Project Proposals

833 41 4
                                    

Nagmaneho na pabalik si Vice sa headquarters. Pinapanood nya ang mga naiwang kasamahan ni Agent C17 sa laboratory na gumagawa ngayon ng mga panibagong gadgets. Nilibang na lamang nya ang sarili sa panonood hanggang makita nya si Kim na pabalik-balik sa storage room.

VICE: Agent K45, need help?

KIM: Sige. Help me look for these folders.


Inabutan ni Kim si Vice ng isang piraso ng papel na may mga pangalan ng project proposals. Nagulat pa si Vice pagpasok sa storage room dahil malaki pala ito. Kung titignan kasi mula sa labas, mukha itong isang maliit na silid.


May malalaking computers sa bandang kaliwa ng silid. Sinlaki ito ng mga server computers. Sa kanang bahagi naman ay may mga mesa at upuan na katulad ng matatagpuan sa mga library. Sa gitna ng silid hanggang sa dulo matatagpuan ang malalaking bookshelves. Doon nakalagay ang mga project proposals na approved at rejected. Sa ikalawang palapag naman ng storage room matatagpuan ang lalagyan ng mga gadgets na naimbento ng mga agents. Ang ilan doon ay nagagamit pa at ang iba naman ay hindi na. Ang ilan naman doon ay mga modelo lamang.

VICE: Ang laki pala nitong storage room, Agent K45.

KIM: Oo. Kaya nakakahilo maghanap.

VICE: Teka... Di ba ako makakagalitan dahil pumasok ako dito?

KIM: Hindi. Kasama mo naman ako.

VICE: Sige... Ano nga pala 'tong mga hinahanap natin?

KIM: Project proposals yan na kasama doon sa mga nareject.

VICE: Imomodify mo?

KIM: Oo, balak ko sana. Kaya lang nawawala eh. Hindi ko maalala kung nadispose na yun or misplaced lang.


Nagsimula na maghanap si Vice sa mga shelves doon. At dahil first timer sya doon, kinuha na rin ang chance na yun para mabasa pa ang ibang proposals. Ang una nyang nabasa ay ang "Project Mask" na nagsasaad ng plano ng paggawa ng isang portable machine na makakapagprint ng 3D faces at ang mga mukhang iyon ay ang maskarang gagamitin ng agent para mas mapadali ang kanyang trabaho. May nabasa rin sya tungkol sa isang pill na makatutulong upang mas maimprove ang stamina ng agent. Ang isa nyang nabasa ay ang "Project Decipher". Tungkol ito sa contact lenses na magagamit ng agent sa pagdedecode ng mga secret codes, messages, and cryptograms.

VICE: Agent K45, di ba meron na tayo nitong contact lenses na tinutukoy dito sa Project Decipher?

KIM: Yes. Pero yung Project Decipher kasi ay rejected. Yung ginagamit natin ngayon is from "Project Decrypt". Modified na yun.


Nakarating na sya sa dulong shelf at tinignan nya rin ang mga project proposals doon. May isa syang nabasa na may title na "Project Upgrade". Isa itong proposal na rejected kasi based sa notes doon, failed ang experiment.


Umubos ng halos apat na oras sa paghahanap sila Kim at Vice ngunit nabigo silang makita ang lahat. Tatlo sa limang hinahanap na mga project proposals ang hindi nila nakita. Nilisan na nila ang silid at nagtungo si Kim sa laboratory para kausapin ang isa agent na may access sa storage room.

KIM: Agent R32, busy ka?

RYAN: Hindi naman, Agent K45. Bakit?

KIM: Kailan ka huling pumasok sa storage room?

Vengeance (ViceRylle story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon