Chapter 7: After the Dare

6K 154 3
                                    

Kristom's POV

Ngayon ang unang araw ng pagiging sunod-sunoran naming apat sa mga nerd na iyon at hindi parin talaga ako makapaniwala na natalo niya ako. Just what the hell?! Isang Kristom Montefalco, Matatalo lang ng isang nerd na Violet Rossy Gomez?!

Shit lang talaga, nakakaapak lang ng pride! Pagbabayaran talaga ng babaeng iyon ang pangtatalo at pagpapahiya nya sakin! Ang kaso lang, magagawa ko lang yon kapag natapos na ang pinagusapan namin.

Kasama ko na ang buong BKG ngayon na todo kung magreklamo sakin sa kasalukuyan. Kanina pa nga ako rindi na rindi sa mga sigaw nila.

"Peste ka naman pare! Dinamay mo pa kami diyan sa pagkatalo mo! Sure na sure akong hindi tayo titigilan nun hangga't hindi na tayo makahinga sa pagod!"

I groaned in annoyance. Tama sya. Pagtritripan kami ng mga babaeng yun. Ugh! Bakit ba ako natalo? Sino ba sya at bakit kaya nya gawin ang ganong klaseng trick?

"Oo nga! May galit pa naman samin yung mga tropa nyang nerd! We're fucking doomed." pagsang-ayon pa ni Traser. Eh kung hindi ba naman kasi nya hinalikan ang kaibigan ng nerd na yun! Kasalanan din nila yan eh.

Napabuntong hininga ako. Bakit ko ba naman kasi napagtripang isalalay ang buong buwan namin sakanila? I mean, I'm almost sure na mananalo ako! Galit pa man din sakin ang babaeng iyon kaya kami talaga ang lugi dito.

"Why did you lose?" A barritone voice interrupted.

Bakit nga ba ako natalo? Bakit hinayaan ko syang manalo?

Sino ka ba talaga Violet Rossy Gomez?

"I don't know Jacob. Kahit ako di alam ang sagot diyan sa tanong na iyan." malamig kong sagot sakanya.

Sa lahat ng BKG members ay siya ang pinakaseryoso. Hindi uso ang salitang tawa at biro sakanya kaya wag na kayong magtaka kung bakit ganoon na lamang siya kaseryoso. Dinaig pa ko nito, mas mukha pa syang leader kesa sakin.

"Tangina bahala na si Batman pare! Mabuti pa't paghandaan nalang natin ang ipapagawa satin ng mga nerd na yun. Wala naman ng magbabago, nanalo na sila eh. The best that we can do is to comply with the rules." Biglang sabi ni Zither na syang sinangayunan din naman ng lahat.

Hindi naman sana ako mababahala ngayon sa pagkatalo ko kundi dahil sa trick na ipinakita niya nung laban namin.

That trick is called the High Leap . Matagal ko nang ina-aaral yon pero lagi lang akong nababalian ng buto. Hindi sya normal na babae. Iyon ang nasisiguro ko.

Purple's POV

Kaklase namin ang BKG ngayong araw na ito at Hindi mapagsidlan ang tuwa namin kapag naiisip kong mahihirapan sila. Napagkasunduan din naming paghati hatian ang serbisyon nong apat.

Si Jacob ay magiging alalay ni Scarlet, Si Traser kay Pink, Si Zither kay Feusha at Sakin naman ay si Kristom.

Pagkapasok na pagkapasok palang namin ay nagsimula na agad ang mga estudyanteng magbulong-bulongan. Expected naman na namin 'to lalo na't kahapon lang nangyari iyong laban.

"Napanood mo ba yung laban nila ni Kristom kahapon?"

"Oo, Grabe ang galing niya no?"

"Siya palang ang nakakatalo kay Kristom."

"Grabe fan na talaga niya ako."

"Umaasenso ka na talaga queen ah," Feusha whispered.

"Sira."

Dumiretso na kami sa upuan namin at hinintay ang pagdating ng mga alipin namin. Hindi na talaga ako makapaghintay makitang napapagod ang mayabang na Kris----

*BLAG*

As expected, Biglang kumalabog ang pintuan at iniluwa noon ang buong BKG na nakabusangot ang mukha na kala mo ay pinagbagsakan ng langit at lupa. Malamang ay alam na nila ang mangyayari sakanila mamaya.

Gayon pa man , ay maraming paring babae ang nagtilian. Kahit yata anong suot ng mga 'to ay matinik parin sa mga babae, well, except nalang saaming apat.

I secretly smirked. Magiging masaya ang araw na 'to para sating dalawa, Kristom.

***

Uwian na namin at wala ng natitirang studyante dito sa classroom bukod saming dalawa ni Kristom.

Tahimik siyang nagmamasid sakin na para bang naghihintay kung anong ipapagawa ko sakanya. Mabuti naman at hindi niya tinatakasan ang responsibilidad niya .

"So here you are Montefalco. Sabi ko naman sayo diba? Matatalo kita! You know why? Kasi hindi ikaw ang pinakamagaling na tao sa mundo." Nang aasar na sabi ko.

Namumula siya sa galit at halatang pinagpapasensyahan lang niya ako. That's right! Get Pissed!

"Marunong na pala ngayon magtimpi ang isang Montefalco. Why are you holding back? Are you scared?" I asked, mocking. Kristom was fast irritated, sa sobrang irita ay sinugod na ako. I looked at him amusedly. He tried to attack my guts but  I was able to dodge it, sinipa ko ang paa nya na agad nyang kinabagsak. He tried to punch me once again but to no avail, he still failed. So weak.

Tumalon ako papunta sa likod nya at doon ito pinatamaan ng malakas na sipa na naging  dahilan ng pagluhod nya at pagdaing. Hindi nagtagal ay pinili nya paring tumayo at humarap sakin na sinubukang sipain ako sa mukha. But I'm faster . Nahawakan ko ang paa nya na naging daan para maibalibag ko siya. This time, he's not strong enough to stand up and fight against me. Ako pa kasi nang napiling kalabanin, Kung tutuusin ay wala namang problema kung malaman nila kung sino kami. We're on the same organization. Our loss is their loss. Pero mas gusto ko naman na ding ganito dahil mas maganda ang thrill.

"Madali ka parin talaga patumbahin Montefalco. Ngayon, tumayo ka diyan dahil may pupuntahan pa tayo." Was what I said before leaving him, lying on the floor.

The weak will always be weak.

XOXO

Poisonous Rose ( S I G N E D ) Where stories live. Discover now