Trip Mo Part 3

114 2 0
                                    

School..

Pagkapasok ko ng gate, nagkumpulan ang mga estudyanting walang ID sa entrance. Isang grupo sila ng mga kalalakihang nakauniporme ng jersy.

Napataas ang kilay at leeg ko sa kakatingin sa mga ito. Coz actually I know this group and I am looking for someone, my ultimate crush na si Kristoff. Kabilang si crush sa basketball team ng aming school. Ace player daw ito, magaling sa rebound parang si Zakuragi lang ng anime series na Slamdunk. Pero ang kaibahan lang ay super gwapo si Kristoff. Mayabang din ito tulad ni Zakuragi pero napaka-friendly.

Sa kakatingin ko sa grupo, halos mamudmod ang mukha ko sa semento nang may biglang tumulak sakin mula sa likod. Buti nalang hindi ako tuluyang natumba.

"K*ng mother!!!" Sigaw ko sa aking paboritong expression.

Naningkit ang aking mga mata habang nakatingin sa humahalakhak na si Nichie, may bestfriend and best enemy.

"Nichielot!"

Naghabulan kami patungong third floor ng College of Arts department. Andun kasi ang klase namin. Diri-diritso itong naupo sa kinagisnang upuan. Agad itong nagtakip ng mukha para tanggapin ang paghambalos ko dito gamit ang aking shoulder bag. Tumatawa pa rin ito.

"Pasamalat ka nga sa kin at hindi ka na naman late." Sabi nito.

Sumandal na ako sa upuan. Pinagsingkit ko ang mga matang napatingin dito.

"Ako magpapasalamat? Eh hindi ko na nga nakita si Kris kasi nambulabog ka na naman. Hmmp."

Tumawa lang uli ito.

"Baliw. Kris ka ng Kris. Marami na kayong baliw sa kanya."

Palibhasa wala itong gusto kay Kris. I dont know why pero hindi talaga gusto ni Nichie si Kris. Mabigat ang loob nito sa lalaki. Si Kris naman, lahat ng babae pinapansin, maliban ky Nichie. Hmmm, or baka naman imagination ko lang yun. Oh well, bnfnajnnjskfkdn ,bahala na nga sila.

"Yaan mo na. Pang inspirasyon lang naman eh. Hihi."

Nag-puppy eyes ito sa kin and I know what it means. Grrr.. Wag na wag mong ipaalala sakin ang lintek na lalaking yun Nichie.

"Ano?!" Sabi ko dito.

"Wala ka bang sasabihin?"

Ayan na siya. Nagsisimula na naman itong manghalungkat ng buhay ng may buhay. Hindi ko naman tinago dito ang nangyari sa amin ni Lance but hindi pa nito alam ang buong kwento.

I sighed deeply. Ayoko na yata mag kwento. Nasasaktan lang ako eh.

"Chie, naman. Ayoko na siya pag usapan. Please?"

I tried to smile bitterly. Then, hinawakan nito ang mga kamay ko. Wew, I feel warmth. Parang pinulot nito ang wasak kong puso saka binuo ulit. She hug me saka hinimas himas ang niya likod ko.

"I love you, bff. Marami pa kaming nagmamahal sa'yo. Always remember that."

Luhh.. Napahikbi na ako. Sa isang gabing pgkawasak ng puso ko'y ngayon lang ako totoong naiyak. Gustong gusto ko tong gawin pero walang luhang tumutulo mula sa mga mata ko. Kahit san ako magpunta nakikita ko si Lance. Kahit anong gawin ko hindi mawala wala sa isip ko ang babae nya. I wonder why he needs to do that?

Hindi pa ba ako sapat para sa kanya? Naibigay ko na lahat. Wala ng natira. Pero hindi pa rin gumana. Nanghanap pa rin siya ng iba.

"Nakakainis ka talaga. Pinapaiyak mo ko, Chie. Ayoko sabi siyang maalala eh." Sabi ko sa kalagitnaan ng aking paghikbi.

Trip MoWhere stories live. Discover now