Spy

548 32 8
                                    

CHACO: Agent Jugs, may update na ba with Agent W33?
JUGS: Yes Ma'am. He just finished setting up and the subject will be in the location any minute now.
CHACO: Okay. Agent X44?
VHONG: Ma'am bakit po?
CHACO: How's your mission with Agent M16?
VHONG: Negative Ma'am. Nagpunta po kami sa last recorded location ni Agent V22 which is an abandoned hospital. No signs of him po.  

Pagkalabas ni Agent Chaco mula sa opisina nila Agent Jugs, lumapit si Vhong kay Jugs at naupo sa tabi nito.
VHONG: (whispers) May balita ka na kayla Agent V22?
JUGS: (iling) I tried everything pero wala talaga. Niresearch ko na lahat, tinawagan ko na yung lahat ng connection natin sa kanila, wala pa din. Pati yung CCTV footages, wala akong makitang signs nila.
VHONG: Wala ba talaga sila sa bahay nila?
JUGS: Wala. I secretly asked one of the field agents there pero wala daw tao doon. Ilang araw na rin daw. Pero yung mga kotse nila, nandoon. Kumpleto pa.
VHONG: Alam kong wala silang kasalanang dalawa. They're the last ones I know who will commit treachery.
JUGS: Sang-ayon ako dyan. Pero bakit kailangan nila magtago?
VHONG: Baka pinoprotektahan lang nila ang sarili nila. At alam kong may mas magandang plano yung dalawang iyon.
JUGS: Ha?
VHONG: Power Duo ng agency natin sila Agent V22 at Agent K14. Hahayaan lang nilang maging negative ang image nila pero once na maayos na nila ang lahat, lilinisin na rin nila ang pangalan nila.
JUGS: Pero gaano tayo kasigurado kay Agent V22? What if patay na sya? Nawala nalang bigla yung radar nya dito sa tracker natin.
VHONG: (iling) Buhay pa sya.
JUGS: Ha? Paano?

>>>FLASHBACK<<<
Sa ilalim ng malaking puno ng mangga ipinarada ni Vhong ang kanyang kotse. Kasabay na rin nyang bumaba ang baguhang agent na si Mariel.
MARIEL: Ganito ba ang lahat ng location ng mga missions nyo? Nakakatakot.
VHONG: May mas malala pa dito.
MARIEL: Talaga? Hala! Dapat ko na pala sanayin yung sarili ko baka sa susunod o yung unang solo mission ko, mas nakakatakot na lugar.
VHONG: Oo. Pero sa ngayon, libutin mo muna yung paligid. Ako na muna ang papasok sa loob.
MARIEL: Iiwan mo ko dito sa labas? Agent X44 naman.
VHONG: Agent M16, follow my orders. Tandaan mo ako ang mag-eevaluate sayo kung pwede ka na bigyan ng solo mission.

Sumunod na si Mariel sa utos ni Vhong at chineck nya ang paligid ng abandonadong ospital. Si Vhong ay pumasok na sa loob.
VHONG: (whispers) Vice! Vice! Si Vhong to.

Sinilip ni Vhong ang mga kwarto upang tignan kung naroon si Vice. Pagdating nya sa operating room, nakita nya ang madugong surgical table at ang mga nagkalat na surgical tools. Napansin nya ang dalawang tools, ang scalpel at forceps, na nakapatong sa gilid ng surgical table. Sa tray sa gilid ng table nakita nya ang pira-pirasong microchip at puting shirt na namantsahan na rin ng dugo.
MARIEL: (through phone) Agent X44, wala akong nakita dito sa labas. Papasok na ako dyan para matulungan kita.
VHONG: Sige... ano... Sa pintuan ka sa harap dumaan. Pagkatapos noon, umakyat ka sa hagdan sa kaliwa ng emergency room.
MARIEL: (through phone) Copy. Over.

