Chapter 6: Plan

104 7 0
                                    

Gab's POV

Ilang araw na din ang nakakalipas
nung kami nalang dalawa ni Charlie ang magkasama palagi. Umalis kasi si Gail kasama ang parents niya, pupunta daw sila sa probinsya nila dun sa mga lola nila.

Nakakamiss na nga siya eh.😞


"Ah Gab, okay ka lang ba?" nakalimutan kong kasama ko nga pala si Charlie, dahil na rin sa ilang weeks na kaming laging magkasama,  naging komportable na din akong kasama siya.


"Oo naman.😊 I just miss Gail.  Matagal na din kasi simula nung umalis sila."


Para namang nagliwanag ang mukha ni Charlie.


"Alam ko na, para hindi muna masyadong mamiss ng husto si Gail." Ano kaya yun?


"Ops! Wag ka ng magtanong. It's a surprise😀" Oh kay.


Agad agad naman niya akong hinila at sinakay sa kotse niya at piniringan pa niya ang mga mata ko.

"Teka, kelangan ba talaga to?" Tanong ko sa kanya.

"Sabi ng wag ka ng magtanong eh. Do you trust me?" 

"Yes. I trust you."

"Good then." 

------------------------

Charlie's POV

Dadalhin ko siya dun sa likod ng bahay namin, relaxing kasi dun at saka maganda ang tanawin.

Pero habang nagda-drive ako kanina, alam kong may nakasunod samin habang papunta kami dito.

Bumaba na kami at inalalayan ko si Gab, para di siya madapa.

Hindi ko muna din, tinanggal ang piring niya sa mata dahil alam kong malapit lang samin ang mga kalaban.


"Hindi paba, pwedeng tanggalin to?" Pano ba to?

"Can you wait a little longer Gab? May slight problem lang." 

"Okay." Shit! Bakit ngayon pa?


Agad agad kong hinanap ang mga sumusunod samin gamit ang Vampire speed ko.



Madalian ko lang silang nakita dahil sa mga amoy nila. Agad agad ko silang sinugod para matapos ng madalian to. Hindi ko hahayaang sirain nyo ang moment namin.


Baka magtaka na rin kasi Gab. Mabilis ko lang pinagbabali ang mga leeg nila. At pinagtatapon sila sa kung saan para hindi sila makita ni Gab. Nagtira ako ng isang kalaban para matanong.

"Sinong nagpadala sa inyo?" Tanong ko.

Hindi ito nagsalita. Mamaya ka sakin. Tinawagan ko si Sara para madala siya sa headquarters.

Pagkatapos kong matawagan si Sara ay dumiretso nako kay Gab.
Pero di ko inaasahang, may makakalusot sakin. May isang nakalapit kay Gab at plano nitong itulak ito sa bangin malapit sa kinatatayuan niya.


Pero agad naman akong nakalapit sa kanya at napatay siya. Sino na naman kayang may gawa nito?


Muntik na talaga yun! nakahinga rin. Diko alam ang gagawin kapag may nangyaring masama kay Gab.


"Charlie! Charlie! Anong nangyayari dyan? Anong nangyayari?!"
Grabe siya! Namiss agad ako.😊

Mabilisan ko lang inayos yung picnic box at yung panlatag.


The Vampire SoulmateWhere stories live. Discover now