Chapter 18: Marry Me😊

72 4 0
                                    

Gabriella's POV

Bati na kami ni love ko. Parang bata lang nu? Sensya naman, inlove lang.

"Love , can I ask you a question?"

"Ano yun?"

"What if may mga bagay ka pang di alam sakin? What if natatakot lang akong magsabi sayo? Anong gagawin mo?"

"Love , bakit di mo nalang sabihin sakin yung mga bagay na di ko alam sayo? Maiintindihan ko naman yun e. Basta magsabi ka lang ng totoo." 

*tssshhhh*

Nagulat ako sa isang bagay na mabilis tumama sa kamay ni Charlie.

"LOVE! Okay ka lang ba? Ano ba yun? Dumudugo ang kamay mo. Akin na , ga-"

Bigla akong napatigil.

Nag-isip.

Nagtaka.

Naguguluhan.

Totoo ba ang nakikita ko?

Namamalikmata lang ba ako?

Napatingin ako sa kanya.

"O..kay ka lang pala e."

Binitawan ko na ang kamay niya at niyakag na siya paalis doon.

----------
Charlie's POV

Alam kong nagtataka na siya. Kaya lang di pa panahon para malaman niya.

Natatakot din ako.

Natatakot ako na baka pag sinabi ko, layuan niya ako.

Pero sabi nila na kapag mahal ka, mahal ka. Kahit ano ka pa. Di kana paghahanapan pa. Pag mahal ka di nakakakita ng mali sayo dahil nakikita ka nila bilang isang perpektong tao para sa kanila.

Di ko pa masabi sa lahat , dahil may mga panganib na nakaabang sakin at samin pag nalaman ng kalaban na nahanap ko na siya.

Hindi ko hahayaang mangyari yun.

Ayoko ding mapahamak siya.

Pero hindi ko maitatanging nagsisinungaling na ko sa kanya.

Di ko maamin.

Naduduwag ako.

--------------
Luke's POV

Hi guys. Miss nyo ba ako?

Well, ang galing ko talaga. Hahayaan kong si Gabriella na mismo ang lumayo sa kanya.

Pag nalaman ni Gabriella ang totoo. Sigurado ako na, mawawasak sila at magtatagumpay ako.

Hahahahaha *evil laugh*

Ang kahinaan mo ang magpapabagsak sayo Prince.

Humanda ka!

---------
Charlie's POV

Andito ako kina Gab ngayon, andito ako sa may gate.

Nag aalinlangan pa din ako kung papasok ba ako o hindi.

Naramdaman ko ang isang presensiya.

Si Gab.

"Gab."

"Charlie? Anong ginagawa mo dito?"

"We need to talk."

"Talk about what?" Ito na talaga.

"Yung nakita mo kahapon. Kasi ganito yun .. Ano kasi e?" Hindi ko talaga masabi ng ayos. Alam mo na .. baka kasi layuan na niya ako ng tuluyan.

The Vampire SoulmateWhere stories live. Discover now