Chapter 2: Emotionally hurt

198 14 0
                                    

Greg's POV

Nakaalis na nga pala si Gab kanina, nag insist ako na ihahatid ko na siya, but she insist too na siya nalang daw dahil may dala naman daw siyang sasakyan. Gusto ko lang naman siyang maihatid kasi, gusto kong makasiguro na safe siyang uuwi.

Crop that! Kailangan ko pa nga palang kausapin si Abbygail!

Andito siya sa may sala at nanunuod.

"Gail, can we talk?"

"We're already talking. What is it?"

Bakit ganito niya ako pakitunguan ngayon? Dati rati naman palagi siyang nakangiti at parang bata.

"I just want to talk about Gabby, and your reaction a while ago. "

"What about that?" parang walang alam na tanong niya habang nanunuod.

"What's with your reaction earlier? Diba nga gustong gusto mo noong maging kami ni Gab kasi you told me that we're perfect together. Bakit ganun kana lang magreact, di na ba ako bagay kay Gab?"

"Not really actually"

" Then explain. Did I do something para di ako bumagay sa kanya? May boyfriend na ba si Gab? May panget ba sakin? Tell me. I want to know para ma-improve ko at ma-impress ko si Gab." siya kasi yung laging nag a-advice sakin kung anong dapat gawin para makuha ko ang loob ni Gab.

" Pede bang sa ibang araw nalang natin pag usapan yan?"

"Ngayon na please. Libre kitang food for one week."

" I have my own allowance."

" Then, what about free food for a month tapos papakilala kita sa friend ko. Si Joshua, diba bet mo yun? Ano-"

"Napaka insensitive mo talaga nu! Di mo ba nakikita? Nasasaktan nako, kuya! Stop it please. " pagkatapos niyang sabihin yun, umalis na siya at umakyat sa kwarto niya.

Bigla akong naguluhan sa inasal niya. What's with her? Nasasaktan? Saan naman? Tsaka sa buong buhay ko di ako naging insensitive nu. Tsk, weird huh.

-----------

Gail's POV

Bakit ba di niya ako makita bilang ako? Bakit palaging si Gab nalang yung bukambibig niya. Ano bang meron kay Gab na wala ako?

Napaka-insensitive niya talaga. Di man lang makahalata. Manhid!

Nasasaktan ako! Nasasaktan ako at nagseselos sa bestfriend ko. Buti pa siya mahal ng Kuya ko.
Mahal na mahal ko ang kuya ko, hindi bilang kapatid pero bilang isang lalaki.

Bulag siya.

Mahirap ba talaga akong mahalin? Mabait naman ako , mapag aruga, mapagkakatiwalaan at higit sa lahat mapagmahal. Bakit ba pagdating sa pag ibig lagi akong sawi? Bakit pagdating sa pag ibig palagi akong zero?

"WAAAHHHH!! I HATE YOU!!" Hindi ko na alam ang gagawin ko. I really don't know what to do!

"Gail, okay kalang ba dyan? Bakit ka sumisigaw." si kuya

I clear out my throat.

"Im fine here kuya. I was just practicing for our play tomorrow."

"Okay. Are you sure you're fine there?"

"Yes kuya." pagkatapos kong sabihin yun may narinig akong footsteps na papaalis kaya alam kong wala na dun si kuya.

I want to drink.

Drink, until I die.

You are such an idiot, Abbygail! Idiot!

--------

Gab's POV

Andito ako ngayon sa club kasama ang lasing na si Gail! Tinext kasi ako ni Kuya Greg kanina eh, napansin niya sigurong bihis 'to kaya ako agad ang kinontak. Ano kayang problema nito?

"Gail , Tama nayan! Lasing kana o!"

"Wala kang pakialam! *hik* Ano bang alam *hik* mo ha? Wala kang alam kaya wag mokong *hik* pakialaman." kung di ko lang to kaibigan, baka iniwan ko na to, dito!

"Mag *hik* banyo *hik* lang ako. Wag kang mag-alala *hik* mag- iingat ako. :)"

"Kaya mo ba?"

"Oo naman! *hik* Ako pa! Kaya ko ngang magtiis e. Eto *hik* pa kaya." Kaya daw, eh pagewang gewang nga siya dun.

Ilang minuto pa ang lumipas at wala pa ring Gail na lumalabas sa banyo kaya sinundan ko na siya.

"Gail!"

Pagkabukas ko ng isang cubicle ay nabigla ako sa nakita ko!

"Anong ginagawa mo sa kaibigan ko?" bigla akong kinabahan.

Biglang humarap sakin yung lalaki at ..... at......

"WAAAAHHHH!--" Hindi ko na naituloy ang pagsigaw ko dahil parang hangin na lumapit sakin yung lalaking yun at tinakpan ang bibig ko. Pano niya nagawa yun?

"Sa susunod wag kang makikialam pag kumakain ako." napakalamig ng mga titig niya at para na niya akong pinatay sa titig palang na yun.

Palapit siya ng palapit sa leeg ko at nanginginig na ako sa takot. Kung sino-sino ng santo ang natawag ko para tulungan ako.

"GET LOST!" sa sobrang lakas ng pagkakasapak ng lalaking diko kilala sa lalaking kakainin ako ay tumalsik ito.

"Ano ba? Bat ba nangingialam kana naman prince? Pagkain ko sila. Madami pang iba dyan yun nalang sayo." hindi ko maintindihan kung ano bang pinag uusapan nila. Papatayin ba nila kami? Wag po. Ayaw ko pang mamatay.

"I said, get lost! Obey me or else I will show you hell." napatingin ako sa mga panga nyang nag iigtingan dahil sa pagpipigil ng galit at ang mga mata niyang kulay pula at tila nag aapoy.

"Okay okay! Chill kalang prince. Maswerte ka miss." Lumabas na siya at naiwan ako na nakatulala.

"Ayos ka lang ba?"

Hindi ako makapagsalita. I just stared at his beautiful blue eyes. Nalito ako. Kanina lang red yung mata niya ngayon naman blue at napakaamo na ng muka niya ngayon. Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lamang nagdilim ang aking paligid.

----------

Someone's POV

Bigla siyang nahimatay. Sa sobrang takot siguro.

Ilang beses pa ba akong hihingi ng tawad sa hindi pagdating sa tamang oras para iligtas ka? Gusto kong ito na ang huli kong paghingi ng tawad sayo Gab.

This is the first time na nakalapit ako sayo ng ganito kalapit Gabriella.

Wag kang mag alala Gab. Makikilala mo rin ako.😚

Mag papakilala din ako sayo.

This is not the right time.

---------
A/N

Whose that?

ABANGAN!

Keep reading , voting and please write your comment. Thanks😀

The Vampire SoulmateWhere stories live. Discover now