kabanata 31

2.2K 117 64
                                    




Tumama ang huling putok ng baril sa kanang side mirror ng sasakyan ni Park Chanyeol, naging dahilan para mapasigaw ako mula sa kinauupuan ko. Mababa parin akong nakayuko at nang takot kong tinignan si Chanyeol, masama parin ang tingin niya sa daan at paulit-ulit na tumitingin sa rearview mirror. Mas bumilis pa yung takbo ng sasakyan pero maya-maya lang, tahimik na ulit yung paligid.



Tuluyan nang dumilim yung paligid, kasabay ng pagbuntong hininga ni Chanyeol sa tabi ko. Napansin kong medyo nag-relax yung katawan niya at dahan-dahang inalis ang kamay mula sa likod ko. "A-Anong---?", pero napatigil ako nang biglang mag-ring yung cellphone niyang nasa pagitan namin. Mabilis niya itong tinignan bago may pinindot sa dashboard ng sasakyan.



Kalmado si Chanyeol nang magsalita siya ulit, "Situation?"



"I think we've lost them." galing yung boses sa speakers ng sasakyan at pamilyar ito. "Tatlong sasakyan lang ang sumunod and they retreated immediately. Seems like they don't want to cause much of a commotion."



Dahan-dahan akong umayos ng upo at mabilis na tumingin sa paligid. Wala nang mga sasakyan ang nakasunod samin at nasa isang highway na ulit kami. Maraming buildings. Maraming tao. Isang itim na sasakyan ang biglang nag-overtake at mabilis akong napasandal sa upuan dahil sa takot. Agad naman na tumingin sakin si Chanyeol, puno ng pag-aalala yung mga mata.



"It's fine, Baek," mahina niyang sabi bago inabot ulit yung kamay ko. "Everything's going to be fine." He even smiled for my benefit. Pero sobrang doubtful ko parin, kahit sa mga kotseng nagsisilbing guards namin.



"Baekhyun-hyung?" tawag ng lalake mula sa kabilang linya. "Baekhyun-hyung are you okay?"



Napakunot noo ako habang pilit na inaalala kung kanino yung boses. Dahil sa mga memory lapses ko nung nakaraan, may mga bagay na akong hindi masyado sigurado. "J-Jimin?" hindi makapaniwala kong tanong. Gulat din akong napatingin kay Chanyeol pero binigyan lang niya ako ng isang tipid na ngiti. 



"Hey! You can remember my voice!" bakas sa boses ni Jimin ang tuwa. "Don't worry, Hyung. We're right behind you. We'll protect you, we promise." 



"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko kahit parang alam ko na yung sagot. "What do you mean by that? Jimin, don't get yourself into any trouble." Muli akong napatingin sa mahigit isang dosenang kotseng sumusunod sa amin. Ibig bang sabihin ni Jimin, nandiyan lang silang pito. Are they really risking their lives for me? Bakit? What did I do to deserve this?



There was a pause. "Um. Ang ibig kong sabihin, Hyung, mga guards mo kami for tonight kaya be grateful." mapagbiro niyang sabi. "Don't worry. Ilang taon na rin kaming naghihintay ng ganitong klase ng action." 

BiteOnde histórias criam vida. Descubra agora