Chapter 6

7.3K 233 2
                                    


Eurixiah's P.O.V

Umulan ng pagkalakas lakas at matuling lumipad si Sophia sa loob ng puno, samantalang ako ay naglagay na lamang ng shield sa ulunan ko..

"Euri!" boses ni Aqua.. O_O Lumingon lingon ako at tumambad siya sa baba ng puno..

"bakit ka nagpapaulan?" at nilagyan ko siya ng shield sa ulunan niya.. yakap yakap niya lamang ang sarili niya..

Bumaba naman ako sa puno..

"hindi pa tapos ang celebration sa loob ah?" at nilingon ko yung Hotel..

"hindi yun celebration, Seniors PROM ngayon! Antagal mo di nagparamdam, akala ko 3 weeks lang, 2 months na lumipas, wala ka parin, tapos ngayon pang umuulan ka magpaparamdam!?" nagulat na lamang ako nang may namumuo ng luha sa mga mata niya..

Umiiyak ba siya?..

Dumaloy na sa pisngi niya ang luha at bigla niya na lamang ako niyakap ng mahigpit..

At dahil sa pag-akap niya, nawalan ako ng kontrol sa kapangyarihan ko at naglaho ang shield sa ulunan namin.. Bumilis rin ang pagtibok ng puso ko sa pagyakap niya..

Kahit napakalakas ng ulan patuloy parin siya sa pagyakap..

"Aquarius" bulong ko.. at niyakap ko rin siya..

Napalitan ng ngiti ang gulat na reaksiyon ko, ngayon ko lang narealize namimiss rin pala niya ako ^_^ ..

-----------

"Bakit antagal mong hindi nagparamdam?" saad niya habang nagbibihis siya, nakatalikod lamang siya sa akin habang ako ay nakaupo sa kama niya.

"Hindi ko nga alam na dalawang buwan na pala yun dito sa mundo niyo, parang kanina lang kasi kita huling binisita" saad ko.. Totoo naman kasi, wala kasing araw at gabi sa Underworld, puro gabi dun kaya hindi ko namamalayan ang oras.

Nang matapos siya sa pagbibihis ay umupo siya sa tabi ko...

"Umamin ka nga, bakit bigla ka nalang malungkot na umalis kanina?"

"kailan? Saan?"

"kanina sa Prom, naramdaman ko presence mo tsaka isa pa, umilaw itong kwintas na bigay mo kaya nasigurado kong andyan ka, nakita nga kitang nakaupo sa chandelier, tatawagin sana kita kaso umalis ka nalang bigla." At nagpout siya..

"May kasayaw ka, ayaw ko naman kayong idistract, kaya medyo nalungkot ako.." saad ko..

"ang lungkot ko nga kanina kasi antagal mong bumalik, kaya nung nakita kita ,sinundan agad kita, kaso ang hirap mong hanapin lalo na't umulan pa.."

"Ang hirap takasan ni ama.."

"naintindihan ko naman yun, nakakapag taka lang tong dalawang rosas na bigay mo, ilang buwan na lumipas hindi parin nalalanta?" at lumapit siya katabi ng lampshade.

Kinuha niya ang dalawang rosas at umupo siya muli sa harap ko..

"Galing yan sa mundo namin, ang tawag diyan, Roses of life, katulad ko, isa yang Immortal na bulaklak, hindi namamatay.."

"kaya naman pala, salamat dito ha? Tsaka hindi siya nawawalan ng amoy, ang bango bango parin!" at napangiti siya.. Napangiti rin ako nang nasilayan ko ang mga ngiti niya..

"Tignan mo to.." saad ko .. at kinumpas ko ang nakatikom kong palad at sa pagbuka nito ay inilabas ko ang isa muling pulang rosas..

"wow" reaksiyon niya..

Pero iba ito sa dalawang binigay ko, ang rosas na ito ngayon ay may angking liwanag..

"bakit siya umiilaw? Napakaganda.." saad niya..

When An Evil Falls Inlove (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon