kabanata 28

1.9K 120 20
                                    




Huling nilagay ng doktor yung dextrose sa kamay ko. Mukhang hindi naman siya nahirapang hanapan ako ng ugat na tutusukin since namumuti din ako at pumapayat na. Huwag kayong mag-alala. Sassy at maganda parin naman ako kahit may sakit, okay. Maniwala kayo.



Dumating si Doctor Chan Lee-ahn kanina bago pa makasagot si Park Chanyeol sa nasabi ko. Ewan ko ba kung bakit ko inamin yun sakanya. Ewan ko kung bakit ko nasabi yun. Ang gulo-gulo na kasi ng mga nararamdaman ko lalo na't wala akong maalala. Paano ba? Parang hindi magkasundo sina heart and mind. Ganun.



Nalimutan ko nga palang banggitin na isang matandang dalaga ang doktor na dumating para tignan ako. Nabanggit niya yun kaninang nasa banyo ako para bigyan siya ng urine sample.



Sa ngayon, ginagawa na niya yung finishing touch para sa dextrose ko. Nang inilagay na ni Doc Chan yung huling masking tape sa likod ng palad ko, wala akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga.



"Ano sa tingin niyo?" mahina kong tanong habang pinapanood siyang ayusin yung mga gamit niya. Tapos na ang aking check up at panahon na para umalis siya. Kumuha rin pala siya ng blood samples at iba pang samples na pwedeng kunin sa akin. "Ano sa tingin niyo ang sakit ko, Doctor Chan?"



Tumingin sakin si Doc at muling napa-upo sa tabi ng kama ko. Tinignan lang niya ako ng medyo matagal bago ngumiti ng maliit. "As of now, Your Highness, ang masasabi ko lang ay you're dehydrated." malumanay niyang sabi. "You look sick, yes, but I can't diagnose you with any kind of disease hanggat wala pa yung results ng mga test."



Ngumiti ako pabalik, pero alam naming dalawa na medyo malungkot nga yung ngiting nabigay ko. "Ano sa tingin niyo?" pag-uulit kong tanong. "Just a guess. What do you think?"



Umiwas ng tingin si Doctor Chan at saka napabuntong hininga nalang din. "It's a shame, isn't it?" mahina niyang sabi. "I can't give you any answer to that question. Wala pa... Wala pa akong na-encounter na ganito, Your Highness."



Aray. Ouch. Hindi yan ang gusto kong marinig.



Pero ngumiti nalang din ako dahil wala naman akong magagawa dun. "Don't worry." masaya kong sabi at hinawakan yung kamay niyang nakapatong sa kama. "I'm sure you'll find answers soon." Tama. Kailangang malaman niya ang sakit ko. Hindi pwedeng walang mangyari. Hindi pwedeng hindi ako maging okay.



"Of course." nakangiting sabi ni Doctor Chan at hinawakan pabalik ang kamay ko. "I'll do everything I can."



Tumango ako habang nakangiti parin. "Thank you."

BiteDove le storie prendono vita. Scoprilo ora