kabanata 15

2.8K 201 123
                                    




Gumulong ako palayo kay Park Chanyeol at muntik na akong nahulog mula sa kama kung hindi lang niya hinila yung kamay ko pabalik. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kulay red niyang buhok at sa mahigpit na pagkakahawak niya sakin.



Dahan-dahan kong inabot yung kamay niya. Oh. My. God. Totoo nga siya. Confirmed.



Ngumisi siya. "You really think this is a dream?"



"A-anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko sakanya. "I-I mean... this is your room..." Napatigil ako. Ah. Oo nga pala. Kwarto niya ito, Byun Baekhyun. SIYA dapat ang nagtatanong sayo niyan.



Natawa si Chanyeol. "Kadarating ko lang," sabi niya. "So... what's with my room?" Andiyan parin yung ngisi niya at wala akong nagawa kundi umiwas ng tingin. Red hair + smirk = feels na mahirap i-contain.



"I'm sorry..." mabilis kong sabi saka yumuko. "I didn't mean to sleep here. Sobrang..." Napatigil ako. Sasabihin ko ba sakanya lahat? Ayoko namang mag-away-away sila dito. Kaya umiling nalang ako at ngumiti sakanya.



Pero nawala agad yung ngiti sa mukha ni Chanyeol. "You've been crying," mahina niyang puna at saka ko lang narealize na namumugto pa pala yung mga mata ko at feeling ko, puno pa yung ilong ko ng uhog. Walang hiya naman.



Dahan-dahan akong umupo saka napahawak sa pisngi ko. "I'm fine," sabi ko. "Maybe, I just miss home this much."



Napabuntong hininga naman si Chanyeol saka umupo din sa harapan ko. Mukha siyang pagod at walang tulog at agad akong nakaramdam ng guilt. Ano bang ginagawa ko dito? Bakit ko siya ginagambala ng ganito? Napatingin ako sa may orasan. 6 am palang ng umaga.



"I better let you sleep," pagpapa-alam ko pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ulit yung kamay ko at hindi yun binitawan.



"You know, Byun Baekhyun," simula niya at saka inabot yung mukha ko. "When you lie, your cheeks flush into a certain shade of red... Like this." Ngumiti siya ng maliit saka hinaplos yung mukha ko. "What happened?"



Kinagat ko yung ibabang labi ko saka umiwas ng tingin. "S-sorry..." bulong ko. "S-sorry... I don't want to lie," at nang sabihin ko yun, naramdaman ko nanaman yung pamumuo ng luha sa mga mata ko. Naalala ko nanaman lahat ng nangyari kagabi. Naalala ko nanaman lahat ng sinabi nila.



Niyakap ako ni Chanyeol at alam kong yun lang ang pinaka-kailangan ko nang mga oras na yun. Ayokong malaman niya yung nangyari kagabi kaya iniyak ko nalang lahat. Homesickness. Dread. Lost.

BiteWhere stories live. Discover now