Chapter 13

5.5K 187 2
                                    

Aquarius P.O.V

Naging super close ko na ang mga Godesses, kahit deadly sins ang portrait nila, may mabubuti parin silang kalooban, nananaig parin ang pagmamahal sa kanila..

Andito ako ngayon sa taas ng puno, pinagmamasdan yung maduming siyudad, siguro dati napakaganda ng view dito ng mga gusali, pero ngayon... nagbago na ang lahat..

"Hoy! Magandang babae!, may pagkain ka ba jan! nagugutom na kasi ako.." boses ng isang lalaki mula sa baba ng puno..

Tumalon naman ako pababa kahit napakataas ay hindi na ako nakakaramdam ng takot..

"Mangga lang ang meron ako dito, paniguradong kapag kumain ka nito ng gutom ka, sasakit tiyan mo.." saad ko sa kanya..

"Akin na, okay nayan.. kaysa naman ako mismo ang kainin ng sikmura ko." Saad niya, binigay ko naman sa kanya ang mangga..

Nakasuot siya ng black suit, parang isa siyang maduming detective?, Ninja? .. Imposible..

"kung nagtataka ka kung bakit ako nakasuot ng ganito, isa itong Anti illness suit, ito ang dahilan kaya buhay pa ako hanggang ngayon.."

"oh? May ganyan pala?"

"oo naman, nag-iisa lang to, anak ako ni Engr. Stevan Collins"

"ah so ikaw si Nathan ?! kilala kita!" saad ko.. si Stevan Collins and pinaka magaling na Technology Builder sa town. Kaya naman pala..

"ako nga, at ikaw si?.."

"Aquarius.." at nakipag shake hands ako sa kanya..

"Isa kang taong gubat?" pagtataka niya habang naglalakad lakad kami..

"oo, isang taon naring dito ako tumitira.. madalas mag-isa, nakikisalamuha ako sa mga hayop, madalas din sila ang kausap ko.."

"hindi ka natatakot dito?"

"minsan natatakot, pero nilalakasan ko nalang ang loob ko.." saad ko at tumingin ako sa langit..

"pinabayaan na tayo ng diyos, wala na siyang pakiealam sa atin.." napatingin naman ako sa sinabi niya..

"tao naman ang dahilan kung bakit tayo nag kakaganito, nagawa pa nga niyang ilayo tayo sa araw, para may mabuhay pa.."

"naniniwala ka parin sa kanya?" tanong niya..

"oo, pag humiling ka sa kanya, gagawin niya.. maghintay ka lang at maniwala.."

"imposible, pano kung hilingin ko na sana bumalik ang kagandahan ng siyudad!?"

"hindi ba't di naman mangyayari yun?.." at napailing iling siya, sabay pulot ng isang mahabang stick..

"matatapos din ang kahirapan na ito Nathan, basta manatili ka lang maging mabuti at manampalataya sa kanya, ililigtas ka niya.."

"Ewan ko sayo, napaka makadiyos mo.." saad niya at tumakbo siya patungo sa isang malaking puno..

After 2 months

"Aquarius!" tawag ni Nathan

"oh!?" tugon ko naman sa gitna ng mahimbing na pagtulog ko..

"nakahuli ako ng malaking isda! Sa ilog!" masayang saad niya..

"dali! Lutuin na natin to!" dagdag niya at inilagay niya ito sa bonfire..

"Paano mo nahuli yan?" pagtataka ko.

"gumawa ako ng panungkit, tapos ginamit ko yung prutas.." saad niya at ngumiti siya..

May angking kagwapuhan din si Nathan, pareho sila ni Eurixiah ng ngiti.. yung ngiting halos labas lahat ng ngipin at halos nakapikit narin ang mga mata ^_^ Namimiss ko narin yung Evil nayun, sana nga bumisita na siya..

"Ang galing mo naman, napakadilim para makarating ka dun sa ilog?"

"abay magaling ata to.." saad niya at tinignan yung isda kung luto na..

Matapos siguro ang ilang minuto ay luto na ang isda at sabay naming kinain yung isda, pero mas nakakarami siya, malakas kasi siya kumain..

Sa gitna ng pagkain namin ay bigla na lamang umilaw ang balikat ng suit ni Nathan..

"May demon sa paligid.." saad niya at agad niyang kinuha ang bow at arrow niya..

"ibaba mo yan! Baka si Eurixiah yun!" saad ko..

"sinong Eurixiah?"

"basta ipapakilala ko siya sayo.." saad ko at tumingin tingin ako sa paligid..

"Sino siya Aqua?" boses ni Eurixiah, at tumambad siya sa likod ko..

"siya si Nathan Collins Euri.." masayang saad ko..

"sinong kausap mo?" .. napatingin naman ako kay Nathan at muli kong tinignan si Euri..

"Hindi niya ako nakikita.." lumapit sa kanya si Eurixiah at pinahid nito ang palad niya sa mga mata nito.. At nanlaki ang mata niya nang matunghayan ang nasa harap niya..

"Napakaganda.." saad ni Nathan.. Ngumiti naman si Euri..

Parang nakaramdam ako ng konting kurot sa puso ko ng makita silang nakangiti sa isa't isa..

"Napakaganda mong demon, pero demon ka parin!" saad niya at dinuro niya ang arrow niya kay Euri..

"Wag Nathan, mabuti siya.. Kaibigan ko siya, ibaba mo nayan" sabi ko at humarang ako.

"paano kung.."

"5 years ko na siyang kaibigan.." at naramdaman ko ang pagyakap ni Euri sa likod ko..

Napatingin naman ako sa bandang tiyan ko at di ko mapigilang mapangiti..

Hinarap ko si Euri at dinampian ko siya ng halik sa pisngi.. ^_^ parang ako ata ang kinilig . hahaha!

"hmfff. Pero kapag sinaktan ka niyan Aquarius, sabihin mo sakin, mananagot talaga yang demon nayan.." saad ni Nathan at tumayo na siya para balikan yung isda..

Pagtataka naman ang reaksiyon ni Eurixiah.. "May gusto siya sayo Aqua.." saad niya.. O_O

Eurixiah's P.O.V

"paano mo nasabi?" tanong sa akin ni Aquarius..

"Nararamdaman ko ang pag pintig ng puso niya at ikaw ang binabanggit nito"..

"Ayaw mo na Aqua?" aya ni Nathan

"Gusto pa no! ano ka!?" at lumapit narin si Aquarius para kumain ng isda..

Bumibigat nanaman ang dibdib ko, pakiramdam ko ay selos ang nararamdaman ko..

Umupo ako sa isang malaking kahoy at pinagmasdan silang kumakain..

"may dugo dugo pa oh!?" saad ni Aqua..

"hayaan mo na! kaysa naman wala, akin na kung ayaw mo.." at kinuha nga ni Nathan ang hawak niya..

"masarap ang dugo?"

"wala namang lasa yung dugo eeh.."

"sus, sabihin mo matakaw ka lang.." sabay tawa ni Aquarius..

Parang gusto ko nalang umalis, Masaya na si Aquarius, hindi niya na ata ako kailangan..

"Eurixiah!?" tawag ni Aqua pero di ko nalang pinansin, dumiretso nalang ako sa pag-alis..

When An Evil Falls Inlove (girlxgirl)Where stories live. Discover now