Twenty Four

6.2K 157 13
                                    


#DealWithKadeFajardo

"So, nag-enjoy ka sa pangangabayo niyo ni Kade?" Nicolette asked. Bigla akong napailing! God! Kasi ibang pangangabayo ang pumasok sa utak ko. Si Kade kasi, e. Masiyadong dinudumihan ang utak ko. Aish.

And oh. Hindi si Kade ang kinabayo ko. Hindi nangyari 'yun. Kabayo as in. 'Yung literal. Don't think that naging cow girl at cow boy kami kanina sa kama. No.

"Yup and how's you and Jax? Still dating, eh?" pag-iiba ko kasi baka mabaliw lang ako sa pangangabayo thought na 'yan. She crossed her arms and she furrowed her brows.

"He don't want to date me, again. Actually, he's now avoiding me."

Uh... kawawa naman pala 'tong si Nicolette. Minsan na nga lang siya magseryoso at magkagusto sa lalaki, tinatanggihan pa siya. Akala ko naman hindi na 'dating' ang status nila. I thought sila na nga, e. Hello, news fly. And add na pakalat-kalat sa showbiz news and article 'yung about sa kanila. Ang sweet pa naman ng mga shots sa kanila dun sa article. I thought it was damn real. Hindi pala, baka arte lang nila 'yun. Okay, si Nicolette gusto niya talaga si Jax but not Jax.

"So suko ka na?"

A smile form on her lips. "Hell no, darling."

"That's the spirit," I said.

Masiyadong malaki 'yung hacienda nila Kade. Wala pa ako sa kalahati ng paglilibot dito. Si Nicolette kasi walang ginagawa kanina so I asked her kung pwedeng maglibot kami kahit saglit lang. Okay lang naman sa kaniya since bored din siya kanina.

Si Kade? He's busy with his phone after naming mangabayo. Nakakaloka kasi hindi man lang ako napansin kanina nung nagpaalam ako na maglilibot ako kasama si Nicolette.

"Ang lagkit ko na. I'll just take a bath, ha." I just nodded and threw myself on the sofa.

Busy 'yung mga human beings na magugulo. May kaniya-kaniya silang business kanina. Uhm. May mga dumating kasi friends nila nung bandang tanghali.

Two days from now... Birthday na ni Kade. Wala man lang akong nabiling gift sa kaniya. I forgot.

I sighed.

"Alone?" napalingon ako sa kaliwa ko.

It was Evan. Okay I admit, talagang makalaglag panty ang isang 'to. Pero nakakatakot lang talaga siya kasi para siyang may masamang balak kapag ngumigiti---or rather sa ngisi niya.

"Yeah."

Nagtaka ako nung bigla siyang lumapit sa'kin. We were inches apart. God! Napaurong ako. But he held me on my back.

"Beautiful." he tucked my hair, behind my ear and run his finger along my jawline. Shit!

I pushed him pero he grabbed my arm.

"What!?"

He smirked. "Don't you want to play with me?"

Inismiran ko siya. "No. Kaya let go my arm."

I blew some air after niyang bitawan 'yung braso ko but I was shocked when he pushed me para mapahiga sa sofa.

Nanlaki ang mata ko. Damn! My life is in danger with him!

God, sana naman hindi kami makita ni Kade. Ayoko na mangyari 'yung last time, nung nakita niyang hinalikan ako ni Trace. Not again. Nakakuha ako ng punishment that time.

"What do you want from me?" I asked. Nakakainis! Ano bang gusto niya?

"A kiss," napakurap ako. Gosh! Baliw na talaga siya!

I stood up. Pero tinulak niya lang ako ulit pabalik sa sofa at pinantayan.

I grabbed the chance para itulak siya at tumakbo. Pero nakasunod parin siya sa'kin hanggang sa taas.

Deal With Kade Fajardo | FinWhere stories live. Discover now