kabanata 1

6.1K 250 258
                                    



Year 2020...





Taong 2017 nang biglang mainggit ang South Korea sa United Kingdom, Canada, Australia, at New Zealand, mga bansang napapailalim sa isang monarkiya kung saan may Royal Family namumuno. Isang araw, matapos ng napakaraming debate, nanalo ang kagustuhan ng presidente na di kalaunan ay tinawag na ding "Mahal na Hari". Sa isang iglap, ang pamumuno sa South Korea, naging isa nang monarkiya.



Wala namang masama sa monarkiya. Naging maayos naman ang pamumuno ng Hari sa kanyang mga nasasakupan. Kung tutuusin ay napaka moderno nga ng mga batas na kanyang pinatupad; ala Barack Obama nga ang dating.



Ang pamilyang namumuno sa South Korea ngayon: Ang Byun family.



Sa kasalukuyan, si Queen Ysabelle Byun ang namumumo. Isang half-American half-Korean na napangasawa ng namatay na si Haring Byun Nam-sun. Si Reyna Ysabelle o mas kilala bilang Queen Belle ay nakilala ng Hari matapos bumisita sa New York para sa isang conference. May anak sa unang asawa si Queen Belle, si Amber, isang lesbian na mahilig magdamit goth.



Ang Mahal na Hari naman ay may nag-iisang anak, si Prinsipe Byun Baekhyun... at ako nga yun. Dahil nagmumukha na akong old style narrator, bumalik nalang tayo sa present time.



Magkasundo naman kami ng stepsister kong si Amber, para na nga kaming magbestfried slash brothers and sisters. Hindi na nga issue sa amin ang step-whatever na yan kasi magkasama na kami simula six years old palang kaming dalawa. Twenty three na kami ngayon. Ganon na katagal!



Namatay ang dating Mahal na Reyna habang pinapanganak ako. Mga four years din na mag-isa ang Hari sa pamumuno. Pero ayun na nga, dumating ang araw na nakahanap na siya ng Reyna niyang tutulong sakanya.



Wala namang problema sakin yun. Minahal ko naman sina Queen Belle at Amber na parang tunay kong kapamilya. Kahit sobrang vain ng Reyna, (AS IN SOBRANG VAIN) feeling ko naman, ganun din sila. Mabait naman ang Reyna sa akin, para na din niya akong anak. Noong namatay si Papa five years ago dahil sa stroke, silang dalawa nalang ang pinagkukunan ko ng lakas.



Naging masaya naman kami, sa totoo lang.



Pero fifteen years old ako noon nang parang magbago ang ihip ng hangin. Nakarinig kami ng malakas na sigaw mula sa kwarto ng Reyna. Naglalakad kami noon ni Amber palabas sa palasyo at napadaan lang kami sa kwarto ni Queen Belle.



"Ano yun?!" natataranta kong tanong kay Amber. Nanlalaki yung mga mata naming dalawa sa takot. Yung sigaw, parang galit na ewan, kaya tumakbo kami pabalik sa kwarto ng Reyna. Pero kakatok palang kami nang biglang bumukas yung pinto.

BiteWhere stories live. Discover now