Cornered

482 17 7
                                    

Nang makabalik ang mga "men in black" sa headquarters, agad na nagtungo sa kinaroroonan ni Vice. Nagising lamang ito nang tapikin sya ng isang lalaki.

VICE: (groans)

Sinubukan nyang makawala ngunit hindi nya magawa dahil nakatali ang dalawa nyang kamay sa dingding. Tinignan nya ang kanyang paligid at nakita nya ang mga gamit nya na nakapatong sa mesa. Napansin din nyang basa ang kanyang damit.

BOSS: Good to finally see you in person, Agent V22. It's so nice of you to come and visit us.

VICE: Let me go.

BOSS: Kakakita palang natin, gusto mo nang umalis? That's rude.

VICE: Hindi ikaw ang sadya ko dito. I want to see my daughter. Kukuhanin ko na sya sa inyo.

BOSS: Ahm... No. Kailangan pa namin sya.

Umalis ang mga lalaki at naiwan si Vice na nakatali doon. Sinusubukan pa rin nyang kalasin ang tali ngunit talagang hindi nya kaya.

Maya-maya pa ay nakarating na si Karylle sa kinaroroonan ni Vice. Agad nya itong nilapitan at ginising.

KARYLLE: Vice...

VICE: Karylle...

KARYLLE: (hugs) Vice! Anong nangyari?

VICE: Sinubukan kong magpunta para makuha agad si Alena... pero nahuli nila ako.

>>>FLASHBACK<<<

VICE: Agent B10, just wait for K14 and A21. Mauuna na ako. I have a feeling na may hindi magandang mangyayari.

Sakay ng kanyang motorsiklo, nagtungo si Vice sa Biak-Na-Bato National Park. Nagpanggap syang turista para hindi sya mahalata. Ngunit pagdating nya sa parte ng park na malapit na sa kweba, sa mapunong lugar na sya dumaan. Doon na rin sya nagpalit ng damit.

Nilusong ni Vice ang malalim na tubig sa loob ng kweba. Successful naman siya at narating ang isang entrance nito. Nang makapasok sya, tahimik niyang nilakad ang isang hallway. Nagkataon din na may isang lalaking nakaitim na naglalakad ilang metro sa harapan nya. Nakita nyang natabig nito ang isang container na may lamang tubig. Papasok sana sya sa isang kwarto roon ngunit huli na ang lahat. Kinuha ng lalaki ang isang electrical wire at hinulog sa basang sahig na naging dahilan ng pagbagsak ni Vice. Nakuryente si Vice hanggang sa nawalan na siya ng malay.

>>>END of FLASHBACK<<<

Tinulungan ni Karylle na makawala si Vice at sabay na silang nagtungo papunta sa kinaroroonan nila Alena. Kataka-taka namang tahimik sa lahat ng dinaraanan nila hanggang sa may nagpaputok ng baril patungo sa direksyon nila. Sabay na nagtago ang mag-asawa at kumuha ng mga baril. Doon nila napagtanto na nakaabang na pala sa kanila ang mga miyembro ng grupo.

Nagtago sila sa likod ng isang malaking file cabinet. Sinilip nila muli ang mga kalaban. Masyadong marami ang mga nakaabang sa kanila kaya binalak nilang bumalik na lamang ngunit huli na ang lahat. May mga dumating na rin mula sa kinaroonan nila.

Parang saglit na huminto ang orasan. Mga matang nakatitig. Mga baril na nakatutok mula sa iba't ibang direksyon na tila ba naghihintay lang ng isang maliit na kilos at saka biglang magpapaputok.

Nagkatinginan ang mag-asawa at sa isang iglap, tumalon ang isang paa ni Karylle sa magkakapit na mga kamay ni Vice at saka sya tinulak nito paangat sa bukas na dingding. Agad na yumuko si Vice at pinaputukan ng baril ang mga kalaban sa kanyang likuran. Tumakbo sya at sinalubong ang mga kalaban na nakaabang. Si Karylle ay bumabaril din mula sa itaas. Nang maubos ang mga kalaban sa side nya, tumakbo nang mabilis si Vice at saka tumalon sa file cabinet paakyat sa kinaroroonan ni Karylle.

Sa ceiling dumaan ang mag-asawang agents para maiwasan ang mga kalaban na maaaring nakaabang sa kanila sa iba't ibang bahagi ng headquarters. Bumaba sila sa isang area kung saan wala silang nakitang tao. Isa itong laboratory. Sari-saring mga equipments ang nakita nila doon. May mga tubes din ng unknown samples silang nakita kaya kinuha rin nila ito para masuri. Tinignan ni Vice ang isang tube doon na iba ang kulay.

VICE: This is the one in the video!

KARYLLE: What video?

VICE: Yung nakuha nating video file from Ramoncito's computer.

KARYLLE: Ah! The teal-colored solution.

VICE: Look! These are the missing project proposals from the Agency.

KARYLLE: Let's take all these. Saka na natin icheck isa-isa. We got no time.

ANNE: Agent K14, can you hear me?

KARYLLE: Yes.

ANNE: How's everything going on there?

KARYLLE: I found Agent V22. He's with me. We encountered a couple of the members of the group.

ANNE: He's with you now? Good. You have to go.

KARYLLE: Why? We have to get the Boss.

ANNE: No. You really have to go now. Hindi lang ang Triumvirate ang kalaban natin ngayon. Everyone is fleeing the place now.

Naguluhan si Karylle sa instructions ni Anne kaya binalak nitong tanungin kung sino pa ang tinutukoy nyang kalaban nang may marinig sila mula sa di kalayuan.

"All agents in the unit, disperse! Find our targets. ASAP."












--------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Short update lang muna. Pero I'll try to update atleast two chapters or finish the story during this holiday break. 

Sorry to keep you waiting. Nawalan ako ng drive ituloy 'to in the past couple of months. Pero I'm now back to my old groove and hopefully, magtuloy-tuloy na.

Leave a comment or message me or tweet me (vicerylleland). Pampagana lang haha.

Again, sorry and thanks for sticking around :) 

Vengeance (ViceRylle story)Where stories live. Discover now