kabanata 6

2.9K 196 190
                                    





Hati-hati yung naging pagtulog ko.



Noong una akong nagising, nakapatong ang mukha ko sa bintana ng kotseng sinasakyan namin, kitang-kita ko yung labas at masasabi kong malayo na kami sa Royal House. Mabilis lang akong nagkaroon ng malay, mga ilang segundo lang, pero napansin ko agad yung tape na nakatakip sa bibig ko at yung taling nakapulupot sa kamay ko.



Nang magising ako ulit, nakahiga na ako sa backseat ng kotse at pinapanood ako ng driver mula sa rear view mirror. Hindi ko siya kilala. Pero nakasuot siya ng uniform ng Queen's Guards. Pumikit ako ulit dahil sa pagod at takot. Dahil doon, muli akong nakatulog.



Nauntog ako sa pintuan ng kotse nang bigla itong tumigil. Hindi pa ako nakaka-recover nang biglang bumaba yung driver at pumunta para buksan yung pintuan ko. Tumingin-tingin pa siya sa paligid pero dahil nakahiga ako sa backseat, hindi ko makita kung nasan na ba kami. Nang hinawakan niya ako, nagpumiglas ako sabay tadyak pa sakanya. Malay ko ba kung anong gagawin nito sakin.



"Mahal na Prinsipe, sumama nalang kayo sakin." pagmamaka-awa niya. Mga forty years old na siguro si Manong at takot na takot yung mukha niya. "Pakiusap po." nanginginig din sa kaba yung boses niya. Ano to? First time killer?



Umiling ako agad. Kanina lang, pinatulog nila si Amber at narinig kong papatayin nila ako. Bakit ako magtitiwala sa lalakeng to? Mamaya hindi pala siya killer, rapist pala. Nako nako. Patayin nalang niya ako kesa mapunta sakanya yung V-card ko no.



Bigla niyang inabot yung mukha ko saka hinila paalis yung tape. "Aray!" reklamo ko. Ano ba yung tape na ginamit? Electrical? Ang sakit ah.



"Paumanhin, Mahal na Prinsipe." sabi ni Manong. "Pero kailangan ko tong gawin."



"Anong gagawin mo?" takot na tanong ko sakanya. Pero hindi niya ako sinagot at pinagpatuloy ang paghila sakin palabas ng kotse. Gusto kong sumigaw, gusto ko din siyang murahin pero naunahan ako ng takot. Naiiyak nanaman ako at pinilit kong hindi maluha. Dapat hindi niya makita na natatakot ako. Hindi ko ibibigay sa reyna yung ganung satisfaction.



Pero nang makita ko yung paligid, isang hikbi ang lumabas sa labi ko. Napapalibutan kami ng mga gubat. Yung nakakatakot na tipo ng gubat. Yung tipo ng lugar na ayaw na ayaw ko. Hinila ako ng lalake papunta sa isang gilid at pinaluhod habang nakatalikod sakanya.



"Mahal na Prinsipe, inutos po ng reyna na patayin kayo." mahina niyang sabi habang naiiyak akong tumitingin sa paligid. Sobrang dilim, wala akong makita ni anino. Sobrang nakakatakot. Sobrang nakakakilabot.



"Ayoko..." iyak ko habang pilit siyang nililingon. "Ayoko dito, Manong. Pakiusap... ayoko..."

BiteWhere stories live. Discover now