Lure

403 20 11
                                    

Madilim ang kalangitan at malakas ang buhos ng ulan. Kalalapag lang ng chopper sa helipad at sinalubong sila ng angge ng ulan at malakas na hangin. Bumaba mula sa chopper ang anim na lalaking nakasuit at mask. Kasama ng dalawang lalaki ang isang batang babae na nakatakip ang mga mata.

ALENA: MOMMY! DADDY!

BOSS: Patahimikin nyo yan!

Gamit ang panyo ay binusalan ng lalaki ang bibig ng bata upang hindi na ito makagawa pa ng ingay. Pinauna na ng Boss pumasok ang mga kasamahan sa loob ng building habang sya naman ay sumilong lang at saka kinuha ang kanyang telepono.

BOSS: Are you done rummaging my headquarters?

DOUBLE AGENT: Hindi pa ako makaalis. Most of the agents are still here.

BOSS: Fine. Basta pumunta ka agad dito once na magkaroon ka ng opportunity to leave... You surely do not want to miss the action, double agent.

DOUBLE AGENT: I won't miss that. Gagawa lang ako ng excuse para makaalis na dito. V22 and K14 are probably going to chase after you.

BOSS: That's exactly what I want to happen kaya sinabihan ko na babaan ng kaunti ang lipad namin at gawing visible yung track namin. Para madali kaming makita ng mga kasamahan nila.

DOUBLE AGENT: Sige. Basta keep your eyes open. K14 is good at sneaking in and V22 is a master of disguise.

BOSS: I know. I know them more than you do, Double Agent. Remember that. Kilala ko na sila bago pa kita nakilala.

DOUBLE AGENT: I'm just giving you a heads up, Boss. You knew them before they became the "Power Duo" sa mga agents.

BOSS: Alam ko.... Wag mong kalimutan yung hinihingi ko sa'yo. Dapat pagbalik mo dito, dala mo na yun. See you later, Agent---

Naputol ang sasabihin ng Boss sa Double Agent dahil tumakbo palapit sa kanya ang isa nyang tauhan at bumulong sa kanya. Napa-smirk naman ang Boss dahil sa narinig.

BOSS: It's all going according to plan.









The Stallion Hotel and Casino

Pumasok na sila Anne at Karylle sa loob ng casino habang sila Bob ay naiwan sa labas. Sila Anne at Karylle ay kapwang nakasmart casual outfits, Anne is wearing a white shirt and suit at heels while Karylle is wearing a black dress.

Si Bob ay nakatambay sa sidewalk sa labas ng casino at nakikiblend in sa mga civilians na namamasyal doon. Si Jasmine ay nasa loob lamang ng kotse, nag-aabang lang ng tawag nila Anne at Karylle pag kailangan na nila umalis. Habang si Vice naman ay nagdisguise as a security personnel sa lobby.

GUARD: May expected guest ba tayo arriving with a chopper?

RECEPTIONIST: (scans records) Wala naman. Bakit?

GUARD: May nagland kasi sa helipad natin a few minutes ago. Nandoon pa rin daw hanggang ngayon.

RECEPTIONIST: Baka yan yung high profile guest natin. Yung codename lang ang iniiwan.

GUARD: Yung nakamaskara?

RECEPTIONIST: Oo.

GUARD: Ipapacheck ko pa rin.

Lumapit ang head of security sa katabi ni Vice at inutusan itong icheck ang chopper sa helipad. Mabilis nan i-notify ni Vice sila Anne tungkol dito.

KARYLLE: Okay, I'm on it.

Nakasabay ni Karylle sa elevator ang security personnel na inutusan ng head. Tinignan nya kung anong button ang pipindutin nito.

GUARD: (smiles) Good afternoon, Ma'am.

KARYLLE: Good afternoon.

GUARD: (looks back at the elevator buttons) Ma'am, saang floor po kayo?

KARYLLE: 18th.

Pinindot ng guwardiya ang 18th floor button pagkatapos ay tahimik lang sila sa buong elevator ride. Pagdating sa nasabing floor ay bumaba na si Karylle at saka nagtungo sa staircase at umakyat.

KARYLLE: I'm on the eighteenth floor now. I'm heading to the twentieth floor.

VICE: Okay, copy. I'm heading towards the security office to see footages from the CCTVs around the vicinity.

KARYLLE: Any updates with you, A21?

ANNE: I'm currently in one of the cafés here. I just saw three men walking towards the exit. They're wearing the same suit as the guys from the Triumvirate. Jas?

JASMINE: Nothing suspicious here in the parking lot... Wait, a black sedan just left its parking spot and a black SUV also left.

VICE: Yup, looks like the guys A21 were saying are headed towards those vehicles. And they're headed to the exit.

BOB: Focus na kayo dyan sa loob. Ako na'ng bahala sumunod dito.

VICE: Thanks B10. K14, updates?

KARYLLE: Nandito na ako sa taas.

Pinapanood lang ni Vice sa monitor ang kuha ng CCTV sa kinaroroonan ni Karylle. Ngunit pagtingin nya sa kabilang monitor, may nakita syang lalaking nakasuit din at may suot na mascara na kakaakyat lang ng hagdan at palabas na sa rooftop.

VICE: K14, a man is heading towards your way. Hide!



































BOSS: Ah! Look who it is! If it isn't the sneakiest agent there is... 









---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: As promised! :) Comment lang whatever you want or tweet me. Suggestions, feedbacks, and criticisms are all welcome.

Thank you!

Vengeance (ViceRylle story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon