Trip Mo Part 1

282 6 3
                                    

Nakatulala..
Nakatunganga..
Wala sa sarili..
Naiiyak na hindi naman mapaluha..
Naiinis..
Ahh hindi ito inis, galit ito..

Wala sa sarili na napahigop ako sa mainit na kape sa ibabaw ng lamesa.
Ouch! K*ng mother.

Napaubo ako sa sobrang init.

"Ano ka ba naman Parker, bagong pinakulo ang nilagay kong tubig jan. Hinigop mo lang ng ganoon?"

Umasim ang mukha ko ng bulyawan ako ng maganda kong ate Carl. Ang manhid talaga ng pamilya ko. Hindi ba talaga obvious na wala ako sarili dahil ky Lance? Sa babaerong boyfriend ko.

"Sorry na. Nakalimutan ko ngang hindi pala ako umiinom ng kape. Tsk." Sagot ko dito.

Tumayo na ako at hinagilap ang aking shoulder bag. Nagpaalam ako dito, at dahil ulirang ate pinigil ako nito coz hindi pako kumakain ng agahan.

Tsk. Eh sa wala akong gana.

Well, isa lang naman ang dahilan ng kabaliwang nararamdaman ko ngayon. Walang iba kundi si Lance, dalawang taon ko na siyang boyfriend and in fact we were already engaged. Pero kagabi lang ay nahuli ko siyang may ibang babae.

Sakeeet. Para akong aatakihin sa puso and to my surprised I did not even cry. Ganoon na siguro ako katigas ang damdamin ko.

Parker Song de Vera Baldez ang buo kong pangalan. De Vera ang nanay ko, isang half korean half Filipina. Ang tatay ko naman ay Baldez, pure Pinoy na lasinggo, smoker, at basagolero. Pano kaya nahulog si Ermat kay erpat, yan ang hindi ko alam. Mula ng ngkaisip ako, walang araw ng walang nababasag na gamit sa bahay. Wild kasi si tatay pag lasing.

Dalawa lng kaming magkakapatid. Yun na nga si Carl Sihng De Vera Baldez, thirty two years old. Nasa 5 foot lang si ate, mas matangkad ako dahil nasa 5"6' naman ako. Cute ito kaya madalas napagkakamalan akong ako ate sa amin. Nagmana ako kay nanay na matangkad. Mahaba at tuwid na tuwid ang buhok ko, lampas beywang. Dahil payat ako kayat halos matabunan na ng buhok ang buo kong katawan sa tuwing nilulugay ko iyon.

Si Lance. He is thirty five. Mas matanda pa ky ate di ba? Mahilig kasi ako sa mature na lalaki. Gusto ko yung responsable, may stable na trabaho, maganda ugali at higit sa lahat yung matalino. Na kay Lance na lahat ng katangiang ginusto ko, engineer ito, may malaking bahay at malapad na lupain. Pero di lang pala ako nag iisa sa buhay niya.

Habang nakaabang ng bus papuntang school, nagpaflashbacks lahat ng mga happy moments namin ni Lance sa isip ko.

Lagi itong nakatitig sa akin habang ako naman tong hiyang hiya. I usually cover my face using my hair. Englisero si Lance, dahil siguro sa talino at lumaki sa mayamang pamilya.

"I feel so ugly and unwanted. You forgot to informed me that youll be away for a few days."

Tatlong araw itong nawala, nagpunta daw siya sa isang seminar. Ayaw na ayaw ni Lance na nagtatagalog ako, kasi daw hindi niya naiintindihan. Nagulat ako ng yakapin ako nito. Napasubsob ako sa matigas nitong dibdib. I smiled. Kahinaan ko kasi ito, kapag nilalambing niya ako tanggal lahat ng tampo ko. Parang hangin na nag evaporate.

"You are the one who makes my heart beat fast and the one who holds that heart.... you are more than wanted. You are needed. I love you more than you think I do. I love you beyond words."

Napabuntong hininga ako nang matanaw ang paparating na bus. Para kasing naging blurry ito sa paningin ko, I know it. Naiiyak si AKO. King Mother.

Huminto ang bus sa tapat ko. Naipunas ko ang likod ng aking kamay sa mga mata upang hawiin ang nagbabadyang luha na gusto kumawala mula roon. I step inside the bus at naupo sa bakanteng upuan. May mamang nakaupo na sa gilid katabibng bakanting upuan na inukupa ko.

Naka hood ang mama, saka may suot na shades.

Nakasabay ko na naman si weirdong mama.

Napasandal ako sa upuan. Saka ako nakaramdam ng pagod at antok. Hindi kasi ako nakatulog kakaisip sa Ex ko. Mga walang hiya sila. Nag flashback ulit ang mga magagandang moments namin. Napayakap ako sa bag ko para kasing maiiyak na naman ako. Saka nilaro ko ang singsing na suot ko sa daliri. Ang singsing namin. I took it off at isinilid sa bag kasama ng mga gamit ko sa school. Duhh, nonesence ring.

I thank God I was saved from future pains. At least, hindi pa kami nakakasal at nalaman ko ng maaga.

I close my eyes but I can see him smiling while giggling together with his other girl.

Deym him. Matanda na nga malandi pa.

Trip Moحيث تعيش القصص. اكتشف الآن