Chapter 20: Hesitation

15 1 0
                                    


Charlie's POV

Andito pa rin ako sa kwarto ni Gabriella, halos magdadalwang araw na siyang hindi bumabangon, sobrang pagod at sakit ang naidulot ko sa kanya.

Simula nung malaman kong siya na ang nakatakda para sakin, wala na akong ginawa kung hindi ang bantayan siya at gantihan ang mga manggugulo sa kanya. Hindi ko naman alam na kapag naging kami na, isa rin pala ako sa mga taong mananakit sa kanya.

I'm so stupid to let that happened. I'm so insensitive and careless. Dapat mas iningatan ko siya. Dapat mas naging focus ako sa kanya.

I'm so sorry Gabriella. Worth it pa ba ang paghawak sa mga kamay mo? I'm really sorry.

Hayaan mo, babawi ako sa mga pagkakamali ko, from now on, I will give you the full attention that you deserve para hindi kana masaktan pa.

Habang nakayuko ako at hawak ang kamay niya ay ramdam kong muli ang paggalaw at pagtibok ng mabilis ng puso niya. Her beat is like a music to my ear, it's so peaceful.

"Gabriella."

"Why are you here?" Don't be like this Gabriella, wag mokong panlamigan.

"I want to insure na magiging ayos ka lang."

"I'm fine. You can now leave." Inintay kong isipin niya na wag akong umalis, na mag-stay ako sa tabi niya. Pero bigo ako, she needs time to heal.

Ang panlalamig ba niyang ito ay nagpapahiwatig ng hindi niya pagtanggap sa pagkatao ko? Sino nga ba namang tatanggap sa kagaya kong bampira?

"Yes. Ahm. I should be leaving now. Babalik nalang ako bukas para bisitahin ka ulit."

"Iloveyou Gabriella." Umalis akong hindi tinignan ang mukha niya, ayokong makita ang mukha niyang kinasusuklaman ako. Babalik ako para magkaayos tayo. 4 na araw nalang ang nalalabi para satin. Pero alam kong kaya natin yun. Kaya natin.

Gab's POV

Nagising ako malamig na kamay na nakahawak sa kamay ko. Ito ba? Ito ba yung boyfriend ko? Bampira siya. Tama ang hinala ko. Simula nung nasugatan siya ng hindi malamang dahilan, naghinala na ako. Pagka-uwi ko palang ng araw na yun, nagdiretso kaagad ako sa kwarto para magsaliksik sa kung anong nakita ko.

Wala akong masyadong info na nakuha, pero isa lang ang nakaagaw ng attention ko. At yun ay isang kwento, may titulo yung Beast with Fangs.

Na-curious ako that time kaya binasa ko yun, Kwento yun tungkol sa mga bampira. Hindi ko alam kung fiction yun at bakit pati Vamps Ville na lugar dito mismo malapit samin ay nakasama sa isang novel prize na kwento.

Dun ko nabasa na ang mga bampira ay may pang-amoy na mas malakas kaysa sa mga ordinaryong tao, mas malakas din sila sa mga ito. May malalakas silang pandinig pagdating sa mga taong mahalaga sa kanila. Hindi rin sila nasusugatan. Kagaya ng bida doon na si Morese, hindi siya nasusugatan basta basta, maliban nalang kung matilos na kahoy ang makakasakit sa kanila. Hindi ko alam kung bakit gusto ko pang ituloy ang kwentong binabasa ko dahil parang totoo talaga ang lahat ng naroon. Nabanggit din doon ang malalamig at mapuputi nilang balat. Ganoon na rin ang hindi nila paghinga dahil ang mga puso nila'y nababalutan na ng metal.

Habang binabasa ko yun ay naaalala ko si Charlie, pero naisip ko noon na baka nagkakamali lang ako.

Pero ngayon ay mukhang tama ang hinal ko. Tama ako.

"I am a vampire, Gabriella."

"I am a vampire, Gabriella."

"I am a vampire, Gabriella."

The Vampire SoulmateWhere stories live. Discover now