Chapter 15

5.7K 220 5
                                    


Aquarius P.O.V

Nakatulog ako sa bisig ng aking prinsesa ngunit pag gising ko ay nakahiga na lamang ako sa isang duyan na nakasabit sa dalawang sanga ng puno..

"Eurixiah?" at nilingon lingon ko ang paligid.. Hindi ko na siya nakita at nakaramdam nanaman ako ng lubos na pagkalungkot..

Niyakap ko na lamang ang sarili ko sa ibabaw ng duyan..

Tweet tweet tweet tweet

Tunog ng napakaraming ibon sa likuran ko.. pagkalingon ko ay tumambad nga sa akin ang napakaraming ibong gubat

Sa likuran nila , si Eurixiah na may dala dalang napakaraming prutas? O_O

"Goodmorning!" bati niya..

"san ka galing?.." nagtatakang tanong ko..

"ito, naghanap ng pagkain.."

"napakarami naman niyan?" at pumulot ako ng isang mansanas..

"tinulungan ako nila Sophia" at tumingin siya sa isang Love bird..

Napangiti naman ako nang masilayan ko muli ang ngiti niya.. "Aquarius, ito si Sophia, siya ang laging tumutulong sa akin para mahanap ko ang kinalalagyan mo.."

"Hi.." saad nung ibon.. O_O "nagsasalita yung ibon?"

"kagabi kasi, pinakain kita nung prutas para makaintindi ka ng mga hayop.."

"bat hindi ko alam?"

"eh tulog ko eh?" at ngumiti ulit siya..

Ngunit isang kakaibang araw ang nasilayan ko ngayon, tumingin ako sa paligid ko at nakapagtataka dahil nagkaroon na ng liwanag..

"Hiniling ko sa kanyang, bigyan niya tayo ng bituin na magliliwanag sa buong mundo.. at ayan, pinakinggan niya ang kahilingan ko at kahilingan ng maraming taong nabubuhay pa.." saad ni Eurixiah at ngumiti siya sa langit..

"Napakabuti ng diyos Aquarius.." dagdag pa niya..

Bigla niya namang hinawakan ang kamay ko at mabilis kaming lumipad patungo sa himpapawid..

"Lord! Andito po kami!" sigaw niya at nagwave pa siya sa itaas.. Nakatingin lamang ako sa kanya at pinagmamasdan ang kagandahan niya sa liwanag ng araw..

"Salamat po at I love you lord!" sigaw pa niya.. ^_^ "hahahahaha!" tawa ko...

"I love you rin Lord!!" hiyaw ko naman at nagwave din ako.. Matapos kong sabihin yun ay lumipad pa kami patungo sa mataas na bundok.. Sumabay naman sa amin ang napakaraming ibon..

Sa aming paglipad ay ipinikit ko muli ang mga mata ko at dinama ang malakas na hangin na sumasalubong sa mukha ko..

"A..aquarius.." saad niya at huminto siya sa paglipad , nanatili kaming nakalutang lamang at tumingin ako sa kanya..

Laking gulat ko naman ng unti unting naglalaho ang itim na balabal na bumabalot sa katawan niya.. O_O

"Anong nangyayari?" pagtataka ko..

"Hindi ko alam.." gulat na saad niya, May lumitaw naman na sungay sa kanyang ulo at unti unti rin itong naglalaho..

Ngayon ko lamang nakita ang sungay niya pero napangiti ako ng ito'y tuluyan nang nawala..

"Wa..wala na akong sungay.." saad niya.. pati ang mga mahahabang niyang kuko ay nagbabago narin, at mga mata niya ay mas lalong tumingkad ang kulay ginto.. Napansin ko naman ang pagilaw ng puso sa dibdib niya..

Ang pinaghalong itim at gintong kulay rin ng metal niyang kasuotan ay naging Puti at ginto.. Pati ang kanyang buhok ay naglaho ang pulang kulay nito at napalitan na lamang ng ginto .

Bigla rin siyang naging nakakasilaw na liwanag dahilan upang bumitaw ako sa kanyang kamay ..

Nahulog naman ako sa pagkakalutang ngunit nasilayan ko parin ang paglitaw ng puting pakpak sa nagliliwanag na si Eurixiah..

Bago pa man ako mahulog ay matulin siyang lumipad pababa at sinalo niya ako..

.

.

.

Sinalo na ako ng isang Anghel..

When An Evil Falls Inlove (girlxgirl)Where stories live. Discover now