Chapter 4: Chasing Hearts

18.1K 608 63
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

"Happiness doesn't have to be chased...it merely has to be chosen." ― Mandy Hale

❖❖❖

                  MABILIS namang sinalansan ni Chinny ang kanyang mesa, excited siya sa date nila ni Lorenzo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

                  MABILIS namang sinalansan ni Chinny ang kanyang mesa, excited siya sa date nila ni Lorenzo. Once in a blue moon lang itong nangyayari dahil nga sa propesyon nito, and she understood her boyfriend completely na taliwas sa mga naging nobya ni Lorenzo. Ang paniniwala kasi ni Chinny,  as long as loyal ito sa kanya, she won't interfere with his job. Kaya naman sobrang mahal ito ni Lorenzo.

Narinig ni Chinny ang tunog ng kanyang cellphone saktong natapos itong nagtidy up sa mesa. It's friday, and she'll have two days rest. Kung kinakailangan niyang magsumamo kay Lorenzo para magdate sila ng dalawang araw para lang makawala sa paningin ni Markos, she will. 

Para kasing lalong tumataas ang dugo niya tuwing ngumingisi ito, tuwing pinapamukha nito sa kanya na may gusto parin ito sa kanya. Naiinis siya dahil tama ito at hinding-hindi niya ito aaminin sa kanya. 

Siguro mawawala itong pagmamahal niya kung lahat ng atensyon niya at day-off niya, gugulin niya kasama si Lorenzo. Hindi puro sa bahay niya magmukmok, at mag-movie marathon. Saka lang siya lalabas pag nakapagday-off si Lorenzo, or niyaya siya ng mga kaibigan.

Naisip niya, panahon na para lumabas kasama ang mga kaoffice mate niya na laging nagyayaya magbar tuwing weekends. 

"Bye, Chin," napatingin si Chinny sa direksyon ng cubicle ni Kamila. Nakangiting nagwave lang ito na ginantihan naman niya saka na tumalikod huli. May bitbit din itong mga folders, typical every Friday. Sa bahay nila tinatapos ang trabaho.

Nang makalabas ng building si Chinny, mabilis hinanap ng mga mata nito ang sasakyan ng kanyang boyfriend. May puting Ford Explorer na nakaparada sa tabi ng Mercedenz ni Franne Del Valle ang kanyang boss. 

Umibis naman sa sasakyang Ford ang kanyang boyfriend at napangiti siya. Paiba-iba naman ng sasakyan ang kanyang nobyo, naisip niya. Sinuyod nito ang gayak ng kasintahan. Nakapantalon lang ito ng maong at itim na t-shirt na bumakat sa matitipuno nitong katawan at pinatungan lang nito ng jacket. Lalaking-lalake ang dating nito at napangiti siya. Nakita rin niya kung papano siya sinusuri ng mga kababaihang dumaan, at lalong lumobo ang dibdib niya dahil kanya ito. Hanggang tingin nalang ang mga ito.

Nakangiting pinanood ni Chinny si Lorenzo na lumapit dito saka nito kinuha ang bitbit niya. "Hi," nakangiting bati ni Lorenzo at lalo tuloy ang gwapo nito ng lumbas ang pantay-pantay nitong ngipin. Hinalikan nito si Chinny sa labi at saka magkahawak kamay na naglakad patungong sasakyan niya na may kalayuan din ng konti.

"Kumusta ang araw mo?" tanong ni Chinny kay Lorenzo at isinandal pa  nito lalo ang katawan sa tagiliran niya. 

Nginitian siya ni Lorenzo ng masuyo. "Rough day but now I see you, you made it better!" malambing nitong sabi na ikinangiti ni Chinny at lalong lumobo ang dibdib nito sa saya.

Maid For Her BRS3 (Unedited)Where stories live. Discover now