Gamit ang nakita nyang puting damit, nilinis ni Vhong ang mga kagamitan sa surgical room. Ang durog na microchip ay inilagay nya sa tube container at itinago sa kanyang bulsa. Nang makitang maayos na ang paligid, tinawagan nya muli si Mariel.
VHONG: Agent M16, nasaan ka na?
MARIEL: Nandito sa second floor. Hinahanap kita. Nasaan ka?
VHONG: Saan ka ba umakyat?
MARIEL: Sa hagdan sa kaliwa ng emergency room.
VHONG: Ha? Doon sa hagdan sa kaliwa ng delivery room.
MARIEL: Ay! Nagkamali pala ako ng rinig. Sorry Agent X44.
VHONG: Okay lang. Pero may nakita ka ba dyan? Any signs of Agent V22?
MARIEL: Negative.
VHONG: Sige. Kita nalang tayo dito. Over.
>>>END OF FLASHBACK<<<

JUGS: Wow.
VHONG: Wag ka nalang maingay. Sa'yo ko lang nakwento.
JUGS: Your secret is safe with me.
.
.
.
.
.
Kasalukuyang nasa tapat ng meeting place sila Vice at Karylle habang sila Anne at Bob naman ay naiwan sa pansamantalang tinutuluyan nila upang aralin ang iba pang evidences at information na nakalap nila.
VICE: Ito yung nasa address na binigay sa inyo di ba?
KARYLLE: (nods) Parang wala namang gaanong dapat ikabahala sa bahay na to Unless this one's like our mansion.
VICE: I bet it is. With a group like that, duda akong simpleng bahay lang ang meeting place na yan.
KARYLLE: Let's have a look around. Mas mabuti kung alam natin kung ilang exit ang meron sa buong bahay.
VICE: Sige.
.
.
.
.
.
SCIENTIST: Boss, can I have a word with you?
BOSS: Go ahead.
SCIENTIST: After so many attempts, trial and errors, and testings, I'm pleased to inform you that we've finally made the perfect formula.
BOSS: Well done. So can we now proceed with injecting it to the kids?
SCIENTIST: Ahm... About that boss
BOSS: Ano na naman?
SCIENTIST: Pwede po bang yung batang babae nalang muna ang turukan natin?
BOSS: Bakit? Anong problema doon sa batang lalaki?
SCIENTIST: Iyak po nang iyak. Nakakaawa po.
BOSS: Nakakaawa? Psh... Bata lang yan. Gawin mo yang trabaho mo kung ayaw mong ikaw ang gawin kong test subject.
DOUBLE AGENT: Woah! Kalma lang.
BOSS: What do you want?
DOUBLE AGENT: Is that how you treat someone who helps you?
BOSS: Pasensya na. Mainit lang ang ulo ko. Bakit ka napadalaw?
DOUBLE AGENT: Agent V22 is not dead. He's still alive and he's probably plotting a plan against you. Beware.
BOSS: Whatever plan they have, kayang kaya namin sila.
DOUBLE AGENT: If you say so. Basta be extra careful. They're also under our agency's watchlist. Pag may balita na ako, sasabihan kita agad.
BOSS: Thanks.
DOUBLE AGENT: By the way, when's our big day?
BOSS: Maybe next week. I have to attend the "screening" of new recruits this Saturday. Want to join?
DOUBLE AGENT: (iling) I'll pass. Marami akong trabaho.
BOSS: Okay. Soothe yourself.

Umalis na ang scientist sa office ng boss at nagtungo na sa laboratory. Bago sya pumasok, sinilip nya ang dalawang bata sa kwarto.
BATANG LALAKI: (crying) Ate Alena, di pa po ba tayo aalis dito? Natatakot na po ako. Baka po hinahanap na ako sa amin.
ALENA: Wag ka na umiyak. (yakap sa bata) Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo. May magliligtas sa atin... Sigurado akong ililigtas tayo ng mommy at daddy ko.
.
.
.
.
.
Nakita na nila Vice ang buong paikot ng lote ng bahay. Habang abala sila sa pag-uusap tungkol dito, hindi nila napansing mayroon din palang nagmamatiyag at nanonood sa kanila kanina pa.
UNKNOWN MAN: What you see isn't exactly what you're seeing.




------------------------------------
A/N: Sino yung unknown man at yung batang lalaki? Sino yung double agent? We're close to finishing this story! 😁 I want to know what you think. Please do leave a comment or tweet me. I'm open for suggestions too! Thanks

Vengeance (ViceRylle story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon