Chapter 5

6.8K 242 2
                                    


Eurixiah's P.O.V

"sabihin mo nga ang totoo sa amin Princess Euri, anong namamagitan sa inyo ng tao?" tanong ni Gluta

"magkaibigan."

"magkaibigian o magka-ibigan!?" singit ni Pride.

"Pwede kaming mapahamak sa pakikipag kita mo sa tao nayun Prinsesa" saad naman ni Lust.

"Patawarin niyo ako, kung pasaway lang ako sa inyong pito.. maiintindihan ko kung isusumbong niyo ako kay ama."

"hindi naman kami kasing sama ng iyong ama Prinsesa, ayaw naming mapahamak ka o kaya naman ay patayin ka ni Lucifer" saad naman ni Envary.

"naiinggit lang ako sayo dahil Malaya kang makisalamuha sa isang tao, pero ayaw ko din na mapagalitan o saktan ka ng Hari" dagdag ni Envary

"maraming salamat sa inyo" pinalapit ko silang pito at niyakap ko silang lahat.

"Huwag ka lamang masyado tatagal dahil kung hindi makakatikim sa akin yung Aquarius nayun" sabi ni Wrathice, napatingin naman ang lahat sa kanya..

"bakit?" tanong niya..

"hindi ko naman kasi magagawang saktan ang Prinsesa" dagdag niya..

"Abay dapat lang Wrathice dahil makakaaway mo kaming anim" si Lust. Napangiti naman ako sa kanila, ang laki na ng utang na loob ko sa pitong ito, sila ang nag-alaga sa akin mula nung pagkabata ko hangang sa lumaki ako at hangang ngayon sila parin ang kasama ko at katulong ko sa lahat.

------------

Aquarius P.O.V

"May susuutin kana Aqua?" si Thracy

"sa Senior's PROM?"

"Oo? Bukas nayun! Wag mo sabihin wala ka pang isusuot katulad last year?"

"hindi ko alam kay tita, basta sinabi ko na sa kanyang senior's prom na natin bukas.." sagot ko..

"sabi ni Bryan ikaw daw dapat ang first dance niya, yiiiiieeeee" sabay sundot sa akin ni Thracy.

Napangiti naman ako dahil crush na crush ko talaga si Bryan.

"osge bahala siya, basta uupo lang ako dun at maghihintay ako ng sasayaw sa akin"

"ganyan ka naman eh! Ayaw mo bang makijoin sa dance floor kasama mga girls?" Nilingon ko si Thracy.

"tapos mangangamoy alak ako?"

"ang KJ mo talaga.. Hmfff" sabay irap niya sa akin.

------------

Eurixiah's P.O.V

"Sophia!" tawag ko sa ibon.

"ano po ang aking maipaglilingkod mahal na Prinsesa?"

"kilala mo si Aquarius hindi ba?"

"opo, yung madalas mong kasama dito sa lupa?" at tumango tango ako..

"alam mo ba kung nasaan siya?" tanong ko..

"nakita ko siya sa isang Hotel kasama ata ang mga kaibigan nila, lahat sila ay nakasuot ng gown, pakiramdam ko ay may okasyon ngayon"

"kahit ngayong gabi meron?"

"siguro po, sumunod nalang po kayo sa akin." Saad ni Sophia at sinundan ko naman siya..

Nakarating kami sa isang mataas na building.. At mukha ngang may okasyon sa loob dahil ang ingay ng kanilang tugtugin.

"salamat Sophia"

"walang anuman po iyon mahal na Prinsesa"

Pumasok na ako sa loob pero nagtago muna ako bilang isang itim na usok upang hindi ako mapansin agad ni Aquarius kung sakaling makita niya ako.

Napalitan ang masayang musika ng isang romantic song at napansin kong nagasayawan ang mga tao ng may partner bawat isa.. Sayaw na tila magkarelasyon?..

Pero nakakatuwa sila tignan.. ^_^

Asan na kaya si Aquarius may kasayaw din kaya yun?.. Inisa isa ko ang mga tao at nakita ko siyang nakaupo lamang sa isang tabi ngunit may lumapit sa kanyang lalaki..

