The Group

741 35 5
                                    

Sa pag-aalala ni Karylle, kinuha nya kay Anne ang impormasyong kailangan nya para matunton ang kinaroroonan ni Romeo dahil alam nyang maaasahan nya ito para makahingi ng mga detalye sa posibleng kinaroroonan ni Alena.

ANNE: Wait! The marker disappeared!

KARYLLE: Huh?

ANNE: (on the phone) Hello?

VICE: (weak voice) He... Hello... V22... here.

KARYLLE: (inagaw ang phone from Anne) Hello? What happened? Okay ka lang? Where are you?


Napangiti na lang ng palihim si Anne nang marinig si Karylle. Kahit kasi magkaaway ang mag-asawa, hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ni Karylle kay Vice.

VICE: Okay... lang ako. Wag kang... mag-alala.

KARYLLE: Ano ba kasi ang nangyari?

VICE: I'm fine... Nothing to... worry about. Can I... talk to Agent... A21 please.

ANNE: Hello?

VICE: Can... you still... locate me?

ANNE: No. Ano bang nangyari sa'yo?

VICE: I'm in... a hospital. Abandoned... hospital. May surgical... tools dito. I... took out... the tracker.

ANNE: What???

VICE: Wag mo na... akong talakan. I'll be... fine.

ANNE: Pero ano na ang nararamdaman mo ngayon?

VICE: Nanghihina... malamang.

ANNE: Safe ba dyan sa lugar mo?

VICE: Yes... Bukas nalang... ako magsisimula.

*Call Ended*


KARYLLE: Nasaan daw sya?

ANNE: Sa ospital daw. Nagsariling sikap. Inoperahan yung sarili para maalis yung microchip.

KARYLLE: Is he okay?

ANNE: Okay lang yun. Magpahinga muna dapat sya before magstart sa misyon.


Bumalik na si Karylle sa kwarto at sinamahan sa pagtulog si Alice. Nang masigurong mahimbing na ang pagtulog ng bata ay kinuha nya ang kanyang phone at binasa ang mga nakalap na impormasyon tungkol kay Romeo.


Kinabukasan, maagang umalis si Vice sa lumang ospital dahil panigurado ay pupunta doon ang ibang agents mula sa headquarters dahil ang location mula kanyang tracker ay doon huling nakita. At para siguradong hindi sya matutunton, pinasabog nya ang kanyang kotse. Pinalabas na lamang nya na namatay sya sa pagsabog nito.


Pagdating nya sa siyudad, agad nyang pinuntahan ang kaibigan nyang mananahi upang makakuha ng panibagong damit. Binigyan sya nito ng casual clothes lang pero may mga secret pockets din dahil ang yari nito ay para sa mga agents din.

VICE: Please don't tell anyone that I was here.


Tinabi na muna nya sa kanyang bag ang suit na suot nya kanina. Pagkatapos noon, tumambay muna sya sa isang park doon dahil base sa kanyang research, doon nagkikita-kita ang mga taong hinahabol nya. Maya-maya pa ay nakita na nya ang mga ito. Walang interaksyon na naganap ngunit nagsenyasan ang mga ito.

Vengeance (ViceRylle story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon