Chapter 18: Scheme

15.2K 419 56
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

❖❖❖

               WALA sa sariling nakatitig si Tempest sa batang isang taong gulang na si Ionna (I-yo-na) habang nilalaro ito ng katulong niyang si Poling. Habang tinititigan nito ang bata, hinahanap nito sa bata ang pwedeng pagkakapareho nila. Sa katunayan, maputi ang bata tulad niya, parang ngang magkamukha sila eh, may pagkabrown ang buhok, at ang kulay ng mga mata, hindi ito tsokolate nga lang. Parang may halong ibang lahi. 

Biglang lumiwanag ang mukha ni Tempest at napangiti ito. Kung akala ni Chinny basta nalang siyang susuko ng walang laban, nagkakamali siya. 

Kanya si Markos, at babawiin niya ang kanya, at ang batang si Ionna ang gagamitin nitong pain.

     

                 SAMANTALA, kanina pa parang nababaliw si Lorenzo sa kakaisip kung papanong gagantihan si Markos Latsis. Kung papanong babawiin nito ang kanya. 

Kanina pa siya nakatitig sa magazine na walong taong luma na. Kanina pa niya binabasa ang detalye. Sa bold caption, nakalagay ang Jilted Bride, at litrato ni Chinny na nakasuot ng wedding gown, at napakasaya nito. Kita ang kaligayahan sa mukha nito, at parang sinasaksak ang puso ni Lorenzo, na lalong nagpatindi sa pagnanais nitong makapaghiganti. 

It was all good. Masaya na siya sa buhay niya, nahanap na niya ang babaeng gusto niyang pakasalan, ang babaeng maglalagay sa kanya sa pedestal, at the same time, babaeng mahal niya. 

At first, he wasn't into her, kasi masyado itong mahinhin, but when he found out who she is, he suddenly wanted her badly. At alam niya kung bakit. Eversince bata siya, pinangarap niyang maging mayaman. Ipinangako nito sa sarili na magtratrabaho siya ng maigi, makapagtapos, at makanahap ng magandang trabaho, ngunit sa ilang taong pagpupulis niya, pakiramdam niya, may kulang parin. Gusto niyang makita rin ang sarili niya sa mga magazines, tulad ng mga mayayaman, mga celebrities, at ng makilala nito si Chinny, nalamang isa itong Sandoval, hindi siya nagdalawang isip na niligawan ito, at hindi naman siya nabigo. 

Lumaki siyang mahirap. Ang mga magulang niya parehong manggagawa sa bukid na pag-aari ng kapatid ng kanyang ama. Kaya't palagi siyang naiinggit nuon sa kanyang mga pinsan na lahat ng luho ay naibibigay ng kanyang mga magulang. At hindi niya naranasan na mai-enjoy ang kanyang pagkabata, dahil kailangan din niyang magbanat ng buto para makatulong sa mga magulang. 

Kaya't napuno ang puso nito ng inggit na nagpatindi sa pagnanasa nitong makamit ang kanyang pangarap, ang maging isang mayaman, at makilala sa buong Pilipinas.

Ngunit ang pag-asang makamit niya iyon, ay biglang naglaho ng dumating sa buhay nila si Markos. 

Humigpit ang pagkakahawak ni Lorenzo sa dulo ng magazine, habang ang kanyang mga mata, nagbabagang nakatitig sa litrato ni Markos hindi kalakihan at nasa duluhan ng malaking litrato ni Chinny, at kung nakakasunog lang ito, kanina pa naging abo ang magazine. 

Malakas na tunog ng kanyang cellphone ang nagpabalik sa isip si Lorenzo. Itinapon nito sa mesa niya ang magazine saka dinukot mula sa bulsa niya ang kanyang cellphone. Pangalan ni Solomon ang tumatawag. Mabilis naman nitong sinagot.

"May balita ba?" agad nitong tanong pagkakonekta ng tawag.

Mabilis namang sumagot ang nasa kabilang linya. "Nahanap ko na kung saan siya nakatira.  Alicia St., unit 53, Makati," pag-iimporma ni Solomon. 

Wala sa sariling napangiti si Lorenzo. "Salamat. Sige, puntahan ko na siya ngayon, magkita nalang tayo mamayang gabi," pagpapaalam ni Lorenzo, saka nito pinatay ang tawag.

Maid For Her BRS3 (Unedited)Where stories live. Discover now