kabanata 27

1.9K 139 42
                                    




Siguro mahirap talagang intindihin yung ibang tao. Tulad ngayon. Hindi ko alam kung bakit sobrang higpit ng yakap sakin ng lalakeng ito at kung bakit panay siya 'Sorry.'.



Bakit nga ba siya nagso-sorry? Inano ba niya ako?



"I'm sorry, I'm sorry." pagpapatuloy nitong lalakeng nakayakap sa akin. Kung hindi lang ako depressed at gulong-gulo, kinasuhan ko na siya ng sexual harassment. Pero wala akong panahon para doon. Masyado pang komplikado at magulo ang mga bagay-bagay.



Awkward at dahan-dahan akong kumawala sa yakap niya. Hinayaan naman niya ako kahit na medyo nag-aalangan. "U-um," simula ko at saka siya tinignan ng mabilis sa mukha. Siguro sobrang blangko lang ng expression ko kasi mas nalungkot yung mga mata niya. Nakikita ba niya kung gaano ko siya hindi makilala? Mukha siyang sobrang nasasaktan, hindi ko alam ang dapat gawin.



Nang umatras ako ng isa pang beses, saka ko siya sobrang tinitigan. Oo, marami akong gwapong kasama dito sa bahay pero ewan ko ba kung anong meron sa lalakeng ito na may malalaking tenga at pakiramdam ko may ginagawa siya saking hindi ko maintindihan. Sanay naman ako sa lalake pero sakanya... ewan ko ba.



"Bakit... Bakit ka nagso-sorry?" taka kong tanong. Bakit nga ba? May ginawa ba siya sakin na hindi ko maalala? Sinaktan ba niya ako? Niloko? O baka naman...



Napatigil ako at takot na tumingin sakanya. OMG. Hindi kaya---



"Ikaw?" hindi makapaniwala kong tanong. "Ikaw ba ang---"



Agad na nanlaki yung mga mata niya at saka mabilis na umiling-iling. "Baek, I didn't do this to you." sagot niya. At wow. Alam niya pala agad kung ano ang tatanungin ko. "Maniwala ka. I would never ever wish for something like this to happen."



"Eh bakit?" tanong ko habang nakakunot noo. "Bakit ka ba humihingi ng sorry?"



"I shouldn't have left you." malungkot niyang sagot habang nakatingin ng maigi sakin. "Hindi dapat ako umalis kung kelan mas kailangan mo ako. Mali na umalis ako and I am very sorry for that, Byun Baekhyun."



Sa totoo lang, nararamdaman ko naman yung sincerity sa sinabi niya pero...



Bumuntong hininga nalang ako at dahan-dahan na umiling. "I... I don't remember anything." sabi ko at pilit na ngumiti. "Wala rin naman akong maalala kaya sa tingin ko, pointless lang din na humingi ka ng tawad ngayon." Napansin kong nasaktan siya sa sinabi ko kaya agad kong dinagdag, "At hindi ako galit. I'm... I'm just stating a fact." 

BiteDonde viven las historias. Descúbrelo ahora