Thirty Five

5.7K 158 10
                                    


For those who can't understand me. Just please leave me and my stories. Ginagawan ko naman ng paraan para makapag-update ng mabilis but my dammit schedule can't. I am a student and please lang, may buhay ako sa labas ng wp world. Sana lang maintindihan. I got offended dun sa isang nagcomment na kesyo matagal daw ako mag-update at whatever. Sorry, okay? Hindi ako iyong taong in-expect niyo. Pati sa mga stories ko, just don't freakin' expect. Minsan nakakasakit narin iyong pagiging insensitive ng ibang mambabasa. Mabait ako but please don't push my effin button. Well, I lurvs you all. Thank you for letting me na ma-ishare ang keme kong gawa.

#DWKF

I sent an email to Kayl. I even tried to call him, but seems he's really avoiding me. I can't blame him.

All the things that I needed to finish is all clear. Nagdalawang isip ako nung una. After almost 5 years... I will go back there, again--with my twin.

Tomorrow is our flight. I called East and West to pack their things. Maaga ang nakuha kong flight for Manila.

Only if possible? Alam ko panget man pakinggan. I'd rather stay here in Cali. Nasanay na rin kasi ako dito. Pero ayoko namang magtampo si Dad. And maybe this is the time that we should go back there. After all, I am much better now. I am not the same Astrid before.

I changed.

I got out of the car at pumasok na sa bahay. I'm freakin' hundred percent sure that I'll miss my life here, our. Mag-aadjust na naman ako. I was more happy here. Alam ko namang ipipilit ni Dad na ako na ang magpatakbo ng kompanya niya sa Pilipinas.

I went upstairs.

Nakita kong nasa kwarto ni East si West. I just rolled my eyes. Ang gulo ng kwarto ni East. Halatang namimili ng mga dadalhin. Sinabi ko naman na pwede na kaming bumili sa pilipinas ng mga bagong gamit niya. At possible na bilihan sila ni Dad ng kahit anong gusto nila.

They didn't notice me. Nakatalikod sila sa akin.

"Weston, if we will have a chance to meet our da--"

I bit my lower lip. Madalas talaga nilang mapag-usapan ang topic na 'to? Mas minabuti ko nalang na makinig muna dito sa labas.

"Galit ako sa kaniya. I don't want to meet him, Easton."

As much as I want. Ayoko na ganito si West. For his age. Hindi ko gusto na ganito siya. He's like his dad, a carbon copy. His bad side. Parang laging galit sa mundo. Bilang lang ang salita niya madalas. God, ang cold ng batang 'yan. A opposite of East.

"Why?" East sounds confused.

"I just don't like. He made my mom cry, kaya ayoko." napangiti ako. I even arched my brows. Wow, so may ganitong side pala siya. Akala ko bad boy na ang anak ko, e. E ang bata-bata kasi may inaaligiran na mga batang babae. I knew in the future. Ang ikasasakit ng ulo ko si Weston. Sana lang wag niyang mahawaan si Easton. Baka tumanda ako sa konsumisyon.

Well, ngayon pa nga lang.

"Pero hindi ka ba naiinggit? Your friends have a dad. Tapos si mom 'di niya sinabi sa atin na may daddy pa tayo."

Napangiwi ako.

"Don't blame mom, East. Just shut up, ingay mo." I swear nakapoker face na naman si West.

Deal With Kade Fajardo | FinUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum