Trip Mo Part 22

28 0 0
                                    

Warning: Typo errors
Slow update. Pasensya na sa naghihintay lalo na sa umaasa. Shoutout sa aking amiga na di ko alam nagbabasa pala, naiinip na xa sa kakaintay di man lang nagsabi: PRECIOUS BABE DUMAT-OL, shoutout sa'yo, ang pangit mo!! haha

Park's POV

Green Monkey Bar

2 weeks later

Inaya ako ni Jheny at Nichie na mag bar. Ewan at biglang nagyaya ang dalawa. It's been a long time din mula nang makapasok ako ulit dito. Conservative si Lance at ayaw nito na pumapasok ako sa mga ganitong lugar. Yeah, si Lance pa rin. I sigh at the thought of remembering him. Well, two weeks na mula ng nagpunta ako sa school ni Devin. Pagkatapos kong mag antay sa kanya ng forever ay hindi ako binalikan ng gagong lalaki. Dahil dun, ay two weeks na rin na hindi kami nagkikita at hindi nagkakausap kahit text o tawag ay wala. Ano na kayang nangyari sa lalaking yun? Baka nakahanap na ito ng ibang babae.

"Inom tayo bff." sabi ni Nichie at muli akong tinagayan ng alak.

Napatingin ako sa kaibigan. Nagtataka ako sa kinikilos nito. Hindi naman manginginom si Nichie pero parang gusto nitong maglasing sa gabing ito.

"Hinay -hinay naman jan bff. Baka malasing ka." sabi ko.

"Ok lang. Minsan lang to. Nu ka ba?"

Mula sa dance floor ay humahagohos na dumating si Jheny na may hila-hilang pamilyar na lalaki. Nakatanaw pa ang lalaki sa dance floor kaya hindi ko pa nakikita ang mukha nito. Nang napatingin ito sa amin ay nanlaki ang mga mata ko.

"W--woah!" gulantang kong sabi.

"Parker!!!" pa high-five na bati ng lalaking walang iba kundi si Mikee.

"Insan, pogi eh. Ninakaw ko mula dun sa malanding babae. haha" sabi ni Jheny sabay tawa ng malakas.

Nag high-five muna kami ni Mikee bago ako napaisip. Kung nandito ang lalaki, malamang nandito din ang ibang mga kaibigan nito. Napatingin ako sa pinanggalingan ng dalawa.

"S-sinong kasama mo Mikee?" tanong ko dito.

Malakas ang tugtog at ewan ko kung narinig ako nito. Tinagayan ito ng pinsan ko at agad naman itong lumagok ng inom.

"Cheeers!!!!" wala akong nagawa kundi maki-cheers sa tatlo. Hindi na nasagot ang tanong ko kay Mikee dahil busy na ang mga ito. Nasapo ko ang noo matapos makalagok ng tequila. Pasimple akong lumingon sa paligid para hanapin ang lalaking gusto kong makita, si Devin.

Nandito kaya si Devin?

Isa pang baso ang dumaan sa kin nang maaninag ko si Kristoff sa tapat ng lamesa malayo sa amin. Tama ako at nandito ang magbabarkada. Naningkit ang mga mata ko dahil sa silaw ng mga ilaw na naroroon. Pilit kong inaninag ang mga kasama ni Kristoff pero hindi klaro sa kinaroroonan ko ang mga kasama nito.

"M-mikee? Si Devin, kasama nyo ba?" muli kong tanong sa lalaki. Tinapik ko na ang balikat nito para magkarinigan kami.

Bago sumagot ay tumagay muna ito."Yeah. He's right there." tinuro nito ang lugar na kinaroroonan ng hinahanap ko.

Pati mga kasamahan ko ay napalingon sa tinurong lugar ni Mikee. Kaya pala hindi ko ito maaninag dahil tatlong babae ang pansamantalang kausap at katabi nito. Hawak -hawak nito ang isang baso ng alak at nakasandal ang likod nito sa upuan. Ang tatlong babae naman ay panay ang kausap sa kanya. Paminsan ay napapangiti ito at tatango-tango lang. May konting pacute pa itong ginagawa at binulong-bulungan pa ang isa sa mga babae. Nag-init ang mukha ko sa ginawa ito at ewan bigla akong nainis.

Trip MoWhere stories live. Discover now