Chapter 18

5.8K 196 6
                                    


Aquarius P.O.V

"Aquarius! Aquarius gumising kaa!"

"Hhmmm..." anong nangyari? Nasan ako?.. asan si Eurixiah?..

Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang 7 godesses na nakapalibot sa akin..

"sa wakas gumising ka na.." saad ni Lusterine

"pinapapapatay ka sa amin ni Lucifer, pero siyempre ikaw ang iniirog ni Prinsesa Eurixiah kaya hindi namin kayang gawin yon" si Pride na naka cross arm sa tabi ko..

"mag-isa ka! kaibigan na natin si Aquarius kaya hindi natin gagawin yon!" sabat naman ni Wrathice..

"nambabara ka ba?!"

"oh yan nanaman kayo! Kailangan pa natin matulungan si Eurixiah na makatakas, bago niyo ituloy yang away niyo" inis na sambit ni Avarice sa dalawa.

Bumangon na ako sa pagkakahiga at mukhang nananatili parin ako dito sa Underworld, kung saan nakapaligid pa sa amin ang malalaking apocalyptic animals..

Sa totoo lang nakakatakot talaga itong pinasok ko, kung iisipin kong mangyayari to nung nasa ibabaw pa ako ng lupa parang hindi ko kakayanin..

Pero lubos kong minamahal si Eurixiah, kaya kailangan kong maging matapang, kahit isa lamang akong tao, alam kong maliligtas ko siya..

Marahan kaming naglakad patungo sa kastilyo kung saan nandoon daw ang aking minamahal..

Dumaan kami sa makitid na sulok ng Theravania, deadly forest at dito sa river of madness para makarating sa kastilyo.

"wag ka ngang masyado malikot Pride! Gumegewang tayo eh, gusto mo bang masunog!?" angal ni Wrathice.

"Hindi naman ako malikot ah? Kinamot ko lang naman yung pwet ko kasi Makate!"

"gumagalaw ka parin, wala ngang kikilos diba?!" sabay irap ni Pride

"kumati sana yang pwet mo para malaman mo!"

"oh talaga?! Tumahimik ka nalang at wag kang magu-"

"AAAAAAAAAAAAAAAGGGGHHHH!!" Malakas na sigaw ng babae ang dumagundong mula sa kastilyo, natigilan kaming lahat at mas nagmadali si Lusterine at Avarice na sumagwan upang makatawid agad.

Wala samin nagsalita, naging seryoso ang reaksiyon ng bawat isa, kahit katahimikan ang nananaig sa amin, alam kong parepareho kami ng iniisip..

"Aquarius suotin mo to.." at inabot sa kin ni Sloth ang itim na balabal na tulad ng suot nilang lahat..

"para saan to?"

Kumumpas silang lahat at bigla na lamang silang naglaho sa tabi ko..

O_O

"Asan na kayo?!" pagtataka ko..

Iniwan na nila ako??..

Dali dali kong sinuot ang balabal, medyo nagdahan dahan narin ako dahil baka tumaob tong bangkang sinasakyan ko, first time ko pa naman sumakay sa ganito..

"Aquarius.." dinig ko mula sa tabi ko.. nagtaka naman ako?..

At gulat ang reaksiyon ko nang bumalik sila bigla sa Bangka..

"saan kayo-"

"sshhh.. invisibility.."tugon ni Lusterine.. at dun ko lamang nakuha ang ibig nilang sabihin , may kakayahang maginvisible ang sino mang magsuot ng balabal..

Sa katunayan nakakatakot tong mga Godesses, dahil silang lahat ay mga mukhang buhay na patay.. puting puti ang kulay nila, mukhang namumutla, kung sa isang tao para silang may mga leukemia.. lalo na't ang titingkad pa ng mga kulay ng mga mata nila..

When An Evil Falls Inlove (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon