Chapter 10: A 'Date' with him

5.3K 123 3
                                    

Purple's POV

Kasulukuyan kaming nakaupo ngayon at hinihintay ang order naming fishball, squidball at kwek-kwek

Hanggang ngayon ay di ko parin maiwasang matawa nang mahina pag naalala ko yung nangyari kanina

(FLASHBACK)

Pagkababa namin ng jeep ay hinila ko na agad siya papasok ng tindahan na ito.Namumutla parin siya pero di ko na pinansin pa.Wala namang pila kaya tinanong ko na siya kung anong gusto niya.

"Psst! Ano gusto mo?" bulong ko kay Kristom

Nilibot niya ang kanyang paningin sa lalagyanan ng mga paninda saka tumigil nang makita ang kwek-kwek.

Nawala ang pamumutla nya at nagliwanag ang mukha, Anyare dito?

"Di mo naman sinabi saking may prutas dito!"

Prutas? Tinitingnan ko ang mga paninda na nakahain sa harap ko at ni isang bakas ng prutas ay wala akong nakita. Sira ba mata nito?

Tatanungin ko na sana siya kung saan nya  nakita yung prutas pero nadatnan ko nalang siya na nakikipagusap na sa tindera.

Walanghiya 'to, ni hindi man lang ako tinawag!

"Ate yung orange nga po!!" masayang usal niya dito

What the heck? orange?
Wag mong sabihing
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
What the fuck?!

Nasapo ko nalang ang noo ko dahil sa katangahan niya. I never thought na ganito pala siya kaignorante!

Who would thought na ang isang 'gangster' kuno ay pinagkamalan ang isang hamak na kwek-kwek na orange?!! Bobo ba sya? Top 2 ba 'to?!

Nagtatakang tumingin sakanya si ateng nagtitinda saka nilipat ang tingin sa kwek-kwek na nakalagay sa plastic cup.

Napakamot nalang din si ateng tindera sa ulo niya habang si Kristom ay nagniningning parin ang mata

"Walang prutas dito iho, yun bang sinasabi mo ay yung kwek-kwek?"

Kagaya kanina ay parang bula na nawala ang pagliwanag ng mukha niya at napalitan uli iyon ng pamumutla. Ay kawawa naman!

"P-Po? Hindi po ba orange yun? Tsaka ano po yung kwek-kwek?"

"Iho unang-una sa lahat walang prutas dito at yung kwek-kwek, Pugo yun na binalutan ng harina na may coloring food."

Namumula ang mukha niya at napayuko dahil sa sinabi ng tindera na marahil ay dahil sa hiya. Ha! Yan kase! Shunga!

"K-Kwek-Kwek?" utal-utal na sabi nito

"Oo iho, sige ikukuha na kita."

(END OF FLASHBACK)

Hanggang ngayon ay masama parin ang tingin ni Kristom sa'kin. Siguro kung nakakamatay ang tingin kanina pa ako binuburol tsk!

"Why didn't you say it to me?"

"Excuse me! Hindi ko naman alam na ganun ka katanga to the point na pinagkamalaman mong orange yung kwek-kwek." Iling ko sabay irap sakanya

"It's still your fault! Kung sinabi mo sana agad edi sana di ako napahiya!" bulyaw nya

"Ni Hindi mo nga tinanong eh!" balewala kong sabi

"Argh!! Y-You're , Y-our---"

"Unbeilevable, I know." putol ko sa sinasabi nya

Pagkatapos kong magsalita ay hindi na sya muling sumagot pa pero hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang nakakamatay nyang titig.

Galet na galet? Usto manaket?

Mga ilang minuto ang lumipas nang dumating ang order namin. Kinuha ko na yung akin pero sya nakatingin parin dun sa Kwek-kwek na nakahain sa harap nya . Di naman yan pupunta sa bunganga nya mag-isa! Napaka-Wierdo naman pala talaga ng lalaking 'to. Ibang Iba sa angas nya kapag nasa eskwelahan.

Halos patapos na akong kumain pero sya nakakatitig lang talaga. Oh my god! Why so ignorant?!

"Hindi mo yan mauubos sa pagtitig, ba't kaya di mo kainin?"

"Ayoko di pa naman ako gutom, besides that food is so dirty! How do you even manage to eat that thing?!" diring diri sabi nya

"Correction Montefalco! Pagkain 'to hindi bagay! intinde?!"

"Whatever it is! Madumi parin yan!"

"Bahala ka."

Ubos ko na yung order ko at since ayaw naman nya kainin yung kwek-kwek edi akin nalang! sayang pa 12.00 ko no!

Kumuha ako ng isang kwek-kwek at tinusok yun sa stick na hawak ko Saka sinawsaw sa suka.

Ngumanga na ako at akmang isusubo ko na yung kwek-kwek na nakatatusok sa stick na hawak ko nang mapansin kong nakanganga din sya.

Tinikom ko ulit ung bibig ko at tinikom nya din yung bibig nya

Ngumanga ulit ako tapos..ngumanga din sya? What the heck? Sinusundan ba nya ang galaw ng bibig ko?

"Oh bakit nakanganga ka dyan?" sita ko sakanya

"WALA! Mind your own bussiness nerd!" Sus if I know natatakam na din sya!

Isusubo ko na sana ulit yung kwek-kwek ng bigla syang sumigaw na naging dahilan ng pagkahulog ko sa upuan dahil sa sobramg gulat

"NO!"

"What the heck Kristom! Ano ba talagang problema mo?!" galit kong bulyaw sakanya

Napapalunok syang tumingin sakin saka nagsalita

"Masarap ba talaga?"nahihiyang tanong nya.

I rolled my eyes. Nahihiya din pala ang isang 'to.

"Why don't you try it? Nasubo ko na ba? Ha? HA?!" pamimilosopo ko sakanya

Inagaw nya ang stick sa kamay ko saka slowmong ngumanga.

Take note pati pagsubo slowmo effect. Napairap ako. Dahil sa sobrang inis ko sa ka-oahan nya,
Sinungal ngal ko sakanya yung stick na naging dahilan para mabilaukan sya

Buti nga! Hmp!

"Go *cough* t-to hell *cough* *cough* Violet!"

Tsk. Serves him right! Bagal kasi.

Nang makarecover na sya ay masama syang tumingin sakin, nope, scratch that, mas lalong sumama ang tingin nya sakin.

"Why did you do that?!" Sigaw nya

"Ang bagal mo sumubo eh, Ano masarap ba?"

Hindi na sya sumagot pa at nagpatuloy nalang sa pagkain.

"Well, silence means yes right?"

XOXO

Poisonous Rose ( S I G N E D ) Where stories live. Discover now