Trip Mo Part 4

106 5 1
                                    

"Again, I was asking you Miss Baldez. Whats on your neck??!!"

Bumulahaw ang malakas na sigaw ni AMD sa buong building ng Arts Department. Nataranta ako.

Bakit ba? Ano bang nasa leeg ko?

Wala sa loob na naipagpag ko ang kamay sa leeg. Siguro may insekto kaya nataranta ako.

"S-sir, ano bang meron?" Tanong ko dito ng takot na takot habang nagpapagpag sa sarili. "Nichie, may insekto ba?"

Nakakunot lang ang noo ni Nichie na nakatingin sakin. Saka bigla itong napanganga.

"You. Both of you, step outside and wait for me in my office."

Pagkatalikod ni AMD ay agad tumayo si Nichie. Kinuha ang mga gamit namin saka hinablot ang braso ko palabas ng room. Nagpatangay na lang ako dito habang litong lito.

Nagbulungan naman ang nadadaanan naming mga kaklase habang papalabas. Si Nichie inayos nya ang buhok ko mula sa pagkakatali ay inuligay niya ito.

Pagkalabas namin agad ako nitong tinitigan ng masama.

"Park, anong nangyari. Saan mo nakuha yan? Ang alam ko wala si Jawo dito sa Pinas."

Napaganga ako. Anong kinalaman ni Lance Jaworski dito. Si Nichie lang ang tumawatag kay Lance ng Jawo.

"Ano bang sinasabi mo? Anong nakuha ko? Hindi kita ma gets."

Nakapikit ito, halatang na konsume ang kaibigan ko. Tinangay uli ako nito papuntang comfort room ng mga babae saka halos ingudngud ako nito sa salamin.

"Sinong may gawa niyan? Nakipag one night stand ka ba dahil broken hearted ka no?"

Hindi na nag sink in ang mga sinabi ni Nichie sa akin ng maaninag ko ang nangyayari sa aking leeg. May kagat iyon. Pula, malaki. Hindi lang isa kundi dalawa.

"Nakagat ata ako ng insekto kagab--

Bigla ba naman akong batukan ni Nichie na halos ikamudmud ko na sa lababo.

"Kaloka! Kiss mark yan, tanga."

Kunot noo kong nilingon ito.

"Sino naman hahalik sa kin sa leeg? Wala na akong boypren!"

Halos mag sigawan na kami sa loob ng comfort room. Ganito talaga si Nichie, ang hyper. Kung makapag asta daig pa ang nanay ko.

"Are you sure? Eh kahit si AMD natunugan yang mga chikinene mo sa leeg."

Aisssshh.

"Excuse me! Hindi to chikinene! Nakagat lang siguro ako ng insekto. Alam mo naman skin ko maselan!!"

Naghalungkat si Nichie ng gamit sa bag nito. May hinahanap na kung ano saka napamura ng wala itong mahagilap.

"Shit! Ngayon pa ko walang band aid."

Band aid?

"M-meron ako. Teka, binigyan ako ni mamang wi..e..r...do kanin--"

Napaisip akong bigla. Binigyan ako ng mamang wierdo ng band aid kanina. Umalingawngaw sa tenga ko ang huli nitong sinabi.

"Here. You may need this."

"Binigyan ka ng band aid. Hanep din yung mamang yun ah, wierdo nga."

Agad akong tinulungan ni Nichie na ilagay pangtakip ang band aid sa chikinene ko.

Nakaramdam ako inis.

Trip MoWhere stories live. Discover now