Chapter 24: Date

3.7K 84 1
                                    

Purple's POV

Kakalabas ko palang ng bahay at mula dito ay natatanaw ko na agad si Kristom na nakasandal sa motor nya. What's new anyway? lagi naman nya akong sinusundo.

Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sakanya ng higitin nya ang bewang ko at halikan ako sa labi. Smack lang yun pero namula parin ako. Ikaw ba naman halikan ng boyfriend mo na ang aga aga pa, di ka mamumula?

"Ang bagal mo namang maglakad, nagprapractice ka na ba para sa kasal natin? hmm.." bulong nya sakin

Humalakhak nalang ako ng bahagya saka sya niyakap.

"Baliw ka talaga, kaya mahal na mahal kita eh." I replied as I lean for another kiss. I really love my effect on him.

On the way na kami papuntang school nang magvibrate ang cellphone nya. Kukunin nya na dapat ito sa bulsa nya pero pinigilan ko sya.
Mahirap na baka mabangga pa kami.

"Mamaya mo nalang kunin, baka mabangga tayo eh."

Traffic ngayong umaga kaya matagal tagal bago umusad ang mga sasakyan. Habang hindi pa nag-go-go sign ang traffic enforcer ay kinausap nya ako.

"You know, hindi ko alam ang mangyayari kung mawala ka sakin, I really love you to the point that my soul will die if you leave me."

Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi nya. Bakit ba parang nagpapaalam sya? may mangyayari ba?

"I love you more Kristom, at katulad mo, I cannot afford to see you drifting away from me..."

Hindi na sya muling nagsalita at pinatakbo nalang nya ang kanyang motor. Habang nasa byahe kami,iniisip ko kung bakit nagkakaganun sya one of this days. Malapit na kami ng school nang magvibrate ang cellphone ko.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at nakitang nagtext ang emperor namin

To:Purple
Fr:Emperor

Nalalapit na ang Ultimate Gangster War Purple, don't forget to train yourself one of this days.

Agad napakunot ang noo ko dahil sa tinext nya then that's when I realized why Kristom is acting so weird. Ito pala ang dahilan kung bakit nagkakaganito si Kristom. He think's that he'll die or something.

Hayss, bakit ba ngayon ko lang toh naisip? dahil sa lovelife ko, Pansamantala ko pa atang nakalimutan ang mission ko.

Napailing ako sa iniisip at bumaba nalang ng motor nya. Sa lalim kasi nang iniisip ko ay di ko namalayang nandito na pala kami. Hinablot nya ang bag ko at saka pinagsaklop ang darili naming dalawa. Hindi ko na toh inantala sa halip ay hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya.

Now that I realize na pareho kaming umiikot sa gangster world ay nakaramdam ako ng matinding kaba. Kami na pero hindi nya parin alam kung sino talaga ako.  I think I should confess it to him one of these days.

Ayokong maglihim sakanya at mas ayokong nagmamahalan kami pero hindi nya kilala ang totoong ako. Napabuntong hininga ako ng malalim at hindi inalintana ang masasamang tingin sakin ng mga kababaihan.

Nasanay na din ako kasi, dalawang linggo na din naman ang lumipas mula nang ipakilala nyang girlfriend nya na ako.

"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo ngayon?" nakataas kilay nyang tanong

Iniripan ko lang sya at mas binilisan ang lakad para maiwasan ang mga tanong nya

"Tsk. Wag ka ngang bumusangot dyan! Gusto kong lagi kang nakangiti okay?" aniya saka tumigil sa paglalakad. He faced me and look at me in my eyes.

His stare drift into my lips as he leans closely to give me a kiss. I responded with the same intensity but i'm caught off guard when I felt his tounge enter my lips. Wild huh? Tumigil ako at napalingon ng may makitang guard sa malayo. Shit! Mahuli pa kame dito eh! Nakita ko naman syang bumusangot kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Tsk. Pabitin." aniya bago ako hilain sa loob ng classroom. Tinawanan ko na lamang sya saka umupo sa pwesto ko. Ramdam ko ang titig nang mga kaklase namin kaya sinasamaan ko sila ng tingin.

Sila naman ay panay ang irap sa kawalan. Diba sila nahihilo kakairap? Sarap tanggalan ng mata eh! I was settling to my sit but suddenly, my boyfriend grabbed me and take me outside our room while looking fiercly at our guy classmates. Ano problema nito?

"Hey, san ba tayo pupunta? ba't bigla bigla ka nalang nanghihila?"

"The guys are staring at you! I don't want them staring at you Violet, You're mine." He said madly

"Err..Ano daw?"

"Tsh!Hindi ko alam kung bulag ka ba o ano, Hindi mo ba nakikita?!!pinagpepyestahan nila yang dibdib mo! shit! alam mong ayokong may ibang tumitingin sayo!" Aniya nang puno nang iritasyon

Seriously? Tiningnan ko ang sarili ko at nakitang medyo kita ang cleavage ko, err? anong meron? dati pa naman ganito ang itsura ko eh.

"Don't worry, kahit gano pa karami ang tumingin sakin, ikaw lang ang titingnan ko okay? wag kang masyadong praning! para kang ewan eh. Wag ka nang magselos. Alam naman nating dalawa na ikaw lang mahal ko eh." sabi ko sakanya bago sya halikan nang mabilis. Nakita ko pa kung pano sya mamula kaya natawa nalang ako.

We should savour every second, nalalapit na ang Ultimate Gang war at sigurado akong mawawalan kami ng time para sa isa't isa dahil sa pagtratraining. lumapit sya sakin at hinigit ang bewang ko.

"Date tayo?"

"Sure , why not?"

XOXO

Poisonous Rose ( S I G N E D ) Where stories live. Discover now