Inaya siya nitong sumayaw. Lumapit ako ng kaunti upang marinig ko ang usapan nila..

"napakaganda mo ngayon Aqua" saad ng lalaki.

"salamat.."

"may boyfriend ka naba?"

"wala pa ako sa edad para magkaroon nun" sagot ni Aqua.

"eh pano kung manligaw ako?" medyo kumunot noo ko sa sinabi niya, ligaw? Hindi ba yun yung paraan para maging sila? Tapos magpapakasal? Napalitan ang pagkakunot ng noo ko ng lungkot.

Hindi ko alam bakit ako nalulungkot kung sakaling mag-asawa na ang kaisa isang kaibigan kong tao, dapat nga maging Masaya ako..

"bahala ka.." sagot ni Aqua.

Yumakap ang lalaki sa kanya at nagswesway sila kasabay ng musika. Yumakap din si Aqua sa batok ng lalaki..

"bagay sila.." bulong ko.. Ngumiti ako, pero parang mabigat dito..

Mas lalong humigpit ang pag-yayakapan nila, pakiramdam ko nasasaktan ako..

"Anong pakiramdam to?" .. Naupo ako sa isang chandelier.

Pakiramdam ko nanghihina ako,napahawak ako sa dibdib ko at naramdaman ko ang mabagal na pagtibok ng puso ko.. pero sa tuwing hihinga ako parang napaka bigat..

Yumuko na lamang ako at naramdaman ko muli ang malamig na tubig na dumaloy sa pisngi ko.

Kinapa ko ito ng mga daliri ko at lumuluha nga talaga ako.. "bakit ako nasasaktan?" Kahit nanghihina ako , parang mas gugustuhin ko pang lumabas nalang kaysa masilayan si Aqua..

"Oh prinsesa? Nakita mo si Aqua?"si Sophia.. Tumango tango lamang ako..

"bakit parang malungkot ka? At umiiyak ka?"

"Hindi ko nga alam Sophia.." at dumapo siya sa isang puno at umupo narin ako sa tabi niya.

"ano bang nangyari sa loob?"

"nakita ko si Aqua kaso may kayakap siyang iba, ang higpit ng yakapan nila.. parang mag karelasyon sila?" saad ko sa ibon.

"inlove ka ba mahal na Prinsesa?"

"inlove? Umiibig? Hindi ko alam kung anong pakiramdam nun"

"hmm. Paginlove ka, katulad niyan nasasaktan ka na may iba siya, tapos Masaya kang kasama siya, tsaka nag-aalala ka sa kanya, gusto mong lagi siyang ligtas,kaya proprotektahan mo siya, ayaw mong mawala siya, ayaw mo rin na nasasaktan siya, gusto mo palagi siyang masaya"

"umiibig kaba?" pagtataka ko, napakatalino ng ibon na to kung alam niya iyon.

"parang ganun na nga? Love bird ako eh, malungkot ako pag nagiisa, pakiramdam ko gusto ko nalang mamatay pag wala akong kasama at pag nagkaroon ako ng kasama sisiguraduhin ko na hindi na siya mawawalay sa akin.."

"Inlove nga siguro ako"

"yun nga din tingin ko sayo eh, binigyan ka ng diyos ng puso, magmahal ang purpose niyan"

Napatingala ako sa langit..

"God, inlove ba ako?" at sa tanong kong yun, bigla na lang bumilis ang pagpintig ng puso ko.. napahawak naman ako sa dibdib ko..

"prinsesa tignan mo!" saad ni Sophia at nagulat ako dahil umiilaw ng kulay pula ang dibdib ko..

"anong ibig sabihin neto?"

"baka sinagot ka ng diyos.."

"Umiibig ako sa tao? Hindi pwede yun.." saad ko sabay tingin ko kay Sophia.

"Walang imposible pagdating sa diyos mahal na Prinsesa, kung pinagkalooban ka niyan para mahalin si Aqua, wala na tayong magagawa. Dahil pag ang diyos nagplano,nakasulat nayun bago mangyari sayo "

Muliakong tumingala.. "mabuti ang diyos, kung ano man ang plano niya alam kong para iyon sa kabutihan"



When An Evil Falls Inlove (girlxgirl)Where stories live. Discover now