Chapter 24: Trouble

1.9K 69 12
                                    

                 All rights reserved ©2016 by LoveMishap

❖❖❖

              WALANG pagsidlan ang kaligayahan ng dalawang party, sa wakas nagbuklod ang kanilang pamilya na matagal na nilang inasam-asam. Pangarap na akala nila'y di na magkakaroon ng katuparan. Di man natupad ang pangarap nilang wedding of the year, natupad naman ang pag-iisa ng kanilang pamilya. 

Ngunit sabi nga nila, ang kasiyahan, tuwina'y may kalakip na kabalisahan. Lingid sa kanila, ilang mga mata'y nakabantay sa bawat galaw nila. 

Nang makabalik sina Chinny at Markos, excited na bumalik sa trabaho si Chinny, walang kaalam-alam sa usapang sumisirkulo sa paligid nila. 

Si Markos naman, agad nakipagpulong sa pamilya upang agad mapigilan ang anumang plano ni Tempest. 

Sa kanilang bahay habang nasa trabaho si Chinny, kaharap ni Markos ang kanyang ama.

Saka lang napansin ni Markos na parang lalong tumanda ang kanyang ama simula pagkabalik nila galing ng isla.

"Is everything okay at work, Dad?" tanong nito kapagkuwan.

Tumango ang kanyang ama. "There's nothing to worry at work," sagot ng kanyang ama. "What's bothering me now is that ugly woman you chose to ruin your happiness with Chinny long time ago," sabi ng ama nitong hindi inaalis ang titig sa kanya.

Agad naman napuno ang kanyang dibdib ng pagsisi. "I was young then, Dad. All I know is what makes my dick happy," sabi nito at galing iyong sa kanyang puso.

He was young and wild. Spoiled at walang alam sa totoong buhay. Sa literal na mundo. He learned it all nang nasa Greece siya, at kailangan niyang magtrabaho para may ihain sa mesa. 

Para matustosan ang kanyang pang araw-araw na pangangailangan ng tinigilan siyang tustusan ng kanyang ama.

Natuto na siya sa kanyang kamalian at desidido siyang punuin ang kanyang pagkukulang at pagkakasala kay Chinny habang buhay. Gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya na maging masaya ito sa kanyang piling. Mamahalin niya at ito at pakikigayahin.

"Mabuti naman at nagising kana sa katotohanan, anak," ngumiti ang kanyang ama. Unang ngiti nito simula ng makapasok siya sa kanilang bahay.

Lumagok muna si Andreas sa kanyang inumin bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Sa buhay, mas natututo tayo sa ating kamalian. Minsan sa buhay, madapa muna tayo bago tayo magising sa katotohanan. Bago mabuksan ang ating isipin at mga mata sa tama. Bago natin makita ang tamang landas," patuloy nitong sabi. Hindi nito iniiwas ang mga mata sa anak, pero ang kanang titig, tagos habang malalim na nag-iisip. 

"Parang din ako ikaw," sabi nito kapagkuwan, "sinayang ko rin ang aking buhay sa pambabae, gastos rito, gastos diyan, ng mamatay ang aking ama, saka lang ako parang nagising. Wala akong alam sa tunay na daloy ng mundo dahil lahat binigay sa akin," ngumiti ito ng mapait. 

"Young and wild," sambit nito, saka umiling-iling.

"Dad, it's in the past," sabi ni Markos. Hindi niya alam bakit napunta ang usapan nila sa kanilang teen days.

"Yes," pagsang-ayon nito. 

"I have someone following Tempest twenty-four hours a day," pag-uumpisa ng kanyang ama. 

Ang kanyang titig nagtatanong. 

Alam niya ang gusto nitong malaman.

"Dad, hindi ko anak kung sino mang bata iyon. Sa pagkakakilala ko sa kanya, alam kong ginagawa niya ito dahil nalaman niyang ibinalik mo akong tagapagmana. Hindi rin ako naniniwalang hindi niya ito ipinakita sa akin dahil natakot na kunin ko ito sa kanya. Sa paniniwala ko, hindi nito palalampasin ang pagkakataon na gamitin ang bata kung totoong akin ito, simula ng malaman niyang ako ulit ang iyong tagapagmana. She doesn't care about kids. As far as I know, she hated kids," tuloy-tuloy na paliwanag ni Markos sa magkaigiting na panga.

Maid For Her BRS3 (Unedited)Where stories live. Discover now