Chapter 13: Paranoid

104 4 2
                                    

Gabriella's POV

Nandito ako ngayon sa school kasama si Charlie. Hindi pa rin kasi ako mapakali sa naiisip ko nung isang araw. Naguguluhan pa rin ako ngayon.

*inhale* *exhale* *inhale* *exhale*



"What are you doing?"


"Ha? Wala ah. Nagrerelax lang ako." Nakalimutan kong katabi ko nga lang pala si Charlie.


Tumango nalang siya at ginawa na yung assignmant namin sa philosophy.

May lumapit naman na babae kay Charlie at napatigil ako sa pagrerelax ko at nakinig sa usapan nila.


"Hi Charlie!" Si Yanna. Ang landi niya talaga! Grrr!


"Hello." nagpatuloy lang siya sa paggagawa ng assignment naming dalawa. Nag insist kasi siya na siya na ang gagawa nun para sakin. Sweet diba?


"Bakit dalawa ang ginagawa mong assignment?" Tanong ni Yanna.


"Ah kay Gabby isa nito." Napaka honest naman nito. Lagot na naman ako nito.

Napatingin naman sakin si Yanna at inirapan ako.


"Grabe! Dami talagang MANGAGAMIT ngayon nu?" habang sinasabi niya yung MAGAGAMIT! nakatingin siya sakin. Pinapatamaan niya ba ako? Nakakainis na ha. Kasalanan ko bang nag-insist si Charlie na gawin na rin yung assignment ko.


Hinawakan naman ni Charlie ang kamay ko at parang pinipigilan akong awayin si Yanna. Tumingin siya sa akin at parang nagsusumamo na pigilan ko ang pagkainis ko.

"It's not your fault. I insist of doing this. Don't mind them. " Why are you so kind Charlie? 

"sigh."

"Let me handle it."

"Yanna, Nahihili ka ba kasi wala kang boyfriend na gumagawa ng assignment mo? Can you please get lost? I'm being nice here so please, Get.lost." Pagtataboy ni Charlie kay Yanna. Her face is epic. Charlie is such a nice guy.

Padabog naman na umalis si Yanna at nagdiretso na sa kinauupuan niya.


Buti nga sayo!


"Hayaan mo nalang yun wag mo nalang natin siyang pansinin."  na-appreciate ko yun pero dapat talaga ako ang gumagawa nun. Kaya ko naman e.


Pano nalang ang sasabihin ng iba sasabihin nila asa nalang ako.


"Okay. Akin na yung notebook ko ako nalang gagawa ng assignment ko." Sabi ko


"Hindi ako nalang. I insist." Tigas naman ng ulo nito e.


"Ako na. Please, kaya ko naman e. Tsaka ayoko na maging pabigat."

"Sino namang nagsabi na pabigat ka? Gabby, listen hindi ka pabigat nu. Gusto ko lang talaga na gawin tong mga bagay na to sayo kasi ayoko na mapagod ka. Kahit ako nalang ang mahirapan wag lang ikaw, okay? I'm fine doing this Gabby. Don't worry" hays.

"Napaparanoid na naman ako. " Kung ano ano nalang naiisip ko.

"Don't cry. Mas maganda ka kapag nakangiti ka." Bakit ka ganito sakin?


"*sigh* okay. Salamat😀"

Kelan kaya nya ako tatanungin kong kelan niya ako pwede maging girlfriend. Hindi naman sa nagmamadali ako, pero kasi alam kung madami ang kayang umagaw sa kanya mula sakin ayaw ko ng kaagaw. Gusto ko ang akin ay akin. Gusto ko sa pagmamahal ng taong mahal ko ako lang at wala nang iba maliban na nga lang sa parents niya at kay God. Selfish na kung selfish pero nagmamahal lang ako. Ayaw ko ng mawala pa siya sakin. I think I'm inlove. I'm Inlove with him. Di ko alam kung kelan ko narealize na mahal ko siya, basta ang alam ko at nararamdaman ko yun.

-----------

Charlie's POV

Narinig ko lahat ng sinasabi niya at napapangiti nalang ako sa mga sinasabi niya, well gusto ko romantic yung place at ayokong magmadali gusto ko yung romantic at may feelings.

Im a prince. So, I should be treating her as a princess.

Kinikilig tuloy ako. Pero hanggang ngiti muna ako ayokong ipahalata na alam ko na yung mga sinasabi niya sa isip niya. Kelangan ko 'tong dahan dahanin. I'm  really inlove with her too. 

---------

Someone's POV

I'm not gonna let it happen! I don't want to see Charlie with her! I can't believe this is happening.

Dahil 'to sa mga inutil kong tauhan na walang ginawa kundi maging palpak!

Bakit kasi may mga rules pa. Ako ang nakatakda sa kanya at hindi ang isang katulad niya lang!


Matalino ako! Kaya kung lasunin ang utak niya para ako ang makita niya at ako lang ang makita niyang nag iisang nagmamahal sa kanya.


Ako lang at AKO LANG! Ang nagmamahal at mamahalin niya! AKIN SIYA! AKIN!



"Alam mo walang mangyayari kung andyan ka lang. Kung kumikilos kana kaya. Kung ako sayo gagawa na kaagad ako ng paraan para makuha ang gusto mo."

"Wag ka ngang nakikialam! Buhay ko 'to at kilalanin mo kausap mo. Pakialaman mo nalang ang buhay mo. " bwisit talaga to masyadong pakialamero.


"Im just saying dear! It's just an opinion, sweetie!"

"Can you please crop that 'sweetie' thing? It's disgusting!"

" Okay okay! Chillax ka lang. Aalis na nga ako. Baka kasi maunahan pa kita e." nakakita ako ng lamp shade at ibinato sa kanya pero nakailag siya.

"Why are so blind sweetie?" Grrrr!

Ang dami talagang bwisit sa buhay ko at isa na yung taong tinutukoy ko kanina.


Gagawa ako ng makakasira sa inyong dalawa at pag nagkataon  sakin ka babagsak! Dahil akin ka lang at ako lang may karapatang mahalin ka.


Babagsak ka rin sa mga kamay ko. Maghintay ka lang. *smirk*

---------
A/N

Sino kaya siya. Kakatakot!😨😨😨 Hahah😂 .

Pasensiya na kayo kong maikli siya ha pag ako'y sinipag e magagawa ako ng continuation.😊

At dahil birthday ko ngayon , update ako ng maaga😊. Salamat

Goals

Read: 40

Comment: kahit ilan

Vote: 3

Salamat😊 MUSICANIMOUS

The Vampire SoulmateWhere stories live. Discover now