Trip Mo Part 18

120 5 2
                                    

Warning: typo errors

B4 u read this: make sure you play or have at least heard the song CAPTURED by Christian Baustista and Sitti.

#this chap is for my beloved sisters Jamaica Jen and Joanna Lou. Study first before you enter the kingdom of love. Ahright?

******

Alas nuwebe ng gabi ng kinatok ako ni Devin sa kwarto. Nahiya akong lumabas kaya eto kumalam ang sikmura ko. Halos pagalitan ako nito dahil hindi ako nakakain sa tamang oras. Nagpunta kami sa resort at saka kumain sa restaurant na naroon. Sizzling sisig, baked scallops, at sizzling squid ang inorder namin. Takam na takam ako nagpasalamat ako sa sarili na hindi kumain ng oras. Sulit din pala ang pag aantay ko dito.

Matapos kumain, dinala ako nito sa Devinci Bar. Dahil maaga pa naman kaya wala pang masyasong tao. May mga ng iinom nama pero halatang kasosyalan lang ang ginagawa roon. Hawak ako ni Devin sa kamay, habang papasok kami. Namamangha ako sa itsua ng bar dahil ni minsan ay hindi pako nakapasok sa ganitong mga lugar. Nagpatangay lamang ako dito habang nganga sa mga nakikita. Hindi lang kasi sossy ang bar, it looks classy too.

"Good evening, grandfather." Narinig kong sabi ni Devin.

Saka ko lang napagtantong huminto kami sa isang lamesa. Napatingin ako sa matandang lalaking nasa harap namin.

Lolo nya?

Gosh. Kinabahan ako bigla. Napakapit ako sa mga bisig ng nobyo. Nasa tabi ng lolo ni Devin ang dalawang lalaking nakasuit. Parang mga casts lang ito ng men in black plus the shades. Bodyguard ata ng Dhon.

Nagmano si Devin sa matanda. Walang kangiti-ngiti ito at napatingin sa kin.

"So, ilang taon ka na iha?" Tanong nito.

Ni hindi pa nga ako napapakilala pero kinausap na ako nito. Napatingin ako kay Devin. Tumango lamang ito sa kin.

"Uhm, 24 po." Nahiya ako.

Mas matanda kasi ako kay Devin. Hindi kaya maging dahilan iyon para hindi ako nito magustuhan. Oh ma gas!! Napayuko na lang ako at iniwsan ang mga tingin ng lolo nito.

"Hmm.. Sounds good." Sabi nito. Napasinghap ako.

Abat hindi ko inaasahan ang reaksyon nito. At ng tumingin ako uli sa Dhon, nakangiti na ito sa akin. Inilahad nito ang kamay sa kin, at saka ako nagmano. Ginulo pa nito ang buhok ko na parang bang giliw na giliw ito sa kin.

Napangiti na lang ako ng pino. Ayoko nga mag assume baka ini-echus lang ako ng maglolo. Nag behave nlng ako at iniwasang dumaldal.

Maya maya ay hinila ako ni Devin, nagpatiuna naman ako kahit hindi ko alam kung saan ako nito dadalhin.

Napataas ang kilay ko nang maupo ito sa may piano.

Anong ginagawa ng lalaking to?

Nanatili akong nakatayo habang sinenyasan siya. Napatingin na kasi samin ang mga taong naroroon sa loob ng bar.

"Babe, anong alam mong kantahin?" Tanong nito.

Hala?!

Napatingin ako sa mga taong nakatingin sa min. Lagot theyre staring as if waiting for us to do something on the stage. Nasa mi elevated part ng bar ang naturang piano. Lahit sino pwedeng mag perform?

Napalunok ako ng iabot sakin ni Devin ang microphone. I was thinking of a certain song pero wala akong ibang maisip maliban sa --

"Captured." Sabi ko. But its a duet song. Kaya kelangan nito akong sabayan. "But you have to sing with me."

"Wow! I didnt know, you would choose that song."

