Chapter 3

8.1K 277 3
                                    


Aquarius P.O.V

Andito ako sa roof top para pagtaguan ang mga bully kong classmates, haaayys.. napapagod na ako sa kanila, araw araw nalang silang ganyan, paano ko ba matatakasan ang ganito?..

"andito pala si Aquarius eh, sabi na nga ba.. hindi kaba marunong sumunod sa usapan!?"

"sinabi ko na nga diba? wala akong dalang baon ngayon dahil wala na si mama"

"eh di pera mo nalang?" saad niya pa.. lima sila, tatlong lalaki at dalawang babae. Pambili ko ng microscope itong pera na dala ko, hindi ko pwedeng basta ibigay nalang to..

Lumapit sila sa akin at umatras ako palayo..

"ibigay mo nalang kase! Baka gusto mo pang ihulog ka na lang namin diyan!?"

Kinakabahan na ako, hindi ko alam kung paano ko sila matatakasan.. medyo nagluluha narin ang mga mata ko..

Kung sumigaw naman ako, baka mas lalo nila akong itulak..

"talagang ayaw mo pa!?" at mabilis na ngang lumapit sa akin si Terrence ang barakong leader nila.. Hinawakan niya ang kwelyo ng damit ko at nagawa kong ituhod ang tiyan niya, ngunit sa ginawa kong yun ay lumapit narin ang apat..

"Walang hiya ka!" sigaw ni Terrence at gulat akong itinulak niya para mahulog mula sa roof top..

O_O

Oh.. god..

Hindi pwede to..

..

"Lord... kayo na lang po ang bahala sa akin.." saad ko at hinayaan ko nalang ang sarili kong mahulog..

.

.

.

.

.

.

.

.

"Aqua..." gulat akong napamulagat ng maramdaman kong may sumalo sa akin..

Tiningala ko siya at tumambad sa akin si Eurixiah.. imbes na dalhin niya ako pabalik sa rooftop ay inuwi niya na lamang ako sa bahay.

Sa bintana siya dumaan para ilapag ako sa kama..

"wag mo na akong hahawakan.." saad ko at iniharap ko sa kanya ang bibliya na nasa tabi ko..

Dalawang buwan narin ang lumipas mula nung huli ko siyang nakausap.. pero hindi parin nawawala ang pagkamuhi ko sa tulad niya.. isa parin siyang demonyo..

"mas gugustuhin ko pang masaktan ng bibliya na hawak mo kaysa ang hindi moko pansinin.."

"umalis ka nalang!"

Pero imbes na umalis siya ay hinawakan ng buo niyang kaliwang kamay ang bibliya.. tila kinukuryente siya nito pero patuloy lang siya sa paghawak..

Unti unti naring namumuo ang luha mula sa mga mata niya dala ng sakit. Umaakyat narin ang kulay violet sa kanyang braso..

Nang tumulo na ang luha niya ay inilayo ko na sa kanya ang Bible.. "tama na nga! Bakit ka ba andito? Anong kailangan mo sa akin!?"

"Gusto lang naman kita iligtas, at nagbabaka sakali akong hindi kana matakot sa akin.."

"Lumabas ka nalang , dahil hindi ko gusto ang isang katulad mong demon!" itinulak ko siya palabas ng bintana..

Nang lumapat na ito sa bintana , siya ay naging itim na usok.. at naghugis mga letra ang usok niya.. "I won't hurt you" basa ko ..

When An Evil Falls Inlove (girlxgirl)Where stories live. Discover now