Thirty Six

6.3K 171 11
                                    

#DWKF

"Dammit!" pabagsak akong humiga sa kama ko. Bakit? I was asking myself almost hundred times. Hindi ko parin alam bakit paulit-ulit nalang sa utak ko iyong sinabi ni Nicolette. Bakit ba ako naaapektuhan. Duh. Umiling nalang ako. Stop, Astrid. Bakit ko ba pinag-aaksayahan iyon? It was nonsense.

Darn.

I heard a knock. Niluwa nun si Weston. I sat and looked at him.

"Why, baby?" agad namang nalukot iyong mukha niya.

"Don't call me baby, mom. It's kinda disgusting for me."

What? Ang arte naman ng batang ito. My goodness. Tinaasan ko siya ng kilay. Ilang araw narin pala, since we came home.

"Grandpa wanted to talk to you." tumango ako. I went downstairs and found him in our garden. Sipping his coffee.

"Hey, dad." I kissed him on his cheeks at umupo sa tapat niya.

He went home few days ago. Naayos na rin niya kasi iyong naging problema sa branch namin sa Alfuente. I've never been in that place. Well, maybe next time. I'll go there if I had a time.

Tinitigan niya lang ako. I raised my brows. "What, dad?" tanong ko pagkatapos ay tinawag at nagpatimpla kay manang ng kape.

"Kailan mo sila ipapakilala kay Kade? O may plano ka ba talagang ipakilala sila?" ngumuso ako. Mukha bang wala akong balak? Well... Oo, noon. But I've realized that it was unfair for the twin. You know? Ang selfish ko. Akala ko mapaninindigan ko na hindi siya makakahawak sa kanila. But then, mali. Karapatan nila iyon. And I'm hurting when I saw how they wanted to... whatever. Basta iyon.

Tinitigan ko iyong tasa kong may kape na kabibigay lang ni manang bago sinagot si Dad. "I had a plan but... I, well, uhm..." hindi ko alam. My god! Ni hindi ko nga alam kung nasaan siya at paano ko siya kakausapin. You know, it's been years. For goodness sake. Ewan, I find it too awkward or basta. Hindi ko alam ang tama at eksaktong salita, e.

Tinawanan ako ni Dad. Na para bang may nakakatawa akong sinabi at ginawa. Darn. I threw some deathly glares.

"Dad!"

Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. "Don't tell me, Astrid. Nahihiya ka kay Kade? O affected ka parin?"

"What the!? No, look dad. Hindi sa ganun. I just really don't had an idea how--dammit!" nasabunutan ko iyong sarili ko. Tinawanan lang ako ulit ni Dad. How could him! Alam ko galit siya kay Kade, then what now?

"You're not helping, dad. I thought galit ka sa kaniya? Eh bakit parang natutuwa ka pang asarin ako sa kaniya? Seriously, dad?" singhal ko sabay inirapan siya.

Naging seryoso si dad pero hindi iyon nagtagal. He smiled at me. At parang may gustong sabihin.

"Nung umalis ka kinausap niya ako. He cleared everything, Astrid. He explained, he did that for you and for them." napangiwi ako. Lahat, lahat bumabalik sa akin. It was like my wounds were opening.

Umiling ako. "What, dad? You believe him? Baliw ka na ba?"

"Hindi ko nasabi sa iyo na ginigipit tayo ng pamilya ng ex ni Kade noon. Most of our investors were pulling out their shares in our company." umuwang ang labi ko. What? That, Cassie and her fucking family! Ano bang gusto nila? Nakuha naman na niya si Kade before. He ended everything, he threw me, us! Tapos pati pala-darn! Ang kapal talaga ng mukha ng pyscho na iyon.

"Matapos iyon ay nangamba ako na baka mawala na sa atin iyong pinaghirapan kong negosyo, ng pamilya Fontier. But it didn't happen. Nagtaka ako kung bakit hindi na nila itinuloy. Wala akong ideya. Then I heard the news, kung anong ginawa ni Kade." he paused. He looked at me. Nakakunot lang ang noo ko.

Deal With Kade Fajardo | FinWhere stories live. Discover now