Chapter 19: The truth

36 1 0
                                    

Third Person PoV

" Will you marry me Gabriella?"

Hindi ma-absorb ni Gabriella ang mga sinabing salita ni Charlie. She was speechless. Natulala lamang siya.

" Hey Gabriella. Are you with me?" Nahalata naman agad ni Charlie ang mga luhang tumulo mula sa mga mata ng kanyang sinisinta.

"Why are you crying?"
"I want to be with you every single minute, days and months and even in lifetime Gabriella. Please, I love you so much that I can't and I don't want you to cry like this. I know I made mistake but that mistake meant to be correct. Kayang kaya kong magbago para sayo Gabriella. Can you stay by my side even in my darkest moment? I love to see you smile Gabriella. Will you marry me Gabriella? "

Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ni Gab sa mga sinabing yon ni Charlie. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman at hindi niya malaman kung tatanggapin niya ba o hindi ang alok ng kanyang sinisinta.

Mabilis na tumayo si Gab sa pagkakaupo at tinalikuran si Charlie.

" Paano ako magpapakasal sa taong hindi ko lubos na kilala? Paano ako magpapakasal sa isang tao o tao nga ba?" Ani Gab

Napahinto naman sa paglapit si Charlie kay Gabriella.

" Hindi pa kita lubos na kilala. Sige, ipaliwanag mo sakin kung panong yung sugat na natamo mo noong nakaraan ay basta nalang gumaling ng walang sabi sabi. Ipaliwanag mo yung sobrang lamig mong katawan at yang hindi mo paghinga habang tulog ka. Ipaliwanag mo sakin kung bakit kayo naghahalikan ng Sara na yun? Ipaliwanag mo lahat! Gulong gulo nako Charlie! Oo mahal na mahal kita. Pero alam mo din bang sobrang sakit na? Halos di nako makahinga."

Hindi alam ni Charlie kung anong sasabihin. Alam niyang lubos niyang nasaktan ang dalaga dahil na rin sa pagsisinungaling niya. 

" Hindi ko alam kung ang sagot mong yan ay nangangahulugang ayaw mong pakasal sakin. Pero umaasa ako na sana maisip mo na mahal na mahal kita at yung mga nakita mo ay may dahilan. Lahat yun may dahilan na hindi ko pa kayang sabihin sa mga oras na to. Patawad Gab." Ani ni Charlie

" Leave! I don't wanna see you anymore Charlie. Hindi ko kayang pakasal sa taong wala namang tiwala sakin. You can leave now."

Tumitig na lamang ang dalaga sa mga mata ng minahal niya na tila na nangungusap ang mga mata.

"Do you really want to know the truth Gabriella? Handa ka bang malaman ang katotohanan sa pagkatao ko?" Gusto na ring maging totoo ni Charlie kay Gab kaya ngayon ay inihahanda na niya ang sarili niya sa pwedeng maging reaksyon ni Gabriella.


"Yes." 

"I am a vampire, Gabriella." Hindi naman alam ni Gabriella kung saan kukuha ng lakas sa narinig niya. 

"Are you serious?" 

"Yes." after that confrontation, nawalan ng malay si Gabriella.

_________

Charlie's POV

I don't know if I will be glad or sad. Gabriella already knows the truth about me. She's still unconcious dahil siguro sa pagod at hindi niya pagkain. Sabi ng mommy niya ilang araw na raw nagmumukmok at hindi makausap si Gabriella.

Hindi na rin siguro ma-absorb ng utak niya yung nalaman niya tungkol sa pagkatao ko. Hindi na naman ako magtatakang ganun nalang ang naging reaksyon niya. 

Andito pa rin ako sa kwarto nya at hinihintay na magkamalay siya, kailangan niyang malaman lahat. Lalo na't kaunting oras nalang ang natitira sakin para manatiling siya ang nakatakda para sakin. 


"Charlie hijo, okay ka lang ba dito? Bababa muna ako at kukuha ako ng pagkain para sa inyo ni Gabriella. Bantayan mo siya ha."

"Opo tita. Ako na ang bahala sa kanya." bago tuluyang lumabas si tita ay hinawakan niya ako sa balikat.

"Ingatan mo ang anak hijo, ayoko ng mauulit pa 'to. Dahil sa susunod, hindi mo na makikita pa ang anak ko. Mark my word hijo. Mabuti kang bata at alam ko yun, kaya mahalin mo ng maayos ang anak ko." pagkasabi niya noon ay tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.

Hindi ko naman talaga intensyon na saktan si Gabriella, meron lang talaga mga taong, sumasabotahe saming dalwa kaya palagi ko siyang nasasaktan. Wag kang mag-alala Gabriella, hindi hindi na ko papayag na masaktan ka ulit ng dahil sakin. I won't let that happen again.


Someone's PoV

" Nakita na po namin ang anak nyo, master."

"Magaling! Gusto kong dalhin nyo sakin ang anak ko sa lalong madaling panahon. Siguraduhin nyong malinis ang gagawin nyong ito. Ayokong malaman ng kalaban na nagbabalik na ako. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes master." Pagkatapos niyang sabihin yun ay yumukod siya bilang paggalang.

Malapit na anak. Magkakasama na ulit tayo mahal ko. Namiss kita anak ko. Hinding hindi na ulit kita iiwan anak ko. Wala ng makakapanakit pa sayo. Andito nako. Ibibigay ko ang nararapat sayo anak ko.
--------
A/N

Sorry readers sa napakatagal na pag iintay sa pag update ko. Pasensiya na. Labyuuu guys. :*

Goals
Reads -60
Vote -4
Comment -2

Thank you. :*

The Vampire SoulmateWhere stories live. Discover now