Trip Mo Part 14

108 4 5
                                    

Warning: Typo errors

Atm:
D2 sa madilim na kwarto ng isa sa aking mga avid reader, my cousin Cassey na kahit tulog ay kinukulit akong mg UD, nabitin daw kasi siya.

Got a new follower: Misspassword. Thankie (idk if cnu ka, but I think taga erji ka rin). To Nichie and Jheny, walang sawang nagbbasa't nagko-comment. Labyo gurls. This chap is for yah. Muahh..

****

Ohryt! Here we are, ready to explore the beauty of Hacienda David. Im feeling excited. Ilang minuto lang ay natapos na agad kaming maghanda. Si Nichie, ako at ang isa pang sabit, na si Jheny. Paano ba naman at naabutan kaming nag iimpake ng gamit. Ayun! Halos rape-pin ang syota ko makasama lang sa destinasyon namin.

Pagkalabas namin ng bahay ay magkatabing nakasandal sa sasakyan sina Jheny at Devin, ay at close sila ha? Haneep ang attire ni pinsan Jheny, over sa pink. Mula sombrero, shades, bag, damit, mga kuko, at tsinelas nito ay pink. Adik din?

Halos pareho lang kami ng get up ni Bff, porontong shorts at tshirt. Naka tsinelas ako ng green. Si Nichie suot niya yung yellow na tsinelas ko.

"Tara!" Agad akong sumakay sa unahan ng porsche ni Devin. Bukas kasi iyon.

Bakit? Ako naman dapat yung nasa unahan di ba? Nagsipag upo naman ang dalawa pang babae sa likurang upuan.

Nang pumasok ang lalaki at nagsimulang mag drive ay nakialam ako sa mp3 player nito.

"Konting music naman para happy tayo babe." Nakangising sabi ko dito.

Wag kang papalag jan at masisira tong player mo. Ako yung boss. Haha.

"Ok boss!" Sagot naman nito. Natawa ako. Nabasa ata nito nasa isip.

Inoperate ko ang mp3 at naghanap ng mga pamilyar na kanta. Hindi aabot ng kalahating oras ang byahe. Malapit lang kasi ang hacienda sa lugar namin. Sabi ko nga nadadaanan lang ngunit ang sabi ng iilan na masyadong malawak daw ang lugar na kailangan pang sumakay ng sasakyan o kabayo para malibot ito.

"By the way, nasa bahay si Leann ngayon. But dont worry, she wont bother you anymore." Babala ni Devin sa akin.

Napapatango lang ako. Biglang nag flash back ang lahat ng nakita ko sa library. Ang live show na mukhang bebenta ata ng milyones. Pero halatang wala man lang pakialam si Leann kung may nakita man ako o wala. Sabagay, kilalang liberated naman talaga ito.

"Hmp, wag na huwag siyang magkakamaling gagalawin si Parker at babalian ko siya ng buto." Narinig kong sabi ni Nichie sa likod.

Ang harsh nito. Sinenyasan ko siya na mag shut up na lang. Pero binelatan lang ako nito.

"That wont happen again, Nichie. I promise you. Anyways, I'll be around. Hindi ko hahayaang may mang away sa girlfriend ko. Malagasan man lang ni isang hibla ng buhok ang babe ko ay magkakamatayan kami." Pakindat kindat na sabi ni Devin.

Ayyeehh ang sweet. Hihi

Namula naman ako sa sinabi nito. Humagalpak ng tawa sa likod ang pinsan kong si Jheny. Parang kiti kiti itong kinilig.

"Swerti swerti mo naman, insan. Ahh Devin, baka naman may kapatid kang lalaki pakilala mo naman sa kin."

Tinapik ko ang kamay ng pinsan kong akmang hahawak sa braso ni Devin. Nag tsk ito sa kin. Inismiran ako.

"I'm sorry, I dont have a brother Jhen. Anyways, marami akong tropang nasa resort ngayon. Ipapakilala kita sa kanila. Most of them are single."

Trip MoWhere stories live. Discover now