Prologue

50 8 0
                                    

                 

                 

Prologue

Sa dami ng tao sa mundo, paano mo nga ba mahahanap ang taong nakatakda para sayo?

Totoo nga ba ang destiny?

Paano kung pinagtagpo nga kayo ng tadhana pero paghihiwalayin din naman kayo? 

Marami pa rin sa atin ang hinahanap ang kadestiny nila.

Yung iba naman nahanap na, lucky them.

Pero paano kung natagpuan mo na siya pero kailangan mo siyang iwan, dahil mas masasaktan lang kayo kapag pinagpatuloy niyo pa? Kakayanin mo bang mawala siya sayo? O mas pipiliin mong manatili sa tabi niya hanggang sa huli?

Hayy ang komplikado diba? Mas marami pa ang tanong kaysa sagot.

Marami pa rin sa atin ang hindi natatagpuan ang one great love nila kahit marami na silang nakarelasyon, o kaya wala silang time para sa love, mas pinipili nilang pagtuunan ng pansin ang ibang bagay kaysa hanapin ang the one nila. Yung iba naman hindi nabibigyan ng chance na mainlove dahil either may sakit sila at pinipiling nilang sa pamilya ibuhos ang lahat ng pagmamahal at natitira nilang oras sa mundo, or nabigtima din sila ng right love at the wrong time, at the wrong place.

Grabe ang tadhana diba? Masyadong mapaglaro, pero kung tutuusin sinusubukan niya lang naman ang bawat isa sa atin. Kung hanggang saan natin maipaglalaban ang taong mahal natin.

Sa storyang ito makikilala natin ang dalawang taong pinagtagpo ng tadhana sa isang unexpected adventure, at kung paano susubukin ang tibay ng pagmamahal nila sa isa't isa. Mapapatunayan kaya nila na may happy ending? O hanggang sa mga fairytale na lang talaga yun. Masasabi kaya nila na ang isa't isa ang one great love nila?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lovelots,
Ate Ela

One Great Love (On-Going)Where stories live. Discover now