Separation

810 42 4
                                    

Kinabukasan, ginising na ni Vhong sila Billy at Vice para sabay-sabay silang mag-agahan. Pagkatapos kumain ay nagmamadali sila Billy at Vhong dahil may kani-kanya pa silang misyon.

VICE: Saan misyon mo ngayon?

VHONG: Mga two weeks ako sa Cebu. Kasama ko si Agent Eruption.

VICE: Ikaw, Agent W33? Saan ka?

BILLY: Ako sa Laguna. I'll meet the field agent there and I'll have the case solved in three days.

VICE: Ah... Pasalubong nalang ha?

VHONG: Sige!

BILLY: Maglinis ka ha? Walis walis din pag may time.

VICE: Oo! Nagbago na 'to 'no.

VHONG: Sus! Maniwala!

BILLY: Mukhang ang misis mo palagi ang nagtatrabaho sa inyo eh.

VICE: Hindi ah.

BILLY: Baka nga pala madaan ako sa Tagaytay. Baka may iuutos ka sa inyo.

VICE: Ahm... Wala naman.

VHONG: Sige, brad. Una na kami ni W33.


Makalipas ang ilang oras, nasa byahe pa rin si Billy. Kasalukuyan nyang binabaybay ang isang main road sa Tagaytay nang makita nya ang isang batang babae na umiiyak sa labas ng isang abandonadong warehouse.


Bumaba si Billy ng sasakyan nya at agad na pinuntahan ang bata. Nang makita nya ito ng mas malapitan ay napagtanto nyang si Alice pala ito.

BILLY: Alice?

ALICE: Tito Billy! (hugs Billy)

BILLY: What are you doing here?


Hindi na nakakuha pa ng sagot si Billy mula sa bata kaya inakay na lamang nya ito at napagpasyahan na ihatid ito sa bahay.


Si Karylle naman ay halos mabaliw na dahil kagabi pa sya tumatawag kay Vice ngunit hindi ito sumasagot. At mas lalo syang nangamba nang makita ang cellphone ni Vice sa ilalim ng kanilang kama.

KARYLLE: Sh%t naman! Viceral, nasaan na yung mga bata?


Nabuhayan sya ng dugo nang marinig ang katok sa kanilang pintuan. Dali-dali syang bumaba at binuksan ang pinto. Si Billy at si Alice.

KARYLLE: Alice! (hugs Alice)

BILLY: Agent K14, I found her outside an abandoned warehouse. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero baka sa'yo, mag-open up yung bata.

KARYLLE: Thanks for bringing her home, Agent W33.

BILLY: Welcome. Ayun lang. Hinatid ko lang si Alice. Mauuna na ako.

KARYLLE: Thank you ulit. Ingat!


Umiiyak pa rin si Alice at mahigpit na yumakap kay Karylle. Pilit na kinakausap ni Karylle si Alice dahil nais nyang malaman kung ano ang nangyari pero hindi ito sumasagot. Dahil doon, napagdesisyunan ni Karylle na papuntahin si Anne sa mansyon. Alam nya na makakatulong si Anne sa kanya ngayon.

ANNE: Why did you call me? May problema ba?

KARYLLE: Hindi sumasagot si Alice pag kinakausap ko. I don't know what I should do.

Vengeance (ViceRylle story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon