Trip Mo Part 2

147 3 1
                                    


Uhmm hmm hmm
How long will I love you? As long as the stars are above you and longer if I can.

"Aray! Ate naman eh!'

Biglang may pumitik sa ilong ko. Antok na antok pa ako eh. Istorbo tong si ate.

"5 minutes." Sabi ko dito nang hinang hina na boses.

Pagod na pagod ako. Gusto ko lang matulog muna at wag pumasok. Kasalanan to ng walang hiyang ex ko.

Kiniliti ako ni Ate sa leeg. Kati kati ng pinansundot nito sa leeg ko. Pero napangiti na rin ako. Nakakakiliti kaya. Niyakap ko pa ito sa braso. Alam kong nakasandal ako sa balikat niya. Ibang klase rin ang pabango ni ate ngayon. Ang bango hmmm. Pinagsalikop ko ang mga daliri namin. Bat ang laki ng palad nito?

Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko. Blurry ang nakita kong image. Nakatingin saking ang pinakapoging nilalang na nasilaya ko sa buong buhay ko na. I smiled at him saka pinikit ulit ang mga mata. Boyfriend ata to ng ate ko.

"Ang pogi." Ungol ko dito.

Naramdaman kong yumugyog ang balikat nito. Hmm he is laughing. Kinilig ata dahil napogian ako sa kanya. Awh t-teka wait --

Nagising ako bigla. Titig ako sa lalaking nasa tabi ko.

"S-sino ka?" Utal kong tanong dito.

I just realized na wala ako sa bahay. At hindi si ate ang nasandalan ko kundi itong lalaking 'to. Namula ang mukha ko sa hiya. Magkasalikop ang mga kamay namin. Napakagat labi ako sa hiya.

K*ng mother. Syet miming.

"Seriously? Tsk."

Tumaas ang kilay nitong nakatingin sa kin. Hinagod pa nito ng tingin ang buo kong kaanyuan.

Supladong wierdo.

Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa balikat nito. I pretend I didnt noticed.

Syet. Naglaway lang ang lola nyo sa balikat ni pogi. Jusko.

Naupo na ako ng maayos habang iiling iling itong napapatingin sa kin. Tinanggal nito ang suot na hood at ini-unzip ang sweater niya saka binalibag ang damit sa kandungan ko.

"A-anong--"

Nakasando na lang si pogi ngayon kulay itim na bumabakat sa yummy nitong katawan. Luhhhh..

"What do you think you were doing?" Mataray nitong tanong.

Nataranta ako sa buong buhay ko ngayon lang ako nagkalat ng ganito. Napangiti ako at nag peace sign sa kanya.

"Patawad pogi. Lalabhan ko na lng tong damit mo."

Magkasalubong ang kilay nitong napatingin sa kin. Maya maya ay napangitin na rin. Dahan dahang yumugyog ang balikat nito. Mukhang nagpipigil sa tawa hanggang sa natawa ito ng malakas.

Ang wierdo talaga nito.

"Ok na tayo, pogi. Sorry talaga ah? Hihi." Sabi ko dito.

"Yeah sure." Tumango naman ito.

Ayos na kami. Aiyeeh.

Nakakaloko itong ngumiti. Kung hindi lang dahil sa kahihiyang ginawa ko dito popormahan ko tong poging to. Hayy naku, eh broken hearted ako. Pampalipas lang ng oras, hmmm.

"Wag mong iyakan ang mga taong hindi ka pinahahalagan." Bigla nitong sabi.

Napatingin ako sa kanya. Luhh.. Nu ba sinasabi nito? Kinindatan ako ng gago. Para akong natunaw sa lakas ng dating nito. Nakakalunod pati mga biloy niya sa pisngi. Oh alleluah.

"Ako? Iiyak, hindi noh?"

Hindi pa naman talaga ako umiyak mula ng mahuli ko si Lance. Saka paano ba nito nasabi iyun. Umiyak kaya ako habang nakasandal sa kanya. Luhh.. Nu ba yen. Nehihiya na si eke.

Bat ba kasi ako napasandal at nakatulog sa masasarap nitong balikat.

Tumango tango lang ito. Ngiting ngiti na parang may ginawang kalokohan. Nakatingin na ito sa bintana ng bus habang sinuot ang earphone.

Ohryt. Dismiss. Ayaw na nito akong kausap.

