Chapter 9: Poor Kristom

5.4K 130 3
                                    

Purple's POV


Kakatapos palang naming mamili ng mga gamit at pagkain nalang ang kulang. Sa totoo lang parang naikot na nga namin tong buong mall eh.

Pano ba naman kasi tong kasama ko! Nagpupumilit  na siya na lang daw ang hahanap ng makakainan. Pagod naman na ako kaya pinabayaan ko nalang siya . Ang kaso hindi makapili ang gago, paulit-ulit lang ang ginagawa namin sa tuwing makakakita sya ng pwedeng mapagkainan.

>Pasok

>Tingin

>Labas

Yan! Yan lang naman ang paulit-ulit naming routine ngayong araw!

Akmang papasok nanaman siya sa isang restaurant pero pinigilan ko na siya.

Aba! gutom na ako noh!

"Ano ba kalalakeng tao mo pero ang arte arte mo!" bulyaw ko sakanya

Sagad na sagad na kasi ang pasensya ko sa tukmol na 'to! Mukhang mas matagal pa ang pagiikot namin kesa sa pagkain! Hindi ko na sya binigyan pa ng pagkakataong magsalita at hinila ang tainga nya.

"What the fuck! A-Aray V-iolet ! Masa--kit!" daing niya pa na hindi ko nalang din pinansin. Magdusa sya! Kanina pa ko gutom sa kakaikot ikot nya!

Patuloy ko parin siyang hinila hanggang sa marating namin ang sakayan. Iniwan ko na ang mga sasakyan namin dun. Ipapakuha ko nalang siguro.

Malapit lang naman kasi ang pupuntahan namin. Nang makapara na ako ng jeep ay akmang hihilain ko na siya papasok kaso yung gago , biglang pumalag!

"Pano yung kotse natin?! tsaka diyan ba talaga tayo sasakay?" namumutla niyang tanong

Kumunot ang noo ko bago tiningnan ang loob ng jeep na papasukan namin. Natawa ako nang may makitang mga binabae na kumakaway sa direksyon namin.

Akalain mo nga naman, bakla lang pala magpapatumba dito!

"Ipapakuha ko nalang, No need to worry." Walang pakeng sagot ko.

Pumalag nanaman siya at tumingin sakin na parang nagmamakaawa. Pfft!

"Pwede namang magtaxi nalang diba?"

Nanginginig ulit niyang tanong. Sasagot pa sana ako pero sinigawan na kami ng driver.

"HOY KUNDI KAYO SASAKAY, MABUTI PANG UMALIS NA KAYO!"

Tiningnan pa kami ng matalim ng driver gamit ang salamin kaya agad agad ko nang hinila si Kristom papasok. Umupo kami sa tabi ng mga bakla na kinakatakutan niya dahil wala ng iba pang bakante pa.

Bale ganito ang posisyon namin

BEKI 1- BEKI 2- BEKI 3- KRISTOM -AKO

Gusto ko nang matawa dahil sa itsura ni Kristom. Para siyang natatae na nasusuka, ganun ba talaga kalaki ang takot niya sa bakla? Lumingon sakin si Kristom at binigyan ako ng Please-palit-tayo- look. I just disagreed and laughed at him. Mga lalaki nga naman.

"Papa pogi pwedeng pakiss?"

"Tigilan mo nga ako baklita ka!"

"Aytss! ang harsh! di bale na ikaw parin naman ang mamahalin namin."

"Gross! bahala nga kayo sa buhay niyo!"

Hindi ko na talaga dapat guguluhin sila ng mga new found babies nya kaso hindi pa nga pala kami nagbabayad.

"Ehem ayaw ko sanang sirain ang moment niyo kaso kailangan na niyang magbayad."

Agad naman silang tinalikuran ni Kristom at naglabas ng credit card.

Seriously? bakit ang tanga ng lalaking 'to?

Hindi muna ako sumingit at pinanuod siya. Naghahagikhikan na lahat ng tao dito sa jeep pero parang wala siyang naririnig.

"Manong! Dito mo na icharge ang pamasahe namin!" sigaw pa niya

Nagtatakang tumingin sakanya ang driver ng jeep at nagsalita

"Iho subukan mo kaya munang tumingin jan sa board na nasa likod ng upuan ko."

Tiningnan niya ang tinuturo ng driver pagkatapos ay masamang tumingin sakin

"BARYA LANG PO TUWING UMAGA!"

"Bakit hindi mo sinabi?"

"You don't even asked , let me pay you ignorant boy." inosenteng sagot ko dito

Hindi na siya muling sumagot pero bakas na bakas parin sa mukha niya ang galit at pagkapahiya

Buti nga, tanga kasi! Gaya ng napagusapan ay ako ang nagbayad.

Nang matanaw ko na ang pupuntahan namin ay sumigaw ako ng pagkalakas lakas na 'PARA!'

Hinila ko na siya pababa at agad na bumungad sakanya ang isang karatola na may nakasulat na

"ALING TINAY'S FISHBALLAN ETC."

I inwardly smirked. Ayaw ni Kristom sa mga ganitong bagay, doon sigurado ako. Kristom is vain as fuck. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang pamumutla nya nang makita ang karatula sa harap ng isang tindahan.

"Pwede bang s-a iba nalang tayo kumain?" utal-utal niya pang tanong

"No. We will eat here whether you like it or not."

XOXO

Poisonous Rose ( S I G N E D ) Where stories live. Discover now