Chapter 5: It's all coming back

18.1K 513 30
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap 

"The past is never where you think you left it." ― Katherine Anne Porter

❖❖❖

                 NAGISING si Chinny sa malakas na tunog ng kanyang alarm clock. Ayaw pa nitong bumangon ngunit kailangan niyang pumasok sa trabaho. Pahinamad na bumangon ito saka pinukpok ang malakas nitong alarm clock. Nahulog ito at lalong nag-iingay. Mabilis naman nitong kinuha at pinatay saka pabagsak na binalik sa side table niya sa kanan ng kanyang queen size bed. 

Patamad na naglakad ito papuntang banyo saka anton na antok itong naghubad para maligo na. Nagising naman siya sa unang tama ng medyo malamig na tubig. At ng matapos na itong naligo, gising na gising na ang diwa nito. 

Mabilis naman niyang tinuyo ang kanyang katawan bago ang kanyang buhok gamit ng kanyang paboritong kulay-rosas na tuwalya, saka nito pinulupot sa kanyang mahabang buhok at lumabas ng banyo na hubo't hubad. 

Nakalimutan nitong may kasama siya sa kanyang condo.

Magaan ang pakiramdam ni Chinny. Humuhuni pa ito na naglakad papuntang walk-in closet niya saka kumuha ng pang-opisininang damit. 

Gray na pencil cut skirt saka puting panloob na sleeveless shirt saka ang kapareha ng skirt niya na gray ring coat. Dinala niya ito sa kanyang kama saka inilatag muna ito. Bumalik siya sa kanyang walk-in closet para kumuha ng pang-loob. Humuhuni parin ito, pakiramdam niya ang saya-saya niya. Hindi naman niya alam kung anong dahilan. 

Hindi tumitinging kumuha ng thong at ang kapareha nitong bra sa drawer niya na malapit sa full size mirror. Mabilis naman siyang nagsuot ng pair na bra at thong saka tumingin sa salamin. 

Lumaki ang mga mata ni Chinny ng masilayan nito ng maigi ang kanyang dibdib, ang tiyan at ang leeg. Punung-puno ito ng kiss mark. Naalala niya muntikan na kagabi. 

Mabilis naman siyang kumuha ng t-shirt at short sa pang-ibabang drawer niya at nagmartsang palabas ng kanyang kwarto. Madilim na madilim ang anyo nito at para itong papatay.

Nakakuyom pa ang mga kamao nito, at talagang umuusok ang kanyang ilong sa inis, sa galit. 

"MARKOS!" pasigaw niyang tawag habang palingon-lingon siya sa pasilyo. "MARKOS, WALANGHIYA  KA!" nagpupuyos sa galit na sigaw niya habang nagmamartsa ito patungong sala. Wala ito sa sala. "MARKOS, PAPATAYIN NA TALAGA KITA!" galit na galit nitong sabi at nagdadabog na tinungo nito ang kusina. Wala rin ito sa kusina. 

Mabilis na pumihit si Chinny pabalik sa pasilyo. Siguradong nasa kwarto pa nito ang hudas. At natutulog pa sa oras na ito na dapat sana'y nagluluto na ng kanyang agahan. Kahit kailan talaga, wala siyang maasahan dito.

Inis na inis na binuksan ni Chinny ang pintuan ng kanyang kwarto. At tama nga ang hinala niya. Tulog na tulog pa ang bruho at naghihilik pa. Nakadapa itong natutulog, ang dalawang kamay nasa ilalim ng puting unan, ang dalawang mahahabang biyas nakabukaka pa kaya kitang-kita ni Chinny and matambok nitong puwitan. Parang siniliban naman ng init si Chinny sa nakita nitong nakalatag na luto ng Diyos. Ang likod nitong mamasel, nakahantad sa mga gutom na mata ni Chinny. Nakalimutan na nito ang kanyang pakay dahil parang bigla siyang nauhaw. 

Nang gumulong ito paharap, bigla namang natauhan si Chinny. "MARKOS!" pagalit niyang sigaw at unti-unti namang iminulat ni Markos ang mga mabibigat nitong talukap. Ipinikit muli nito ang kanyang mga mata at muling binuksan din. 

"What?" patamad nitong sagot saka ulit gumulong patalikod muli saka niyakap ang unan. 

Naningkit ang mga mata ni Chinny dahil sa pagtalikod nito. Biglang dinaluhong niya ito sa inis sa pagkaalala sa sandamakmak na kissmark itong iniwan sa katawan.

Maid For Her BRS3 (Unedited)Where stories live. Discover now