Tinupi ko ang malambot itong sweater saka napatingin sa muscles ng mga braso nito. Woow. Gumagalaw galaw iyon. Sarap pisil pisilin. Parang yung mga model sa tv at posters. Model kaya ito?

Nakakagigil na sinundot ko ang muscle nito sa braso. Magkasalubong na naman ang kilay nito habang napatingin sa kin. Tinanggal nito ang earphone sa tenga.
"What the heck?"

Hindi nito isinatinig pero nabasa ko ang mga sakitang yung sa mga labi nito. Tumawa lang ako, feeling close na ako ngayon. Crush ko na yata si pogi.

Ako naman ngayon ang kumindat nito. Inilabi ko ang salintang "am pogi mo!" nang ibalik nito ang tingin sa bintana ng bus. At least nakalimutan ko ng konti ang wasak na wasak kong puso.

Matulin ang takbo ng bus ng biglang nag break ang driver sa kalagitnaan ng highway.

Beeeeep!

Sumubsob ang mukha ko sa matigas na boobs ni pogi dahil hindi ko napaghandaan ang biglaang pghinto ng sasakyan. Nagkatinginan ulit kaming dalawa ng ilang minuto.

Natulala ako sa lapit nito sakin. Natauhan ako nang bigla itong nagmura sabay hablot ng kamay kong napahawak pala sa harapan ng pantalon niya. Dun sa maumbok nitong --tsk.

Syet. Lumibel up agad. Nu bi yen, Parker. Hanip ka rin today.

Nakanganga lang akong nakatingin dito. Pulang pula ang mukha nito. Hinablot nito ang bag ko at nilagay niya sa pagitan namin.

"Wag na wag kang lalampas. Diyan ka, dito ako. At yung kamay mo, miss pigilan mo. Baka patulan kita, magsisi ka." Mariin nitong sabi.

Nag peace sign ulit ako at pilit na ngumiti dito. Lakas ng tibok ng puso ko. Lels. Parang sasabog iyon. Ngayon lang ulit ako kinabahan ng ganito. Nakaramdam ako ng init. Bakit parang mag sariling buhay tong katawan ko ngayon at pilit na lumalanding ky mamang pogi.

Parker. Mahiya ka naman. Nagmumukha ka ng desperada sa paningin niya.

"Sorry. Sorry. Sorry talaga."

Ang lahat ay nagkataon lang naman ah. Destiny? Hmm.. Napahinto na ang bus sa first stop nito. Nagsitayuan ang mga taong gustong lumabas ng bus. Ang katabi ko ay tumayo na rin.

Dahil nasa tabi ng bintana si pogi kaya nag give way ako para makalabas siya. Bago ito nglakad palayo may iniabot ito sakin.

"Here. You may need this."

Iniabot nito sa kin ang isang band aid. Nangunot naman ang noo. Aanhin ko ang band aid? Tinanggap ko lang din sa kalagitnaan ng kalituhan ko. Saka nagpasalamat sa kanya.

"Uhm. Thanks pogi. Kita tayo uli, sasauli ko tong sweater mo ah."

Pahabol kong sabi dito. Pero ni hindi man lang ito lumingon. Winagayway lang nito ang kamay sa kin.

Lumarga uli ang bus. Sa next stop na ako malapit sa school. Inamoy ko ang sweater nito. Bango talaga. Amoy gwapo. Nilingon ko ang pinagnaugan ng lalaki at pilit sinundan ang bulto ng katawan nito pero di ko na ito nakita. Wew. Aaminin ko, nagka crush ako sa araw na to. At ang swerti ko pa, ang daming nangyari sa isang kwarenta minuto na byahi namin.

I smiled and think.

Ohryt. Im single and free to mingle. I should stop thinking about negative things from now on and focused on the brighter side. I am still twenty four. May 6 years pako bago mawala ang edad ko sa kalendaryo. Aja! Next week, magsasabay na uli kami sa bus.

Isang beses sa isang linggo lang kasi ako umuuwi sa bahay ng mga magulang ko at nakatira lang ako sa isang maliit na kwarto malapit sa school namin. Napapadalas na nakasabayan ko yung lalaking wierdo but this time, may nakakatuwang nangyari na. This is what they call destiny. Corny na corny pero naniniwala pa rin ako sa forever haha..

Hanggang sa makarating ako ng school ay hindi matanggal tanggal ang ngiti ko. Feeling ko nga abot ito hanggang tenga.

Trip MoWhere stories live. Discover now