong nagkaroon ng buhay. Malambot ang mga makikinis nitong pisngi, at lalong sumakit ang puson ni Markos, pati ang puso niya. Gusto niyang yakapin ito, halikan ang bawat parte ng mukha, ng katawan. Iparamdam dito kung gaano niya kagusto na ngayon ang dalaga at kung gaano niya pinagsisihan ang maling desisyon niyang iwanan ito.

"Markos," mahinang usal ng dalaga. Gusto nitong palisin ang kamay ni Markos na masuyong hinahagod ang kanyang pisngi, ngunit mas malakas ang udyok ng laman. Napakasarap sa pakiramdam na hinahagod nito ang kanyang pisngi. Lalong lumakas tuloy ang pagtibok ng puso niya at parang may mga dagang nagkakarerahan sa tiyan niya.

"Will you give me a chance?" tanong ni Markos saka nito sinalubong ang mga mata ni Chinny na namumungay na. Tumagilid pa ng konti ang ulo nito para dumikit lalo ang kaliwa nitong palad sa kanyang pisngi. 

Parang minememorya naman ni Markos ang mukha nito. Ang bawat anggulo ng perpektong mukha, ang mga malalalim na mga mata, ang mga labing parang nang-aakit na mahalikan, her high cheekbone that made her look even more stunning, and her well maintained brows. 

Bigla naman parang natauhan si Chinny ng maalala nito ang nobyo. Inalis nito ang palad ni Markos mula sa kanyang pisngi saka itinuon muli ang tingin sa screen.

"I already have a boyfriend, Markos. Don't you think it's too late for us?" tanong ni Chinny ng hindii parin tumitingin sa direksyon ni Markos. Narinig nitong nagpakawala ito ng isang malalim na buntunghininga na inignora niya lamang. "Matagal naring taon ang lumipas, at hindi makatwiran na bibigyan kita ng chance while I'm with Lorenzo. That's like hitting two birds with one stone. Kahit na hindi tayo, giving you a chance is like leading you on, while I'm with Lorenzo. It is considered as two-timer, at ayaw kong maging two-timer," paliwanag ni Chinny ng sunud-sunod. Umiling-iling naman si Markos.

"Do you really love him or you feel guilty that's why you can't let him go?" tanong ni Markos. Medyo may tigas ang tono nito na hindi nakaligtas sa pandinig ni Chinny.

Binigyan ni Chinny ng isang tingin si Markos bago ibinaling sa screen ulit. "I'm scared to get hurt again, Markos. I've felt so down, crushed, and hopeless for long years, and now that my shattered heart is whole again, I can't take the risk anymore. I got myself fix, the wounds had healed but the scars is still there, deep and will never be gone." Mahabang litanya ni Chinny habang nakatitig sa screen pero ang kanyang isip bumabalik sa kahapon. 

"Anak, kumain kana. Ang payat-payat mo na," a usual routine every night. Nakahiga siya at may natuyong luha pa sa kanyang mga mata. "You need to get out, too. Namumutla kana kasi," ang mommy nito.

Maid For Her BRS3 (Unedited)Where stories live. Discover now