Chapter 19

5.1K 168 1
                                    


Lusterine's P.O.V

"Hi..hin..de.."

Pare pareho kaming lahat na gulat sa nangyari, matapos mawalan ng hininga ang dalawa ay agad pinutol ni Lucifer ang mga ulo nito.. Hindi ako makahinga, tila nababalot ako ng poot at lubos na pagkagalit..

Pulang pula na ang mga paningin ko, nilingon ko ang mga kapwa ko Godesses at nakita kong nagngingitngitan ang mga ngipin nila sa galit.

Alam kong pare pareho kami ng nararamdaman, nakita ko rin ang mga apocalyptic animals na nababalutan na ng itim na usok na hudyat din ng pagkapoot..

Ang mga kuko ko namin ay humahaba, matutulis at matatalim.. Mga ngipin nami'y ay bumubunga, mga sungay na lumalaki.. Hindi ko na napigilan ang galit ko, ako'y nababalot na ng matinding apoy na mas mainit pa sa asupre..

Hindi ko na kaya, parang ilang sandali lang ay magagawa ko nang kitilin ang buhay ng aming hari.. pero... gusto kong maghiganti..

Hindi ako papayag na ganun ganun nalang ang pagkamatay ng aming mabuting prinsesa, ng aming kaibigan, ng aking inalagaan at tinuring na kapatid...

KAYA...

"AAAAAAAAAAAAAAAAAARRRRGGGHHHHHH!!!!!!"

Sabay sabay kaming pito at ng mga alagang hayop na naglabas na matinding puwersa ng kapangyarihan upang patayin si Lucifer at ang iba pang mga demons..

BRRRGGGGSSSSSHHHHHHHHH!!!..

Kasabay noon ay malakas na paglindol sa mundo, ulan na gawa sa apoy at matinding pagkasira ng buong unibersidad..

Nakita kong bumaba ang mga anghel, nilabanan ang mga demonyo... at ilang sandali lang.. ay may liwanag na dumating, isang liwanag na ubod na nakakasilaw, mas masidhi pa ang liwanag kaysa araw..

At ang liwanag na iyon ang dahilan ng paglaho ng lahat...

When An Evil Falls Inlove (girlxgirl)Where stories live. Discover now