Alangan naman ako lang yung mapapahiya, dapat kaming dalawa. Lol. Anyway, hindi naman ako propesyunal but I can sing. Hindi pang artist type pero makakapasa na sa videoke.

Napangiti si Devin sa sinabi saka tumayo mula sa piano. Sinenyasan nito ang taga operate ng console saka nilapitan kami at inabot sa kanya ang isa pang microphone. Nagsalita ito at binati ang mga naroom sa loob.

"Good evening guys. Lemme just introduce to you, my girlfriend Parker!" Nagpalakpakan ang mga taong naroon.

Nakita kong napatango tango si Dhon Oreogon. Kinabahan na ako ng bongga.

"We would just like to welcome my grandfather home, this song is for you grand." Patuloy nito.

Sa kaba koy napahawak ako sa kamay nito. Narinig kong nagsai ito sa operator ng kantang kkantahin namin. Akala ko magpapiano siya? Hindi niya yata kaya yung Captured.

"Relax, babe. Lets do this. Im gonna give you a bonus, just give your best shot." Then he wink at me.

Nainis ako ng konti, bonus? Talagang peperahan ko tong lalaking to eh. Hindi ako alam kung anong pumasol sa kukuti niya at pinapahiya ako ngauon. Geezz.

After a minute nagsimulang tumunog ang minus one ng Captured nina Christian Bautista at Sitti.

Devin sings while keeping his eye contact on mine. Magkahawak kamay kami and his fingers perfectly fits on mine. Yay. Kinabahan pko lalo, hindi pko kumakanta sa harap ng ibang tao.

Hmmm hmmm hmmm

I was captured the moment we meet, carried away with every word you said

Shemay, naubos ko yata laway ko kakalunok dahil sa lamig ng boses nito. Waahh, I can feel my heart beating fast as if it'll be falling anytime on the ground. Kaasar, ang ganda ng boses niya parang yung original lang. At yung lyrics, waaahh kinidatan ako nito saka ngumiti. Sumilay ang nakakalokong mga biloy nito sa magkabilang pisngi.

It's a mystery how you got to me
I fell in the spell of your charms
With your siren's smile you caught me off guard

Kinilig nako guys!!! Wala sa loob na napangiti ako ng todo. Wala nakong pakialam, ni hindi ko napansin ang pagpalakpak ng mga tao nang simulan ni Devin ang chorus.

Just one glance took away my breath
Then you drew me in with your tenderness
You captivate my soul, I'm enraptured
You knocked me out and you locked me up
Stole my heart like a thief at love
Keep me here in your happy ever after ,I'm captured

And then, its my turn to sing. Nakipag eye contact ako dito. I love this song at hindi ko ipapahiya ang sarili ko sa mga audience. This song is not anymore for his lolo, but instead its for him.

"By the way just in case you care
I'm here to stay, I'm not going anywhere
I took a dive in your deep dark eyes
And I'm never coming up for air
I lost myself in this bond that we share"

We sing the chorus together. Feel na feel ko ang kanta at ni hindi ko na alintana ang biglaang pagtayo ng mga tao sa loob ng bar.

One sweet kiss took away my breath
Then you drew me in with your tenderness
You captivate my soul, I'm enraptured
You knocked me out and you locked me up
Stole my heart like a thief at love
Hold me tight in your happy ever after

Dahil sa jolly ng kanta kaya nawala na ang naramdaman kong kaba. Bumigay ako ng todo at bongga. Feel ko ng ako si Sitti at eto si Christian Bautista.

Now you've got the best of me
No one else could hold the key
I'm captured

Isang chorus pa ang kinanta namin. Nang matapos ay bigla akong kinabig ng nobyo at pinupog ng halik sa mukha.

I was laughing hard not knowing the reason why. Basta, ang saya ko lang. O baka naman, kinilig lang ako dahil sa isa pang bagay na nadiskubrehan tungkol dito. Hes an artist, ang ganda ng boses. Siguro nung nagpaulan ang Diyos ng talento, nasalo lahat iyon ni Devin.

"Thank you!" We bowed together with a smile

Trip MoWhere stories live. Discover now