Options

781 42 3
                                    

Dumalaw sila Vhong sa mansyon. Nagdala sya ng pagkain at chocolates para sa mga bata. Dahil sa pagdating ni Vhong, kinuha na ng mag-asawa ang chance na yun para pag-usapan ang next step nila.

VHONG: Sabi mo, brad, gusto mong panagutin yung minsan ng nagpahamak sa anak mo at pumatay sa amain mo. Tapos ikaw naman, bruh, gusto mong bantayan yung mga anak nyo lalo na si Alena.

VICE: Oo. Anong palagay mo?

VHONG: Kung ako yung nasa sitwasyon nyo, itutuloy ko yung paghahanap sa double agent. Kasi malaki masyado yung atraso nya. Nilagay nya sa alanganin yung agency pati na rin yung ibang agents. Muntik na magdelikado ang buhay ng anak ko sa pinaggagagawa nya at higit sa lahat, pinatay nya yung taong nagmalasakit sa akin noong panahong walang wala ako.

KARYLLE: Paano naman yung mga anak mo kung sakali? Iiwanan mo ulit?

VHONG: Oo pero hindi naman ibig sabihin nun ay pababayaan ko na sila. Kasi para sa kanila rin naman yung gagawin ko.

VICE: Nasa agency ba si Billy boy?

VHONG: Wala. Naassign syang tulungan yung isang field agent sa Bataan kasama si Agent Eruption.

KARYLLE: Si Jugs?

VHONG: Oo. Nandoon lang yun.

KARYLLE: Let's call him para sa opinion nya.

VICE: Sige.

KARYLLE: (on phone) Hello Juggy! I called you on your personal phone kasi medyo di naman related sa work yung itinawag ko.

VICE: Loud speaker mo.

KARYLLE: Juggy, you're on loud speaker now.

JUGS: Okay. Sinu-sino nandyan?

KARYLLE: It's just me, Vice and Vhong.

VICE: Hi Jugs!

VHONG: Hello!

JUGS: Ikaw, Vhong Navarro, umalis ka na naman. Hi Vice!

VICE: Jugs, pwede ka bang abalahin?

JUGS: Oo naman.

VICE: Hihingi lang kami ng opinyon ni K. Alam mo naman yung nangyari kay Alena and sa agency.

JUGS: Oo.

KARYLLE: Should we continue our search for the double agent or should we just stay and watch over our kids?

JUGS: Ang hirap nyan ah... Pero kung ako yung nasa posisyon nyo, magsstay nalang ako. Mas mababantayan ko yung anak ko kapag ganoon at mababawi ko pa yung mga oras na hindi ko nabigay sa kanila pag nasa misyon ako.

VICE: Hindi mo na pananagutin yung double agent kahit sya yung nagpahamak sa anak mo at sa agency? Kahit sya yung pumatay sa tatay mo?

JUGS: No offense, Vice ha? Pero kung ako yung nasa posisyon mo kasi, hindi ko na hahabulin pa yung taong yun. Karma na ang bahalang gumanti para sa akin at sa ama ko. Mas madali kasing protektahan yung anak mga bata pag nandoon ka lang sa bahay at kasama mo sila.

KARYLLE: So you're saying na you will stay instead of chasing after the double agent?

JUGS: Yes. Pero opinyon lang yun ha? Yung desisyon is nasa inyo pa ring mag-asawa.

KARYLLE: Oo naman. Sige, salamat Jugs!

VICE: Pasensya na sa abala!

KARYLLE: (puts away her phone) So, ano na yung decision natin, Love?

Vengeance (ViceRylle story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon